Jean Garcia is always excited about scenes with Agot Isidro: “Showdown na ito! May the best woman survive sa eksena naming dalawa!”

“Napaka-versatile niyang artista and we are all happy na siya ang napili for the role of Leila. Nabigyan ng kakaibang dimension ang character niya,” sabi ni Jean Garcia tungkol sa One True Love co-star niyang si Agot Isidro.


Kung may mahihiling pa ang award-winning actress na si Jean Garcia para sa kanyang kaarawan sa August 22, iyon ay ang magpatuloy ang magandang takbo ng kanyang career ngayon at good health para sa kanyang pamilya at ibang kamag-anak.

“Lagi namang wish ko for my birthday ay good health for me and my family. Sila ang lakas ko sa araw-araw na nagiging trabaho ko.


“Gano’n lang naman kasimple ang wishes ko sa kaarawan ko. Madadagdagan na naman ang edad natin pero it only gets better every year.

“I like to thank God sa lahat ng blessings na bigay Niya sa akin. I am super blessed talaga sa taong ito.

“At siyempre, sa mga taong patuloy ang paniwala sa akin tulad ng GMA-7, ang manager kong si Direk Manny [Valera] at ang staff ng DMV, at yung iba, kilala na nila kung sino sila. Kasama sila sa mga dasal ko parati,” sabi pa ng 42-year-old actress.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng One True Love, sa Veterans Memorial Hospital, nung Biyernes, August 10.

Masasabi nga ni Jean na maganda ang naging simula ng taon para sa kanya.

Bukod sa pagkapanalo niya ng dalawang acting trophies—best actress sa Golden Screen Awards at best supporting actress sa Gawad Urian para sa indie film na Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa—magkasunod din ang top-rating series na ginawa niya para sa GMA-7.

Una ay ang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, at pangalawa ay ang One True Love.

Nagkaroon din siya ng talk show na Personalan sa GMA News TV na ipinalalabas mula Lunes hanggang Biyernes. Maganda rin daw ang ratings nito.

ONE TRUE LOVE EXTENDED. Kailan nga lang ay nagkaroon ng thanksgiving Mass ang cast and production staff ng One True Love dahil sa mataas na ratings nila.

At na-extend nga ang show—mula sa original 8 weeks ay magiging 16 weeks na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya masayang-masaya si Jean dahil maganda ang naging kapalit ng paghihirap nila para mapaganda nang husto ang One True Love.

“Panay ang pasalamat namin kay Lord dahil nabiyayaan kaming lahat ng mas mahaba pang trabaho sa show,” masayang kuwento ni Jean.

“Hindi rin biro ang naging trabaho namin for the show. Kahit na malakas ang ulan or sumama ang panahon, sinisikap pa rin naming makatapos ng maraming eksena.

“Alam namin na may kapalit ang matinding tiyaga na ginagawa namin para sa ikagaganda ng One True Love.

“Noong sabihin nga nila na aabot kami hanggang week sixteen, sobra kaming natuwa at lalo kaming sinipag sa taping.

“Ang ganda rin kasi ng ratings namin every week! Kaya good news for all of us ang lahat ng ito.”

MORE CONFRONTATION SCENES WITH AGOT. Dahil nga extended ang One True Love, mas marami raw aabangan pa sa magiging tarayan nina Jean at Agot Isidro.

“Marami nga ang nagtatanong sa akin kung ano na ba ang latest na confrontation ng characters namin ni Agot, na sina Ellen at Leila.

“Kami mismo ni Agot, inaabangan namin sa script kung ano na ba ang gagawin namin.

“Kung excited sila, mas excited kami ni Agot, dahil sa totoo lang, ang sarap kaeksena ni Agot.

“Alam mong ibibigay niya ang lahat sa eksena at iyon ang gusto ko sa isang katrabaho ko. Yung hindi siya magdadalawang-isip sa gagawin niya sa scene.

“Ipapaalam niya na ito ang gagawin niya at ako na ang bahala na sasalo.

“Kaya yung mga kinukunan sa amin ni Direk Andoy, maganda ang flow kasi pareho kami ni Agot na ibibigay ang lahat sa eksena,” banggit pa ni Jean sa direktor nilang si Andoy Ranay.

“It’s so nice to work with an actress like Agot dahil alam mong hindi siya limited sa ganitong pag-arte lang. In one scene, mataray siya, pero sa next scene makikita mo na vulnerable din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napaka-versatile niyang artista and we are all happy na siya ang napili for the role of Leila. Nabigyan ng kakaibang dimension ang character niya.”

Kinuwento nga rin ni Jean na noong una ay parang di pa sila panatag ni Agot sa mga naunang confrontation scenes nila.

First time kasi silang magkakatrabaho kaya naiintindihan ni Jean na medyo ilag pa si Agot sa kanya.

“Understandable naman iyon, e. Never ko pa kasi nakatrabaho si Agot sa TV at kahit sa pelikula. Kaya yung mga earlier scenes namin, parang nagkakailangan pa kami.

“Pero sinabi ko naman sa kanya na huwag siyang mag-second thoughts sa gagawin niya sa scene. Since nag-rehearse naman na kami, ibigay lang niya at gano’n din ako.

“Mas gusto ko kasi yung ramdam ko na ito na yung eksena, paghahandaan ko na ‘yan. Kaya yung tinatawag na adrenalin rush, nandoon kapag nag-‘Action!’ na si Direk.

“Noong nagtagal na, gamay na namin ni Agot ang isa’t isa. Alam na namin ang lakas namin sa mga eksena.

“Kaya kapag may confrontation scene na kami ulit, ‘Showdown na ito!’

“May the best woman survive sa eksena naming dalawa!” sabay tawa ni Jean.

HAPPY FOR LOUISE AND ALDEN. Happy rin daw si Jean para sa mga bida ng One True Love na sina Louise delos Reyes at Alden Richards.

Proud na sabihin ni Jean na nakita niyang nag-improve ang dalawa sa kanilang pag-arte, dahil nakasama na niya ang mga ito noong nagsisimula pa lang sila sa kanilang unang drama series.

“Nakasama ko na kasi silang dalawa sa Alakdana. Ako yung mother ni Louise at si Alden yung kababata niya.

“Halos lahat ng mga eksena nila, kasama nila ako, kaya nakita ko ang growth sa kanilang dalawa. Malaki na ang improvement nila talaga.

“Kapag kaeksena ko si Louise, I can’t help but compare yung mga naging eksena namin sa Alakdana. Ang layo na talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas ramdam mo na may emotions na yung bata kapag nagbitiw siya ng dialogues niya.

“Ganun din si Alden. He has improved so much, kaya hindi ako magugulat kung maabot niya ang level nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

“Bukod sa guwapo siya, may lalim pa ang acting niya. Alam na niyang gamitin ang mga mata niya.

“Tinitingnan ko pa lang ang mga mata niya, alam mong ito ang iaarte niya.

“Kaya I wish sa dalawang batang ito na mas husayan pa nila dahil nandito na sila, e. Tuluy-tuloy na ‘yan.

“Tsaka napakababait ng dalawang ‘yan. Sobrang magagalang sa mga nakakatanda sa kanila.

“Kaya they deserve the blessings na natatanggap nila sa kanilang careers.

“Lagi ko naman paalala sa kanilang dalawa na pahalagahan nila ang pagkakataong ’binigay sa kanila.

"At huwag silang yayabang. Huwag lalaki ang ulo.

“Kung paano sila nakilala ng mga taong una nilang nakatrabaho, ganun pa rin dapat sila sa mga taong makakatrabaho pa nila balang-araw,” pagtatapos ni Jean Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN