Shalani Soledad-Romulo is thankful for visit of ex-boyfriend President Noynoy Aquino and Cabinet members during the calamity in Valenzuela

“At times like these, ‘no, talagang we really need everyone’s help,” pahayag ng Valenzuela councilor at Game N’ Go co-host na si Shalani Soledad-Romulo tungkol sa pagdalaw ng dating katipan na si President Noynoy Aquino, mga miyembro ng Kabinete, at mga artistang nagdala ng tulong sa mga taga-Valenzuela.


Isa ang Valenzuela sa labis na naapektuhan noong nanalasa ang katatapos lang na habagat sa Kamaynilaan nitong buwan ng Agosto.

Sadya kasing bahain ang lugar at marami ngang naninirahan sa lungsod na ito ang naapektuhan ng matinding baha dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Linggo, Agosto 19, binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shalani Soledad-Romulo sa set ng Game N’ Go ng TV5 sa may Delta Studio, upang makibalita sa latest na kalagayan ng kanyang nasasakupan.

Nasa huling termino na bilang Valenzuela Second District Councilor ang maybahay ni Congressman Roman Romulo.

Unang inusisa ng PEP sa konsehala ang tungkol sa immediate measures na ginagawa sa lugar nila para maiwasan ang madalas na pagbaha.

Saad niya, “To begin with, I think dapat kasama rin natin ang national government because inter-connected yung ating mga floodways and riverways.

“So, kahit hindi talaga galing sa Valenzuela, pag nag-o-overspill yung mga floodways tsaka yung mga rivers, pati yung Valenzuela nababaha.

“So, I think it should be a national effort, as well as a local effort.

“Also, dapat sama-sama talaga ‘yan para… Kasi malaki yung budget na kakailanganin, kasi nga inter-connected yan lahat, e.

“Sa amin nanggaling sa Obando, Bulacan, tapos dire-diretso, tapos meron pa rin kaming Tulyahan River which is connected naman with Quezon City and Caloocan.

“So, nagdidiretso ‘yan lahat sa Manila Bay.”

“Dapat talaga, with coordination din sa national government, with the other local governments din,” paliwanag ni Shalani.

Dagdag pa niya, meron naman daw silang ginagawang mga pansamantalang solusyon sa problema.

Aniya, “Ever since naman, inasikaso namin yung aming mga dams, ‘no. That’s one.

“And then pinakaimportante rin sa amin, how to mobilize dun sa aming rescue kapag may baha na. How to be able to get in touch dun sa mga barangay na nalulubog as well. And we call it now, ‘Submerged by water.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung action center naman namin, very swift ang response in terms of rescue operations pati pagbibigay ng relief right after.

“’Yan ang tinatawag nating shorter solutions, panandaliang kailangan, di ba?

“So, kailangan din siyempre yung long term para ma-minimize, or as much as we can, sana talaga huwag nang mangyayari yung mga ganyang pagbaha,” pagpapatuloy ng Valenzuela councilor at Game N’ Go co-host.

LIFE GOES ON. Sa ngayon naman daw ay nagsibalikan na ang constituents niya na namalagi sa iba’t ibang evacuation centers.

Pero ang ikinalulungkot ni Shalani ay ang mga hirap na pinagdaanan ng kanyang mga kababayan.

Aniya, “As of now, sa aming district, ‘no, wala na kaming nasa evacuation center.

“Pero kung tatanungin mo yung affected families, siyempre nabaha yung bahay nila, yung mga kagamitan nila, nabaha. So, nasira yung ibang appliances nila, yung mga damit nila nawala.

“So, malaking epekto sa kanila, because yung mga personal belongings nila, nawala, nasira.

“Little by little, we help them build again yung kanilang pamumuhay na maibalik sa normal.

“But then again, of course yung trauma sa kanila na nabaha sila, gamit nila nawala, di ba?

“Parang pag nasunugan. Sabi nga, ‘Manakawan ka na, huwag ka lang masunugan.’

“Parang ganun din yung effect nitong pagbabaha kasi pinasok ng tubig yung bahay nila.”

Kahit lumaki siya sa Valenzuela ay hindi raw nila naranasang mabaha ang kanilang bahay.

Pero dun daw siya nababahala sa mga taong palagiang apektado ng mga pagbaha.

“Sabi ko nga, when we see someone na yung bahay nila lubog sa baha, you can only imagine yung hardship na nae-experience nila.

“So, kung ano yung meron ka, you feel so blessed and gusto mo ring ibahagi sa kanila.

“Kung ano man yung meron ka, ibibigay mo rin sa kanila.”

THE PRESIDENT IN VALENZUELA. Masuwerte naman daw ang kanilang bayan dahil isa ito sa pinili ng national government na bisitahin noong kasagsagan ng habagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging kontrobersiyal pa nga ang pagbisita ni Presidente Noynoy Aquino sa kanilang lugar dahil sa kanilang nakaraang relasyon.

Pero tinawanan lang ito ng Game N’ Go host.

“Kami sa Valenzuela, we would like to extend yung pasasalamat natin sa Presidente sa pagpunta niya, pati dun sa ibang members ng ating Cabinet.

“So, thankful kami na naisipan nilang dumalaw sa aming lugar. Thank you, malaking bagay yun para sa amin,” sabi ng 32-year-old na konsehala.

HER HUSBAND’S REACTION TO THE VISIT. Ano naman ang nasabi ng kanyang asawang si Congressman Romulo sa muling niyang pakikipagkita sa dating kasintahan?

“Si Roman is very understanding nga,” sabi ni Shalani tungkol sa asawa.

“At times like these, ‘no, talagang we really need everyone’s help.

“So, sa lahat ng nag-donate sa amin, nagpunta, pati sa mga artista, sina Kris Aquino, Angel Locsin, Iza Calzado, Rufa Mae Quinto. Pati si Miss Divine Lee nagpunta rin sa amin...

“Sa lahat po ng nagbigay ng tulong, napakadami n’yo pong pinasaya. So, salamat.”

MESSAGE TO VALENZUELANS. Sa huli nagpaabot naman ng mensahe para sa kanyang mga kababayan si Shalani.

“Ito, parati kong sinasabi sa kanila, na huwag po kayong mag-alala.

“Parang tiyaga-tiyaga lang. We will try our best.

“Yung pamahalaang lungsod natin as our local government unit, we will try our best na matulungan sila.

“Yung quick response para sa kailangan nila, of course, hindi natin maso-solve lahat, but please know that we are here for you in the best possible way we can,” pag-iwan pa ng mensahe ni Konsehala Soledad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN