Zsa Zsa Padilla diagnosed with Stage 1 kidney cancer

Habang nasa Los Angeles, California, para sa launching at promotion ng Zein Obagi ni Dra. Vicki Belo, sumailalim na rin sa kidney checkup si Zsa Zsa Padilla. Dito, nakumpirmang meron na siyang Stage 1 kidney cancer.


Diagnosed with Stage 1 kidney cancer ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Ayon sa report na inilabas ni Joseph Pimentel ng ABS-CBNnews.com katanghalian ngayong araw na ito, Agosto 19, sinabihan daw si Zsa Zsa ng mga doktor sa U.S. na tumingin sa kanya, na mayroong lumalaking laman sa loob ng kanyang kidney, o sa bato.

Ito raw ay kasing-laki ng isang golf ball.

Si Zsa Zsa ay 48 years old.

“The first time I saw Dr. [Larry] Froch, he immediately told me it was malignant," ang pag-quote ng report kay Zsa Zsa.

"So when I heard that word ’malignant,’ I said, ’Oh man, I have cancer.’ I went back the next day for blood work and a scan and it showed the same thing—almost a three centimeters growth—and he advised for it to be taken out."

Pumunta ng California nitong nakaraang linggo si Zsa Zsa para sa launching at promotion ng Zein Obagi product ni Dra. Vicki Belo. Habang naroon ay nagpa-check up na rin si Zsa Zsa ng kanyang kidney.

Sa Los Angeles na rin niya, kasama ang anak na si Zia, ginunita ang ika-40 araw ng kamatayan ni Dolphy, ang kanyang partner sa loob ng huling 23 taon.

Nagkaroon ng misa sa St. Patrick’s Church sa North Hollywood para sa yumaong Comedy King ang ilang kaibigan at kapamilya nito.

Hindi pa man nakaka-recover mula sa pagkawala ng mahal niya sa buhay ay dumating naman agad ang bagong pagsubok na ito sa buhay ng tinatawag sa Philippine entertainment scene na Divine Diva.

Hinanda man ang sarili at aminadong gumawa na ng bucket list, mananatili raw malakas at positibo si Zsa Zsa na malalagpasan niya ang bagong pagsubok.

Sasailalim si Zsa Zsa sa surgery sa Agosto 27 sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, para tanggalin ang nadiskubreng malignant growth sa bato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung magiging maayos ang operasyon, makakaalis na siya sa ospital matapos ng dalawang araw at makakabalik-trabaho matapos ng isang buwan.

“This is the first stage. Once it’s removed, I’ll be cancer-free. I’m going to take care of myself and eat well," pangako ni Zsa Zsa.

ALAM NI DOLPHY. Napag-alaman ng PEP sa isang source na malapit sa pamilya Quizon na ang diagnosis ng U.S. doctors ay naging confirmation na lang ng kondisyon ni Zsa Zsa.

Kung baga, ito ay naging second opinion na lang ng ibang duktor.

Ayon kasi sa source, dito pa lang sa Pilipinas ay nagpatingin na sa mga dalubhasa si Zsa Zsa, at dito pa lamang ay sinabi na sa kanyang may growth ito sa kidney.

Sabi pa ng source, sa mga anak ni Zsa Zsa mukhang si Karylle ang pinaka-naapektuhan ng mga pangyayari.

Pinalalakas lang daw ng panganay na anak ni Zsa Zsa ang kanyang loob, para palakasin din ang loob ng ina, ngunit talaga raw napapahagulgol ito kapag napag-uusapan ang sakit ng ina.

Sabi pa rin ng source, alam daw ni Dolphy na may sakit si Zsa Zsa.

Ngunit sa dami ng kinailangang harapin ni Zsa Zsa nang magkasakit ang partner niya of 23 years, hindi na ang kidney niya ang pinagtuunan ni Zsa Zsa ng pansin.

Espekulasyon nga ng iba, nung sinabi ni Dolphy sa kanyang death bed ang "I love you" kay Zsa Zsa, alam na alam ng King of Comedy na karapat-dapat mahalin ang Divine Diva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN