Kapuso teen star Derrick Monasterio chosen by National Youth Commission as its new ambassador

Derrick Monasterio on being chosen as new ambassador by the National Youth Commission: “Feeling ko po, nabigyan ako ng napakalaking responsibility at, siyempre, I will do my best para ma-meet yung expectations nila. Gagawin ko po ang lahat para makatulong sa pagpapahinto sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, lalo na sa kabataan."


Opisyal nang ini-launch ang Kapuso tween actor na si Derrick Monasterio bilang bagong ambassador ng National Youth Commission, ang lead agency ng gobyerno sa youth development.

Ginawa ang launching sa Party Pilipinas kahapon, August 19.

Pumirma si Derrick ng isang agreement sa National Youth Commission noong August 16, kasama si NYC Commissioner Earl P. Saavedra.

Masayang-masaya ang 17-year-old actor sa pagkakapili sa kanya ng NYC bilang youth advocate.

Sabi ni Derrick, “Nakakatuwa naman po na ako ang napili nila out of the many young actors ngayon na puwede namang maging youth advocate din.

“Tinanong ko nga po kung bakit ako ang napili nila. Sinabi naman nila na I have the qualities na maging mahusay na leader at makikinig daw ang mga kabataan sa akin.

“Feeling ko po, nabigyan ako ng napakalaking responsibility at, siyempre, I will do my best para ma-meet yung expectations nila.

“Gagawin ko po ang lahat para makatulong sa pagpapahinto sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, lalo na sa kabataan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa dressing room ng Studio 7 sa GMA Annex Building kahapon.

WHY DERRICK. Tinanong din ng PEP si Commissioner Saavedra kung bakit si Derrick ang napili nila maging bagong youth ambassador, kasunod ng mga Kapuso ring sina Jolina Magdangal at Dingdong Dantes.

Sagot nito: “We know that Derrick’s character is definitely a good image of a typical Filipino youth.

"He is an example of somebody who shows to the young how they must conduct themselves.

"Magaling si Derrick in terms of talent, magaling siya in terms of pakikipaghalubilo... Yun ang gusto natin sa isang kabataang Filipino.

"May proper appreciation of values and may proper appreciation of the righteousness that they have to bear within themselves."

Dagdag naman ni NYC Chairman Leo G. Flores, isang malaking inspirasyon si Derrick sa maraming kabataan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With Derrick’s presence, he could inspire the young people to have clean living and to avoid substance abuse.

"Even sa study ng NYC, merong 11 percent na nalulong sa substance abuse.

“It is quite alarming, but there is a good opportunity for us to inspire the young people and to get them off [from] different kinds of illegal drugs."

Bilang youth advocate, makakasama ni Derrick ang ilan pang youth leaders ng bansa sa gagawin nilang mga proyekto para sa kabataan.

HECTIC SCHEDULE. Isa si Derrick sa kilala at pinaka-abalang young actors ngayon.

Kasalukuyan siyang lumalabas sa GMA-7 primetime series na Luna Blanca at sa musical-variety show na Party Pilipinas.

Kasalukuyan din niyang tinatapos ang kanyang debut album.

Hindi kaya makaapekto sa kanyang pagiging youth advocate ang kanyang hectic schedule?

“Hindi naman po. Alam naman po nila sa NYC ang schedules ng trabaho ko.

“Normal pa rin naman po ang pagharap ko sa mga ginagawa ko bilang artista.

“Kapag may mga projects po ang NYC, tulad ng mga charity events nila, launch ng sisimulan nilang project, at magsasalita ako for the youth sa school or sa isang venue—doon po nila ako kailangan.

“Siyempre, hindi naman ako puwedeng hindi pumunta dahil nag-promise po ako sa kanila na gagawin ko ang trabaho ko para sa kabataan.”

FUNDRAISING EVENT. Hindi naman daw lingid sa kaalaman ni Derrick na maraming mga kabataan ngayon ang nalilihis ng landas dahil sa paggamit ng bawal na gamot.

Nais din niyang magsimula ng isang fundraising event para makatulong sa pagpapaaral ng ilang kabataan para hindi na maisipang gumamit ng droga.

“Isa nga po yun sa gusto kong gawin. Maraming mga kabataan ngayon ang hindi nakakapag-aral dahil wala silang pang-aral.

“Dahil doon, nababarkada sila at doon nagsisimula ang pagpasok nila sa masamang bisyo.

“Yung masamang bisyo po na iyon, hindi lang po sa droga nagtatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga puwede silang gawing masama tulad ng pagnanakaw at manakit ng kapwa nila.

“Kaya po gusto kong magkaroon ng fundraising event for the youth. Yung makukuha pong funds ay puwedeng makatulong sa ilang kabataan na makapag-aral ulit.

“I want them to choose the right path.

“Siyempre po, gusto kong makasama ang NYC sa pagbuo ng ganitong klaseng project.

“Sana po magawa namin ito agad para mas marami kaming matulungan na kabataan,” nakangiting sabi ni Derrick.

Nasa website na ng National Youth Commission ang litrato ni Derrick na hawak ang pinirmahang papel na nagsasaad na siya ang bagong youth ambassador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN