Grace Lee explains why she and President Noynoy Aquino stopped dating

Grace Lee on why she stopped dating President Noynoy Aquino: “We dated for a couple of months and, you know, sometimes you date and it works out, and you go to the next level, you become a couple, and you are in an exclusive relationship… We never got there."


Limang taon na pala sa broadcast industry ang bagong Kapatid na si Grace Lee.

Pangarap niya raw talaga ang maging in-depth news reporter, at natupad na ito dahil siya ang co-host ni Martin Andanar sa Andar Ng Mga Balita ng Aksyon TV41, ang cable news channel ng TV5.

Kasama na rin siya sa morning show na Good Morning Club.

Galing ng GMA News si Grace bago siya lumipat ng News 5.

“After five years in the industry, I’ve moved my home base.

“And I’m very happy naman sa opportunity na ibinigay sa akin ng 5.

“When the offer came to me to do hard news, natatakot din ako dahil, siyempre, it’s a new field, hindi ko alam kung qualified ako.

“Pinaghandaan ko rin talaga for months.

“I’ve even hired a tutor for two months to kinda level up my Tagalog, tsaka nagpa-practice talaga ako, di ba?” saad ni Grace sa panayam sa kanya ni Divine Lee sa Ang Latest, kagabi, August 16.

Para sa kaalaman ng lahat, hindi magkamag-anak sina Grace at Divine. Purong Koreana si Grace samantalang may dugong Chinese si Divine.

DATING PNOY. Naging malaking balita early this year ang pakikipag-date ni Grace sa Presidente ng Pilipinas na si Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ngunit hindi natuloy ang “ligawan” ng dalawa at natigil na rin ang isyu sa kanila.

Ano ang nangyari at naudlot ang kanilang pagde-date ng Presidente?

Sabi ni Grace, “We dated for a couple of months and, you know, sometimes you date and it works out, and you go to the next level, you become a couple, and you are in an exclusive relationship…

“We never got there."

Pero dagdag niya, “He was a very interesting part of [my] life… ang dami kong natutunan.”

Hanggang ngayon ba ay nananatili pa rin silang magkaibigan ng Pangulo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, yes,” sagot ni Grace.

Mayroon na bang ibang itinitibok ang puso niya ngayon? Mayroon ba siyang bagong inspirasyon?

“Work is inspiring me kasi, again. I do want to stay alone for a while,” sabi ng TV personality.

ALTAR AND WHITE FERRARI. Binalikan din ni Divine ang dalawang isyu na kinasangkutan ni Grace ngayong taon.

Una, ang tungkol sa isang artikulong nagsabing gusto raw ni Grace na mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni PNoy noon.

Pangalawa, ang white Ferrari na iniregalo raw sa kanya ng isang manliligaw, na naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang namumuong relasyon nila ng Pangulo.

Sabi ni Grace, “First, that article by Ellen Tordesillas na sinabi ko raw sa radio… na gusto ko na magtungo yung relationship namin sa altar…

“Pero alam mo kung sino ang nagsabi noon? Si Suzy, radio partner ko.”

Matatandaan ng naglabas ng artikulo ang veteran journalist na si Ellen Tordesillas sa website ng Vera Files, noong Pebrero 13, na pinamagatang "Grace Lee sees herself marrying PNoy.”

Dahil sa maling report na ito ni Tordesillas, humingi ng public apology si Grace sa manunulat.

(CLICK HERE to read related story.)

Si DJ Suzy, o Tin Gamboa, ay co-DJ nina Grace at Mo Twister sa radio show ng Magic 89.9 na Good Times with Mo.

Tungkol naman sa white Ferrari, sabi ni Garce, “Kasi may balitang lumabas, may nagregalo raw sa akin ng puting Ferrari, at pinili ko raw yung suitor na yun kaya iniwan ko siya [PNoy]. I stopped dating daw him.”

Hindi man idinetalye ni Grace ang isyung ito, naninindigan siyang wala itong katotohanan.

(CLICK HERE to read related story.)

IDEAL AGE TO GET MARRIED. Napag-usapan na rin lang ang altar, handa na rin ba siyang magpakasal?

“You know, I’ve been ready since I’m 21,” sagot ng 29-year-old broadcaster.

Dagdag niya, “Since I’m 21, I wanna get married na and have kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s, like, my ultimate dream… and I really have been praying na ’Lord, ipakita mo na Siya sa akin.’”

Pero wala pa rin daw talagang nagpapatibok sa puso ni Grace ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN