Maricel Soriano has finally accepted that her Daddy Dolphy is gone; misses doing comedy

Payag daw ang Diamond Star na si Maricel Soriano na gumanap bilang Marsha kung sakaling gawan ng remake ang sitcom nila noong John and Marsha, na pinagbidahan ng pareho nang yumaong sina Dolphy at Nida Blanca. Sabi ni Maricel, "Yung John and Marsha kasi, epitome ng isang pamilya na nagbibigay inspirasyon sa lahat. Na hindi komo mahirap lamang tayo, at kakarampot lang kinikita natin… Puwede pa rin tayong maging masaya."<


Maaga ng ilang minuto sa call time na 8 p.m. ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa set ng Jose Manalo-Wally Bayola starrer na Ikaw Na, Da Best Ka.

Ginawa ang shooting ng pelikula kagabi, August 16, sa Oasis Events Place sa Aurora Blvd., Quezon City.

May special appearance si Maricel sa nasabing pelikula, kasama ang kaibigang si Roderick Paulate at ilan pang big stars.

Matapos ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang media ang cast ng movie, nagpaunlak din si Maricel ng panayam.

“Walang takutan, ha. Pelikula lang, ha!” tumatawang bungad niya sa press tungkol sa tatakbuhin ng interbyu, na ikinahalakhak naman ng mga naroon.

Paano ba siya napapayag na mag-guest sa pelikula?

“Walang imposible at mahirap. Pag si Itay ang nag-request, nandiyan ako.”

Ang tinutukoy ng aktres ay ang ama-amahan niya sa showbiz na si Mr. Tony Tuviera, head ng TAPE Inc. at APT Productions.

Ang APT—mula sa initials na Antonio P. Tuviera—ang producer ng Jose-Wally movie.

“Kasi anak ako, e. Anak ka ba?” biro niyang tanong.

“A, okay, nakakaloka! Good, good. Wala na, kasi kausap ko si Jose, naiba tuloy ang tono, di ba?"


JOSE AND WALLY. Ano ang reaksiyon ni Maricel sa sinabi ni Jose na kabado siya dahil isang Diamond Star ang guest nila sa pelikula?

“Naku, hindi totoo ‘yan. Hindi ‘yan totoo.

"E, nando’n pa lang, e, niloloko na niya ako, e!” natatawang sagot ni Maricel, na kausap si Jose bago ang interview.

Close ba sila ni Jose?

“Hindi, open lang,” birong sagot niya ulit na ikinatawa ng mga nag-iinterbyu.

“Parang tayo dito, open, di ba?” patawang banat pa niya.

Pero ano ang masasabi niya kina Jose at Wally?

“Ako, ang nakikita ko, bukod sa blessed na blessed sila, dahil isipin mo, ’no… talagang bilog ang mundo, umiikot talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung minsan nasa ibaba ka, pero pag-ikot niyan, pasasaan ba’t mapupunta ka sa taas. Di ba? Gano’n talaga.

“Kaya ako, I’m very happy for them kasi sila yung mga tipo ng mga tao na wala pa silang sinasabi, natatawa ka na.

"Yung, ’Bakit ba ako natatawa?’"

“A, siguro kasi endangered yung hitsura!” sabat naman ni Pokwang, na nasa tabi lang ni Marya.

MARICEL’S ROLE. Ano ba ang role nila ni Roderick Paulate sa pelikulang ito nina Jose at Wally?

“Anong role natin dito?” pabiro niyang tanong kay Pokwang, isa rin sa cast ng pelikula.

“Tanungan kami!” halakhak ni Maricel.

“Kasi kami, ano lang dito, pasyal-pasyal lang kami dito. Napadaan lang kami. Ganyan. Di ba? Pero narito kami para suportahan sila."


ON PORTRAYING MARSHA. Nami-miss ba ni Maricel ang gumawa ng pelikulang comedy?

Ang huling pelikula ni Maricel na may temang comedy ay ang Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (1998), kunsaan nakatambal niya si Robin Padilla.

Sagot ng Diamond Star, “Oo. E, actually, araw-araw naman nagku-comedy ako, e. Hindi nga lang nakikita.”

Ito ay dahil duon sa kanyang tahanan daw niya ito ginagawa.

Paano kung gawan ng remake ang sitcom nila noon na John and Marsha? Papayag ba siyang gumanap bilang Marsha?

Ang John En Marsha ang itinuturing na longest-running comedy show sa Pilipinas. Umere ito mula 1973 hanggang 1990 at nagkaroon ng maraming film versions.

Gumanap dito si Maricel bilang Shirley, ang bunsong anak nina John (Dolphy) at Marsha (Nida Blanca).

“Ang galing-galing mo talaga!” patiling sabi ni Maricel tungkol sa suhestiyon ng isang writer.

"Oo, iba ka! You are one of a kind. Oo, siyempre.

"Yung John and Marsha kasi, epitome ng isang pamilya na nagbibigay inspirasyon sa lahat.

"Na hindi komo mahirap lamang tayo, at kakarampot lang kinikita natin… Puwede pa rin tayong maging masaya.

“Alam niyo, lately, yun yung ano ko, e… gusto ko tawa nang tawa para masaya. Para light lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya light lang, ha. Light lang,” patawa niyang pagre-remind uli tungkol sa itatakbo ng interview.

Ibig sabihin, ayaw niya ng mabibigat na topic.

BE HAPPY. Dagdag ng aktres, “Simple lang. Simple ang buhay.

"Dapat happy tayo kung anong meron. Kung anong meron tayo, maging masaya tayo dapat.

"Tsaka dapat araw-araw ipagpasalamat natin na, ‘Uy, I’m alive!’ Di ba?"

Masasabi ba niyang ito ang realization niya dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay?

“Uy, yung mga pinagdaanan natin?” mabilis ngunit nakangiti niyang sagot, upang hindi madako ang interbyu sa ilang intrigang naikabit sa kanyang pangalan nitong mga nakaraang buwan.

Patuloy ni Marya, “Oo, dapat simple at masaya. Di ba?

"Para wala tayong iniintinding ano… dapat lagi nating nakikita kung anong mga blessings na meron tayo."

MARYA IN 2012. Ano ang mae-expect ng mga tao mula sa Diamond Star for the rest of 2012?

“Gusto ko ‘yang tanong na ‘yan!" sambit muna niya.

"A, marami sigurong mae-expect, kaya lang, di ko gustong i-preempt.

“Oo. Kaya abangan na lang natin yun, ha.

"Kasi mahirap magsalita ‘tapos, ‘Ay, hindi naman pala totoo.’

"Mahirap. Gusto ko yung sure na, di ba?"

ON POKWANG. Napansin ng press habang kausap si Maricel na nakatulala at nakatingin lamang si Pokwang sa Diamond Star.

Nakakatuwa rin ang sumunod nilang sagutan.

Maricel: “Gustung-gusto ko ‘tong babaeng ‘to, e. Pinapanood ko ‘to, e. Oo, totoo yun, ha, walang echos. At saka gandang-ganda ako sa kanya.”

Pokwang: “O…ikaw na talaga!”

Maricel: “Inside and outside. Yeah, she’s very nice. Guaranteed ‘yan.”

Pokwang: “Oh, but of course!”

Maricel: “O, tanggap! Tinatanggap niya.”

Pokwang, “Sabi count your blessings.

Maricel: “Correct! O, di ba?”


DOLPHY. Isa si Maricel sa labis na naapektuhan sa pagkamatay ng Comedy King na si Dolphy noong July 10, 2012.

Halos sa set na kasi ng John En Marsha lumaki si Maricel, at si Mang Dolphy ang tumayo niyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo… naano ko naman na. Gano’n, e. Gano’n talaga, di ba?

"‘Tsaka para hindi mahirapan na rin ang daddy ko. Hirap na din, e,” sabi ni Maricel.

Ibig sabihin ay natanggap na niya ang pagkawala ng kanyang ama-amahan.

"Ang gusto ko lang naman maging okay siya palagi. Yun lang naman ang ano namin, e.

“’Pag nagkikita kami no’n ni Daddy palagi, kunyari may mga occasion, ‘Happy ka ba?’

"‘Oo anak, happy. Happy ka ba? I’m very!’ Gano’n.

"Dapat gano’n. Gano’n dapat, di ba?"

Bukas, August 18, ang 40th day ng pagpanaw ng Comedy King. Dadalo ba siya sa gaganaping salu-salo?

“Siyempre. Siyempre, nando’n ako. Anak ako, di ba? Anak ka din?” pabiro ulit niyang sagot.

“Hindi, anak ka din. Di ba, ang hilig no’n, e…” naputol niyang saad, na ang nais niyang sabihin ay maraming itinuturing na anak-anakan si Mang Dolphy.

Magpapa-tribute tattoo rin ba si Maricel gaya ng ginawa ng ilang kapamilya ng Comedy King? Pati kasi ang longtime partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla ay nagpa-tattoo na rin.

“Takot ako do’n. Masakit yun," sagot ni Maricel.

Sabi ni Zsa Zsa ay hindi raw masakit.

“Takot ako doon. Naku, hindi too ’yan. Baka mamaya tulog siya no’n.

"Baka tulog yun no’ng ginawa yun!” natawa niyang sabi.

Sa isang TV special na gagawin para kay Dolphy ba ay kasama rin siya?

“Palagay ko, anak ako, e!” tawa na naman niya.

"Hindi, nagpapatawa lang ako, pero siguro naman.

"Baka pag nawala ako no’n e magulat ka pa!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN