Survivor: Philippines castaways revealed; U.S. reality show shot entirely on Caramoan Island

These 15 new castaways of Survivor: Philippines will compete with three former castaways who were pulled out of the game because of medical reasons or injury. This 25th season of the hit U.S. reality show was shot on Caramoan Island in Camarines Sur.


Magsisimula na sa September 19 sa Amerika ang 25th season ng hit reality show na Survivor.

Mapapanood ito sa CBS, isa sa leading networks sa U.S.

Bukod sa ito ang silver-anniversary presentation ng U.S. franchise ng Survivor, espesyal ito, partikular na sa mga Pinoy, dahil sa Pilipinas kinunan ang mga eksena rito.

Kaya ang titulo nito ay Survivor: Philippines.

Kinunan ang kabuuan ng programa sa Caramoan Island, Camarines Sur.

Nag-shoot ang U.S. franchise ng reality show sa Caramoan, bandang Marso ng taong kasalukuyan hanggang Abril.



THE THREE TRIBES. Dito sa Survivor: Philippines ay mayroong tatlong tribo: Kalabaw, Matsing, at Tandang.

Hango ang mga pangalang ito sa mga hayop na matatagpuan dito sa Pilipinas: Carabao, Monkey, and Rooster.

Labinwalong castaways ang kalahok sa Survivor: Philippines—labinlimang bagong castaways at tatlong dating castaways.

Ang mga miyembro ng Kalabaw tribe ay sina:

Sarah Dawson, 28, insurance salesclerk mula sa Silver Spring, Maryland;

Jeff Kent, 44, retired baseball player mula sa Austin, Texas;

Katie Hanson, 22, dating beauty queen mula sa Newark, Delaware;

Carter Williams, 24, track coach mula sa Shawnee, Kansas;

at Dana Lambert, 32, cosmetologist mula sa Winston-Salem, North Carolina.

Ang mga miyembro naman ng Matsing tribe ay sina:

Angie Layton, 20, student mula sa Provo, Utah;

Malcolm Freberg, 25, bartender mula sa Hermosa Beach, California;

Roxanne Morris, 28, seminary student mula sa Brooklyn, New York;

Zane Knight, 28, tire repairman mula sa Danville, Virginia;

at Denise Stapely, 41, sex therapist mula sa Cedar Rapids, Iowa.

Ang bumubuo ng Tandang tribe ay sina:

Roberta Saint-Amour, 27, investment banker mula sa New York, New York;

Pete Yurkowski, 24, engineering graduate mula sa Holmdel, New Jersey;

Abi Maria Gomes, 32, business student mula sa Los Angeles, California;

Artis Silvester, 53, computer engineer mula sa Terry Town, Louisiana;

at Lisa Whelchel, 49, dating cast member ng sitcom na Facts of Life, mula sa Dallas, Texas.

Ang tatlong former castaways na kukumpleto sa Survivor: Philippines ay sina:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Michael Skupin 50, Survivor: The Australian Outback (Season 2);

Jonathan Penner, 50, Survivor: Cook Islands (Season 13) at Survivor: Micronesia – Fans vs Favorites (Season 16);

at Russell Swan, 45, Survivor: Samoa (Season 19).

Sila ang mga castaways na hindi natapos ang season na sinalihan nila noon dahil sa medical reasons o injury.


FAVORITE SURVIVOR LOCATION. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ang Survivor sa Caramoan Island.

Ginamit na ito bilang location ng iba’t ibang international franchise ng Survivor—gaya ng mga bansang France, Serbia, Israel, Bulgaria, at Sweden.

Hindi pa sigurado kung sa anong channel dito sa Pilipinas ipalalabas ang Survivor: Philippines.

Pero ang 24th season ng U.S. version na Survivor: One World ay may replay sa GMA News Channel ng GMA-7.

Ang Kapuso network din ang may hawak ng Philippine franchise ng Survivor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN