Karylle on mom Zsa Zsa Padilla: "I don’t expect her to be so strong. Actually, I wouldn’t want her to be so strong."

Si Karylle ang naging sandalan ng inang si Zsa Zsa Padilla nang nagkasakit hanggang sa namatay ang Comedy King na si Dolphy. Karylle: "Ako kasi, for what it’s worth, I know, parang mahinhin ako na ganyan. Pero when it comes to problems, personal life, I feel that I’m courageous enough to face my problem."


Aminado si Karylle na tulad din siya ng ibang anak na nangarap na sana isang araw ay magkabalikan ang kanyang naghiwalay na magulang—ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla at ang dentista na si Modesto Tatlonghari.

“Dati, noong bata ako, hindi ko made-deny iyan!” nakatawang sabi ni Karylle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“But, siguro… God’s will na lang ang hinihiling ko.

“Kasi, talagang lahat naman ng mga bagay na nangyari sa akin before, lahat ng ano, napagdasal ko na, na-heal.

“Pero yun lang talaga, healing na lang ang ipinagdarasal ko, na kung ano man iyong na-break or brokenness na nangyari…

“Kasi mahirap din mag-wish kung minsan dahil mamaya ay hindi rin naman talaga sila para sa isa’t isa.”

Kumusta ngayon ang mommy at daddy niya?

“Pinilit ko silang maging friends... Siguro I think that was last year.

“Kasi sabi ko, ‘Kailangan niyo nang maging friends.’ And they did try.

"And in all fairness to them, I was very proud of them, na they made an effort to...

“Kasi siyempre, sabi ko… ayaw ko naman na one day na kapag nagkaroon ako ng anak, ayaw ko naman na ang madadatnan nilang lolo at lola ay hindi magkabati.

“Kaya sabi ko, ‘Ayusin niyo na iyan.’ Pero, siyempre, it takes a while.

“So, ayun, they were naman, little by little, until naging okay naman sila.”

ZSA ZSA’S STRENGTH. Sa mga interview kay Zsa Zsa pagkatapos sumakabilang buhay ang partner nitong si Dolphy, sinasabi niyang si Karylle ang isa sa nagbibigay sa kanya ng lakas.

Paano nagagawa ito ni Karylle, na tila marami na siyang pinagdaanang mabibigat na mga karanasan sa buhay?

“Mahirap, e, pero marami lang akong pinagdaanan na rin, e.

“So, ako kasi, for what it’s worth, I know, parang mahinhin ako na ganyan.

“Pero when it comes to problems, personal life, I feel that I’m courageous enough to face my problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko aatrasan iyan, I will confront it kahit mahirap…

“You know, some people are afraid of crying, they get hurt. Ako hindi.

“Kasi, napagdaanan ko na iyan noong maliit ako, mas malala pa, so bakit hindi ko magagawa ngayon?

“Malakas ang loob ko, kasi alam ko naman that God… Parang He has really given me people na along the way ay tumutulong sa akin.

“Alam mo, every Sunday nga, may mga pari na, ‘Im praying for you…’

“So ang dami kong friends na ganun and, talaga, I really asked for help.”

Paano niya ilalarawan si Zsa Zsa bilang isang ina?

“She’s a very generous person, siyempre mahirap dahil ang daming pinagdadaanan.

“Very loving… ano pa ba? Very sexy!” tawa ni Karylle.

Hindi man siya lumaki sa piling ni Zsa Zsa, tunay namang nararamdaman ni Karylle ang pagiging nanay nito sa kanya at ang pagiging anak niya sa Divine Diva.

“Si Mama, ano... hindi kasi ako lumaki sa kanya. But a mother’s love… parang I don’t think na you can ever really describe it.

“There’s a bond that exists between us na, I think kaya naging sobrang perfect akong sekretarya niya noong mga time na nahihirapan siya, dahil alam ko kung ano ang nararamdaman niya somehow.

“I don’t know, it’s a bond that I can’t describe.

“Hindi ko alam, hindi ko rin siya ma-quantify, pero napi-feel mo na malakas talaga iyong koneksiyon.”

Ano ang masasabi niya na sa panahon ng pagsubok tulad ng nangyari kay Mang Dolphy, nagpakita ng katatagan si Zsa Zsa?

“Ako, for me, I don’t expect her to be so strong. Actually, I wouldn’t want her to be so strong.

“She is okay to break down and not be okay because it’s part of it.

“Ako nga, kung papipiliin ako, mas okay sana na, for a moment, ay mag-let go muna siya, na huwag nang maging strong for us, na ilabas lang muna niya. Tapos after that ay saka mag-move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, siyempre, for us, she’s really trying her best.

“Pero for me, okay lang na hindi siya maging ganoon ka-strong all the time.”

Ano ang balita sa sinabi ni Zsa Zsa na problema nito sa urethra?

“Yes, she’s in the States, having it checked right now,” ani Karylle.

Pero imbes na mag-alala si Zsa Zsa para sa kanyang sarili dahil sa kanyang health condition, mas nag-aalala raw ito para sa kanyang mga anak.

Ano ang komento rito ni Karylle?

“Iyon na nga, she’s very, very strong. Iyon ang ibig kong sabihin, nanay na nanay talaga ang dating niya, di ba?

"So, let’s pray for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN