Dingdong Dantes wants to produce action movie for girlfriend Marian Rivera

If Dingdong Dantes were to produce a movie for girlfriend Marian Rivera, he wants something like Angelina Jolie’s action-thriller Salt. He says, “Sisiw na sa kanya ang ganitong action films. And bihira ka pa makakita sa pelikula na ang babae ang gumagawa ng action.”


Tila matatagalan pa bago muling magkasama sa isang proyekto ang magkasintahan na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang huling proyekto na sila ang magkapareha ay ang primetime series na My Beloved.

Conflict daw sa schedules ng dalawa kaya naman si Lovi Poe ang naging leading lady ni Dingdong sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Dagdag pa ng Kapuso actor, na isa rin sa producers ng pelikula, “Siyempre, maganda rin na may kanya-kanya kaming ginagawa ni Marian separately.

“Parang ako, noong time na ginagawa ko ‘to, iba yung ginagawa niya. Nagkataon lang na ngayon lang siya ipalalabas.”

Mahigit isang taon ang ginugol para matapos ang Tiktik, na lahat ay ginamitan ng computer-generated imagery (CGI).

Kung tutuusin, mas nauna pa itong natapos kaysa sa isa pang co-produced na pelikula ni Dingdong—ang 2012 Metro Manila Film Festival entry na Segunda Mano.

(CLICK HERE to read related article.)


PRODUCING A MOVIE FOR MARIAN. Hindi man sila magkasama ngayon sa pelikula, sinabi ni Dingdong na may plano siyang mag-produce ng pelikula para kay Marian.

“It’s already in the works. Kumbaga, binubuo pa lang,” sabi ni Dingdong PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa pocket presscon para sa Tiktik noong Linggo, Agosto 19.

“Ito ‘yong project na prinesent sa akin ng team na bumubuo ng Tiktik. Na-excite kami and we’re very excited with the project.

“Plans pa lang. Pero one thing is for sure, we’re all very excited. All parties are very excited.”

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Dingdong tungkol sa planong ito. Pero kung may pagkakataon mag-produce ng isa pang pelikula para kay Marian, gusto raw ng aktor na mayroon itong halong aksyon.

“Type ng movie for Marian, siguro mala-Salt.”

Ang Salt ay isang action-thriller film na pinagbidahan ng Hollywood actress na si Angelina Jolie noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ni Dingdong ay kaya ng girlfriend niya ang ganitong klase ng pelikula.

“Puwede, kasi parang feeling ko, ganun yung ginawa niya sa Darna (2009) at saka sa Amaya (2012).

“Sisiw na sa kanya ang ganitong action films. And bihira ka pa makakita sa pelikula na ang babae ang gumagawa ng action.”

ON MARRIAGE. Samantala, kapansin-pansin na bukod sa pagiging aktor at TV host, nahuhumaling din si Dingdong sa pagpo-produce ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang production company na Agosto Dos Pictures.

Isa kaya itong paghahanda para sa kanyang nalalapit na paglagay sa tahimik?

“Masasabi ko pong oo, pero matagal ko na po talagang gustong mag-produce,” sagot ni Dingdong.

“Ngayon lang po nabigyan ng pagkakataon dahil siguro because of the relationships that I’ve built throughout the years.

“Nakilala ko yuong mga taong mapagkakatiwalaan ko at magtitiwala sa akin, so nagawa ko.”

Ilang beses na ring natanong si Dingdong, pati na si Marian, kung may plano na silang magpakasal.

Sa panayam ng PEP noong Linggo, hindi pa rin nagbabago ang sagot ng aktor tungkol dito.

Ani Dingdong. “Meron naman.

"Feeling namin, may tamang timing para diyan—with the things that we’re doing.

“Hindi rin naman habang buhay, e, magtatrabaho lang kami. May hangganan din naman lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN