Maey Bautista’s boyfriend knows he is not her priority: “Kasi mas priority talaga, kung ano yung buhay ko ng after Survivor."

Bagamat sila ang madalas magkasama, nilinaw ni Maey Bautista na magkaibigan lamang sila ng onscreen partner na si Betong Sumaya. Pero biro niya, "Ako po, gusto ko naman talaga siya kaso ang choosy nga niya... e, hindi naman siya talaga yummy, di ba?"


Anim na buwan na ang nakalilipas magmula nang natapos ang Survivor Philippines Celebrity Double Showdown, kaya kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating castaway na si Maey Bautista.

Naka-tandem ni Maey sa reality show na ito ng GMA-7 ang ka-partner rin sa showbiz na si Betong Sumaya—na siyang nagwaging Sole Celebrity Survivor.

Anu-ano na ang mga pagbabago sa buhay ni Maey pagkatapos ng Survivor?

Lahad niya, “I remember po last year, itong month na ito ng August, ito rin yung kinu-convince nila kami kung magdyu-join ba kami ng Survivor o hindi.

“Kinu-convince na nila kami or screening na ito—ung pipirma ba kami ng kontrata.

“Kasi parang naaprubahan na kami ng matataas, nina FLG [Felipe L. Gozon], na kami yung sasali.

“So eto yung month talaga last year, was the deciding moment, was the deciding month kung maggu-go kami.

“So, I remember na ito na yung week na pumirma ako. Ito na po yung month na pumirma ako ng kontrata so…

"Nire-recall ko nga, e, talagang yung moment na yun, na bago ako pumirma, ang dami ko talagang kailangang i-decide—yung mga pros and cons.

“Pero ngayon, parang… hindi talaga ako nagsisisi na sumali ako sa Survivor kasi ang laki po talaga nang naitulong sa personal tsaka doon sa trabaho mismo.

"Kasi hindi nga kami… thank God hindi kami nawawalan ng mga projects, ng mga guestings.

“At saka parang feeling ko po, this time, parang after joining Survivor, parang mas nagtiwala yung mga tao, yung mga producers, mga researchers na bigyan kami [ni Betong] ng mga kanya-kanyang mga segments, na isali kami sa big screen, sa pelikula.

“Iyon po, so malaking tulong po talaga yung pagsali namin sa Survivor.”

Napapanood si Maey sa GMA News Channel shows na May Tamang Balita, Ang Pinaka, at Day-Off.

Sabi niya, “Thankful kami sa public affairs kasi hindi sila bumibitaw at talagang nagtitiwala sila sa amin, sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Laging pagka sa GMA News TV, lagi kaming nandidiyan, tsaka sa mga shows ng public affairs sa GMA-7.”

SOMEONE SPECIAL. Tungkol naman sa personal na buhay ni Maey, may karelasyon ba siya ngayon? In love ba siya ngayon?

“Opo, may special someone naman, pero ngayon kasi after Survivor…”

May boyfriend siya?

“Yes, yes, pero parang second priority lang yun.

“Kasi mas priority talaga, kung ano yung buhay ko ng after Survivor, kasi parang mas dapat nakatutok ka ngayon.

“Pinag-iigihan mo talaga kasi mas nag-e-expect na yung tao, kasi big time talaga yung paglabas mo ng Survivor. So iyon na yung kailangan mong alagaan.

“Na may mga projects, kasi most of our… yung mga kasama na castaways, di ba, hindi naman sila masyadong visible sa TV or sa pelikula?

“So ako, talagang thankful po ako na yung katulad dito sa Just One Summer, kahit pakaway-kaway lang, at least nakasama po ako sa isang Mac Alejandre na pelikula.”

Kasama si Maey sa cast ng GMA Films movie nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose na palabas ngayon sa mga sinehan.

Alam ba ng kanyang special someone na second priority lang siya ni Maey?

“Yes opo, opo, alam naman niya.”

Payag ito?

“Yes, okay po, naiintindihan po niya. Ano po siya, simple lang na empleyado.”

Ilang buwan pa lang daw ang itinatakbo ng kanilang relasyon, “but we’re friends for three years na po.”

Puwede ba niyang sabihin ang pangalan ng guy?

“Ay, hindi po… Hindi niya po kasi alam, ako lang po talaga ang nakakaalam na kami na.

“Oo nga!” sabay tawa ni Maey sa kanyang sariling biro.

“Oo nga, oo nga. Opo, parang sa kanya siguro parang aliw lang siya, ganyan, pero ako sineseryoso ko!” at muling humalakhak si Maey.

So hindi sila pormal na may relasyon?

“Actually, just kidding, pero may something naman kami pero …”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para silang may mutual understanding? Dahil hindi pag-ibig ang priority ni Maey, kaya hindi pa umaabot sa seryosohan ang kanilang mutual understanding?

“A, hindi pa po, e. Kasi gusto ko ng someone na ano, e… gusto ko mayaman, artista, ganyan!” biglang tawa muli ni Maey sa sarili niyang biro.

Dagdag biro pa niya, “Gusto ko kasi talaga si Betong pero ang turing niya sa akin, isang tiyahin.

“So, sabi ko ‘Wow, e, paano ‘yan, e, di magtiyahin kami. E, di it’s complicated.”

"IN LOVE" WITH BETONG. Si Betong ay wala raw karelasyon ngayon. Bakit hindi sila nagkatuluyan?

“Hindi… ako po, gusto ko naman talaga siya kaso ang choosy nga niya...e, hindi naman siya talaga yummy, di ba?

“Pag nakita naman po ninyo talaga yung hitsura niya, mula ulo hanggang sa pangangatawan...

"Akala mo napakakisig na lalaki, ano? Akala mo napakaguwapo.

"Pero ako e hindi niya talaga type siguro,” pagbibiro ni Maey tungkol sa kanyang kapartner.

Sumuko na ba si Maey sa “pagmamahal” niya kay Betong?

“Hindi pa naman po. Ako po e hoping na ma-realize niya na nandito naman ako, you know,” sakay naman ng komedyana.

Paano kung ma-develop na siya sa ka-MU niya?

“A, okay lang po kasi gusto ko talaga si Betong, e!” sabay halakhak muli ni Maey.

“Hindi, I’m just kidding po. We’re just friends talaga.”

Lagi silang magkasama ni Betong kaya hindi imposibleng ma-develop.

“Oo nga! Ako minsan iniisip ko na nga ‘yan.

“Okay lang po sa akin ha, nasa sa kanya ’ata yung diperensiya, masyado talagang choosy.”

Paano kung biglang manligaw sa kanya si Betong, sasagutin ba niya ito?

“Ay, depende po kung hahatian niya ako dun sa nakuha niyang three million sa Survivor!” at tumawa muli si Maey.

“Kahit na hindi niya siguro ako pormal na anuhin [ligawan], talagang sasagutin ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka naman ubos na ang napanalunan ni Betong?

“Meron pa po yatang kalahati. So ako, ang gusto ko sana yung kalahating iyon, maibahagi niya talaga sa akin!” wala pa ring tigil sa katatawang sabi ng mapaglarong si Maey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN