Iza Calzado’s British boyfriend surprises her with a flash mob on her birthday

Nagdiwang ng kanyang 30th birthday ang aktres na si Iza Calzado noong August 12, at dito ay sinorpresa siya ng kanyang British boyfriend na si Ben Wintle sa pamamagitan ng isang flash mob.


Live na nag-guest si Iza Calzado sa The Buzz kahapon, August 19, kunsaan pinag-usapan ang 30th birthday niya noong August 12.

Isa sa bumati sa VTR at nagbigay ng mensahe kay Iza ay ang British boyfriend niyang si Ben Wintle.

Si Ben ay isang entrepreneur, sportsman, at co-founder ng matchmaking website na TrustCircle.

Sabi ni Ben kay Iza: “First is, I hope that your passion continues to lead you to more fresh and challenging projects.

“Second, I hope that work doesn’t keep her up so late at night because I want her to stay healthy and be around for another 30 years.

“My last wish is that I hope she enjoys the dinner I’m gonna cook for her tonight.”

FLASH MOB. Isang kakaibang sorpresa naman ang ibinigay ni Ben kay Iza noong mismong kaarawan niya—ang flash mob.

Ang flash mob ay ang sabay-sabay na pagsasayaw ng mga tao sa isang pambublikong lugar.

Natatawang ikinuwento ni Iza na alam niyang may maliit na salo-salo para sa kanya, pero wala siyang alam sa anumang flash mob na mangyauyari.

“There was… it wasn’t a surprise because he asked who I wanted to be there, so I gave him a short list.

“And then, I said, ‘Just surprise me. I don’t want to know where it is, where it will happen.’

“So, tapos nandoon na, so happy ako, kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

“Biglang may nag-abot sa akin ng wine at biglang nag-freeze.

“’Ay, may dance number! Ano ‘to?’

“Mamaya, dumarating na… mamaya, tumatayo ang guests ko… masaya.

“Normally, ako, game ako.

“Maya-maya, napansin ko, ‘Bakit alam nila ang dance moves? Pare-pareho sila ng dance moves.’

“Then, it dawned on me that it’s something they prepared for. Masayang-masaya talaga ako.”

First time daw na ma-experience ni Iza ang ganoong klaseng birthday surprise at hindi raw talaga niya ito ini-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin ni Toni Gonzaga kung gaano na sila katagal ng kanyang British boyfriend, nakiusap si Iza na sa “next guesting” na lang niya ito sasabihin.


CHANGE OF PLANS. Imbes na ituloy ang plano niyang magkaroon ng birthday party, ang ginawa ni Iza ay nag-share na lang siya sa mga naging biktima ng baha noong unang linggo ng Agosto.

Kuwento ni Iza, “Ang naisip ko talaga, magpa-party.

“Kaso, noong bumaha, sabi ko, yung pera na lang na ilalaan ko, doon na lang, ipinamili ko na lang.

“I’m sure lahat naman tayo tumulong, pero ang ginawa ko, yung pera itinodo ko na lang lahat sa party [at ipinamili]… doon na lang.”

MISSING HER DAD. Ito ang unang kaarawan ni Iza na hindi niya kapiling ang kanyang yumaong ama na si Lito Calzado.

Ano ang pagkakaiba na wala ang daddy ni Iza ngayong kaarawan niya?

“Ano pa lang, e, bago pa lang ang birthday ko, talagang sabi ko, may pinagdadaanan ako. Bigla na lang akong iiyak.

“Mahirap… nami-miss ko talaga siya.

“Pero tatanggapin mo. Kailangan mong tanggapin.

“I couldn’t get stuck in that emotion na miss ko ang tatay ko, malungkot ako.

“Kasi siyempre, kailangan ko rin ipagdiwang ang kaarawan ko.

“At alam ko, kung buhay siya, kung masasabi niya lang sa akin, sasabihin niya sa akin na, ‘Tumigil ka nga diyan, magsaya ka, ngumiti ka. Enjoy life.’

“So, yun, ini-enjoy ko talaga ang weekend birthday ko.”

Ano ang most memorable gift na naibigay sa kanya ng ama noong nabubuhay pa ito?

“Hindi kasi kami ma-materyal,” sabi ni Iza.

“Siguro ang pinakamaganda na regalo ng tatay ko e eto, lahat ng meron ako.

“Kasi, hindi naman ako rin magiging kung ano ako ngayon, at hindi rin ako mamahalin lalo na ng mga taga-industriya, kung hindi rin dahil sa tatay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun ang pinakamagandang nairegalo niya sa akin.”

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang kanyang birthday wish?

“Siyempre kung may wish ako, makausap ko ang mga magulang ko, pero malabong mangyari yun at ayoko pa pong mangyari yun."

Pareho nang sumakabilang-buhay ang mga magulang ng aktres.

“Gusto ko lang maging masaya kami… kami ng kuya ko.

“Meron din akong stepbrother, meron din akong pamangkin…

“Parang yun ang nasi-sense ko, meron akong full responsibility towards them.

“I hope I will be able to be a responsible adult for them.

“And I hope, one day, I can be with the person that can bring out the best in me and, hopefully, be a good mother at some point.

“Sa ngayon, marami pa akong gustong gawin sa career ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN