Carmina Villarroel says 2012 is "the right year" for her and Zoren Legaspi to get married

Malaki ang posibilidad na matuloy na ang pinakahihintay na kasalan sa pagitan nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ngayong taon. Pero kung sakaling matuloy, sabi ni Camrina, “We wanted it to be really, really simple. Kung puwedeng family, family lang talaga.”


Napurnada ang pagpu-propose sana ni Zoren Legaspi sa kanyang longtime partner na si Carmina Villarroel.

Kamakailan kasi ay nagpunta sila sa Japan, kasama ang kambal nilang anak na sina Cassandra at Maverick, dahil pangarap daw ni Carmina na makakita ng cherry blossoms—isang uri ng bulaklak na karaniwang tumutubo sa Japan.

Ikinuwento ito nina Zoren at Carmina sa interview nila sa Showbiz Inside Report—ang showbiz talk show ng ABS-CBN kunsaan isa sa co-hosts si Carmina—noong Sabado, August 18.

Doon dapat gagawin ni Zoren ang wedding proposal.

Kakuntsaba pa nga raw ni Zoren ang anak na si Cassandra sa planong proposal na ito.

Sa Japan na rin daw sana bibili ang aktor ng engagement ring na ibibigay niya kay Carmina.

Pero nang magbabayad na, hindi raw tinanggap ang gamit na credit card ni Zoren dahil hindi niya ito napa-activate sa Pilipinas.

Nagkulang na rin daw ng oras dahil nung araw na dapat magpu-propose si Zoren ay siya ring pagpunta nila sa lugar ng cherry blossoms.

Kaya ang ending, hindi natuloy ang wedding proposal ni Zoren kay Carmina.

THE RIGHT YEAR. Sa taped interview naman ng The Buzz kay Carmina na ipinalabas kahapon, August 19, ay hiningan siya ng reaksiyon sa naudlot na wedding proposal ni Zoren.

Sabi ng actress-TV host, “Si Zoren kasi, magaling talaga sa mga ganyan. Mahilig siya sa sorpresa.

"Sobra na akong nata-touch.

“Hindi man nangyari yung sa cherry blossom, okay lang, at least napag-isipan niya.

“Alam mo yung inabala niya, somehow… Hindi nga lang nag-work yung credit card.”

Ilang beses na rin natatanong sina Carmina at Zoren kung kailan ba talaga sila magpapakasal.

At sa pagkakataong ito, sinabi ni Carmina na posibleng ngayong taon maganap ang kanilang civil wedding.

“I think this is the right year, so, hopefully, God willing.”

Pero hindi pa masabi ni Carmina kung anong buwan ito mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May naiisip na ako, pero ayoko nang malaki.

“Unang-una, mahiyain kaming dalawa.

“Hindi man halata... hindi po siya halata, pero mahiyain kami.

“We wanted it to be really, really simple.

“Kung puwedeng family, family lang talaga,” sabi ni Carmina.

Naniniwala si Carmina na kung magpakasal man sila ni Zoren, pagkatapos nilang mag-live-in ng mahabang panahon, ito ay lalong ikagaganda ng kanilang samahan.

“Kung meron mang mababago, yun nga, para ito sa ikabubuti.

“Kung anuman ang meron ang isang kasal na couple, nasa amin na, e. Kaya siguro hindi ko siya hinahanap.

“Ang gagawin ko lang, ipagpapatuloy ko lang kung paano ako.

“Kasi, tumagal naman kami ng fourteen years kung ano kaming dalawa.

“Kung meron man, siguro mas magiging understanding, quiet…” natatawa niyang sabi.

THE TWINS. Ang kambal daw nina Carmina at Zoren na sina Mavy at Cassy ay parehong excited sa napipintong pagpapakasal ng kanilang mga magulang.

Ayon kay Carmina, “Maganda rin yung nangyari kasi parang nagiging parte sila kung anuman yung pagpaplano, kung anuman ang excitement na nararamdaman namin as a family rin.

“Kaya lahat ng ito, bonding ito, lahat ito as a family.”

Kung sakaling maikasal na sila ni Zoren, may plano pa ba silang sundan ang kanilang kambal?

“Minsan, parang gusto namin. Minsan naman, parang okay na kami sa twin.

“So, bahala na si God kung gusto pa niyang humabol-habol pa, e, okay ako.”

Ipapaalam ba ni Carmina kung kailan ang kasal nila ni Zoren sa dating asawang si Rustom Padilla, na ngayon ay kilala na bilang si BB Gandanghari?

“Wala na. Like I’ve said, ano na, e… annulled na talaga. And I think naman, wala lang!” natawang sabi ni Carmina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN