Snooky Serna on ex-husband Ricardo Cepeda’s new love Marina Benipayo: "Though some people think it’s unlikely or very awkward, I would like to be her friend.”

Snooky Serna onRicardo Cepeda’s new love, Marina Benipayo: “Based on how my children react when they’re with her, and then when they come home from a pasyal with her, ‘yong happiness na nakikita ko sa kanila at saka they make kuwento. ’Yong mga kuwento nila about Marie is positive, parang tuloy, ako, kahit hindi pa kami friends, which I hope we’ll be… Though some people think it’s unlikely or very awkward, I


Malaki ang pasasalamat ni Snooky Serna sa matriarch ng Regal Entertainment na si Mother Lily Monteverde.

Si Mother Lily kasi ang muling nagbukas ng pinto ng showbiz para sa kaniyang pagbabalik showbiz.

Kaya naman hindi pinalagpas ng aktres ang 73rd birthday celebration ni Mother Lily kagabi, Agosto 19, na ginanap sa Mezzanine ng Imperial Palace sa Quezon City, na dinaluhan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang birthday wish ni Snooky para sa Regal matriarch: “Mother, happy birthday! Thank you for all you’re giving us, lahat kami siguro ng mga anak-anakan mo.

"From way back hanggang ngayon, nag-iisa lang ang Mother Lily.

“We really love you so much, Mother, and I pray for more happy and healthy happy birthday for you, Mother, and more success to come.”

BLOOMING SNOOKY. Samantala, napuna naman ng PEP na maganda ang aura ni Snooky ngayon.

Natawa naman ang aktres sa komentong ito, at sinabing “happy” siya kaya siya “blooming.”

Ang unang dahilan ng kaniyang kaligayahan ay ang pagbabalik showbiz niya.

Kamakailan lamang ay pumirma si Snooky ng kontrata sa bagong talent management na GRowL Entertainment, na pinamumunuan nina Girlie Rodis, Roselle Monteverde, Lily Monteverde, Atty. Alfredo Cruz, at Leo Doiminguez.

Kasalukuyan siyang napapanood sa ABS-CBN afternoon drama series na Angelitio: Ang bagong Yugto, at makakasama siya sa pelikulang gagawin nila Marian Rivera at Coco Martin under Regal Films.

Isang pang dahilan ng pagka-“blooming” ni Snooky ay ang kawalan niya raw ng love life.

Nangingiting sinabi ni Snooky, “Love life, zero. But I am so happy today, friend, na zero ang aking love life.

“‘Yon ata, siguro kaya may peace of mind ako, kasi walang disraction, trabaho lang nang trabaho. And I’ve realized na I am grateful talaga, work talaga is really important in this lifetime.

“I feel grateful in my heart na may trabaho ako, na may nagtitiwala pa rin. At saka happy ako sa mga anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER DAUGTHERS. Nabanggit na rin ang kaniyang mga anak, amin silang kinamusta sa kaniya.

Dalawang babae ang anak ni Snooky sa dating asawang si Ricardo Cepeda, na ngayo’y karelasyon ng ex-beauty queen na si Marina Benipayo.

Nasa fourth year college na ang panganay ni Snooky na si Sam at nag-aaral ng kursong European Studies sa De La Salle University, habang ang bunso namang si Sachi ay nasa fourth year high school na at planong mag-aral ng kursong Literature sa DLSU.

Nagpapasalamat daw siya kay Ricardo dahil hinayaan nitong makasama niya ang kanilang mga anak.

“Si Ricardo naman is very nice and very kind enough naman to give me the right… or hindi siguro right, but the blessing, of having my children with me.

“Pero every Saturday, Sunday, sinusundo nila ni Marie. Sila, nagba-bonding sila.”

Hindi pa raw sila nagkikita nang personal ni Marina, pero gusto niya itong makilala at maging kaibigan dahil na rin sa magandang relasyon nito sa kaniyang mga anak.

Ani Snooky, “Based on how my children reacts when they’re with her, and then when they come home from a pasyal with her, ‘yong happiness na nakikita ko sa kanila, at saka they make kuwento.

“‘Yong mga kuwento nila about Marie is positive, parang tuloy, ako, kahit hindi pa kami friends, which I hope we’ll be…

“Though some people think it’s unlikely or very awkward, I would like to be her friend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN