Martin del Rosario on being groomed as Kapamilya leading man: “Nararamdaman ko naman, pero siyempre, hindi ko nilalagay sa utak ko."

Ayon sa Kapamilya young actor na si Martin del Rosario ay wala siyang girlfriend ngayon. Rason niya, “Mas lalo pa ngayon, mas lalong walang time."


Pagkatapos ng The Healing, sa isa na namang katatakutang pelikula mapapanood ang Kapamilya young actor na si Martin del Rosario.

Kasama siya sa cast ng Amarosa, along with Angel Aquino, Enrique Gil, and Ejay Falcon.

Pero nilinaw ni Martin na magkaiba naman ang dalawang magkasunod na pelikula niya.

“Siyempre, magkaiba ang genre niya.

“Sa The Healing, thriller-suspense. Ito naman, psycho-horror, so magkaiba sila ng genre.

“Pero sigurado ako na talagang matatakot ang mga tao dito at tatamaan ang pag-iisip nila, sa music pa lang.

“Pati ang story, ang daming twists na kailangang abangan ng tao,” sabi ni Martin sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

BUSY BEE. Ano ang pakiramdam na sunud-sunod ang projects niya?

“Masaya,” sambit ng young actor.

“Puyat, pero hindi naman ako nagrereklamo kasi masaya naman ako sa ginagawa ko kahit puyat-puyat na ganito.

“At least, maraming blessings kaya dapat go lang nang go sa maraming projects.”

Late nang dumating si Martin sa presscon ng Amarosa noong Miyerkules, August 15, dahil alas-dose na raw ng tanghali siya na-pull out mula naman sa taping ng afternoon soap niyang Pintada.

May ilang araw rin daw silang hindi nakapag-taping dahil sa naging pag-ulan at pagbaha.

“Kaya yun, medyo naghahabol kami.”

SEXY IMAGE. Kahit sa telebisyon ay nabibigyan ng magandang oportunidad ngayon si Martin bilang leading man ni Denise Laurel sa Pintada.

Aminado ang Star Magic talent na medyo pa-sexy siya sa Pintada. Marami naman ang nakakapansin sa maganda niyang pangangatawan.

Sino naman sa totoong buhay ang nakaka-appreciate ng patuloy niyang pagpapaganda ng katawan?

“Wala akong girlfriend,” nakangiti niyang sabi.

“Mas lalo pa ngayon, mas lalong walang time.

“Dati kasi, school.

“Heto ngayon, halos every day, may M-W-F, T-Th-S, may school pa.

“So, mahirap.”

Kumportable ba siya sa image na may pagka-sexy?

“Oo naman, kasi kakaiba rin.

“Nagsimula ako sa palaging kapatid, palaging may ate, naging kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least ngayon, naging leading man na. So, nakakatuwa.”

Kanino naman siya naseseksihan na artistang babae?

“Si Angel Locsin. Siya talaga,” mabilis na sagot ni Martin.

Nararamdaman ba niyang isa na siya sa mga leading men ng Kapamilya network?

“Nakakatuwa, siyempre, hindi ko naman feel na feel talaga.

“Pero at least, pinu-push ako ngayon at naa-appreciate ko naman.

“Nararamdaman ko naman, pero siyempre, hindi ko nilalagay sa utak ko.

“Hindi naman kasi ako ganoon,” sabi ng aktor.

GOOD TRACK RECORD. Matatawag na ngang aktor si Martin.

Sa indie horror film na Dagim, dalawang kapulungan ang kumilala sa kanyang galing: ang Star Awards na nagbigay sa kanya ng New Movie Actor of the Year title at ang Golden Screen Awards na nagbigay sa kanya ng Breakthrough Performance award.

Taong 2010 iyon.

Mula noon, nakita pa ng mga prodyuser at manonood ang galing ni Martin sa Rosalka, Juanita Banana, at Minsan Lang Kita IIbigin. Na sinundan pa ang The Healing, na pinagbidahan ni Vilma Santos at Kim Chiu. At ngayon nga ay ang Amarosa at Pintada.

Ngayong taon din, pumasok si Martin sa listahan ng YES! Magazine 100 Most Beautiful Stars 2012, sa ilalim ng "Filmfest Star" category.

Sabi nga ng magasin, ang mga nasa listahan ay hindi lamang kailangang maganda, kailangan ding nasa radar ng showbiz. Ibig sabihin—pinapansin, nararamdaman, nakikita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN