Christian Bautista on transferring to another network: “My heart is open, my mind is open.”

On his tenth year in the entertainment industry, Christian Bautista believes he has become wiser: “Personally, laging kong sinasabi sa sarili ko na dapat every year, meron akong statement or dapat meron akong marka, kanta, or achievement na gagawin ko para sa sarili ko or para sa career ko… Let’s face it. I’m not an artista. Hindi ako yung Piolo [Pascual] or Sarah [Geronimo]. I’m different, e. I’m set apart. So, I make my own


Ilang linggo nang naghahanda si Christian Bautista para sa kanyang X Class 10th anniversary concert na gaganapin sa Meralco Theater— ang entablado kung saan siya nagsimula bilang stage actor para sa theater company na Trumpets.

Sa isang press conference na ginanap kaninang hapon, August 22, sa Cerchio restaurant, Tomas Morato, Quezon City, masayang sinabi ng mang-aawit na “X-Class is a dream of mine.”

Ipinaliwanag ni Christian kung bakit hindi sa Smart-Araneta Coliseum—kung saan karaniwang nagtatanghal ang local at foreign artists—magaganap ang kanyang concert.

Aniya, “Some people are saying, ‘Bakit hindi Araneta?’

"I’m not really the type of performer who performs on that stage.

“Mas gusto ko talagang initimate and mas marami kang puwede gawin, e. Mas marami kang puwede i-experience.”


THEATER-SETTING. Ang five-night concert ni Christian—na gaganapin sa October 6, 7, 12, 13, at 14—ay sinasabing magiging mala-teatro.

Ayon sa romantic balladeer, ang mga production number ng X Class ay posible lamang gawin sa isang theater-setting.

“We’re shooting movie sequences that we’re going to put in this concert. And we are preparing for action scenes—Muay Thai and kickboxing.

“It’s really entertaining… ilalagay po naming lahat in an experience that I’ve never experienced in a concert and my audience has never experienced in a concert,” excited na sabi ni Christian.

Si Rowell Santiago ang magsisilbing concert director, at si Louie Ocampo naman ang musical director ng X Class.


SWITCHING NETWORKS? Hanggang ngayon ay hindi pa rin matapus-tapos ang usap-usapan tungkol diumano sa napipintong paglipat ng network ni Christian.

Kung noon ay sinasabing lilipat siya sa TV5, ngayon ay malakas ang balitang gusto siyang kunin ng GMA-7.

Nakadagdag ng interes sa marami ang unang lumabas na report na isa pa raw Kapamilya ang lilipat sa Kapuso network pagkatapos ni Rafael Rosell.

Si Rafael kasi ay nangibang-bakod na rin, at mapapanood sa isang primetime series kasama sina Marian Rivera, Dennis Trillo, at Alessandra de Rossi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang napapanood si Christian sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP 2012.

Muling napag-usapan ang tungkol sa nababalitang paglipat ni Christian nang pabiro siyang tanungin kung saang network ipalalabas ang concert niya—sa Kapuso network na ba?

Pabirong sagot ni Christian: “Sa Channel 4 at 9.”

Hindi kasi ganun ka-competitive ang dalawang TV networks na binanggit ng singer, kung ikukumpara sa giant networks na ABS-CBN, GMA-7, at TV5.

Sa pagbawi nito ng kanyang biro, sinagot ni Christian ang tanong. Aniya, “Wala pa naman po tayo dun. Saka na lang po tayo pumunta do’n…

“Pinapasa-Diyos ko, pinapasa-management ko ang mga negotiations.

"Pero ako po, very thankful and happy with yung ibinigay ng ABS-CBN—sa TV concert.

"Pero sa ngayon po, sa kanila [his management] ko na lang ’binabato.”

Ang tinutukoy ni Christian na "TV concert" ay ang kanyang 10th anniversary special na ipinalabas sa ABS-CBN noong July 8, 2012.

Bagamat hindi naging sigurado sa mga sagot niya ang singer-actor, ito ang naging pahayag niya tungkol sa balitang lilipat na siya ng network:

“Siguro, right now, hindi ko pa siya masasagot ng one hundred percent.

"Pero ngayon po, I’m very open. My heart is open, my mind is open.”

May mga bagay raw siyang kinukunsidera.

Wika nito, “I want to be challenged, I want to make a mark. I don’t want to be forgotten…

"Ayoko na it will depend on a channel.”

Binanggit din ni Christian na importante ring isipin na mayroon din siyang career sa Indonesia at Singapore.

Sumikat nga naman ang mang-aawit sa South East Asia dahil sa kanyang awiting “The Way You Look at Me.”

Saad niya, “I don’t want to sound proud, pero hindi one hundred percent local yung career [ko].

“So, medyo iba-iba.

"So, puwede ko rin o i-explore yung international career in Indonesia, maybe. Puwede naman po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, it will depend on that.”

NEGOTIATIONS. Ang kontrata ni Christian sa ABS-CBN ay magtatapos na sa huling linggo ng Agosto.

Balak ba nitong mag-renew ng kontrata sa Kapamilya network?

Sinabi ni Christian na wala pa siyang ideya ngayon dahil kasalukuyan daw nakikipag-negosasyon ang kanyang manager na si Carlo Orosa.

“Sa ngayon, hindi ko pa alam. Kasi ang nagmi-meeting, sila Sir Carlo and STAGES.

“Do I want to renew? Sa ngayon po, we want to review everything," sabi niya.

Bagamat nagpapasalamat si Christian sa mga proyektong ibinigay sa kanya ng Kapamilya network, inulit ng singer ang bagay na pinagninilay-nilayan pa niya:

“What’s next? How can the channel bring life to someone’s career?

"So, [we’re] back to the table.

“Mahirap kasi ngayon, kasi hindi pa po final yung mga meeting, e.

"Mahirap magsabi ako ng sagot ngayon e wala pang resulta.

"Siguro po, pag may resulta, saka tayo mag-usap uli.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN