Victor Aliwalas on stability in showbiz: “Parang sa totoo lang, hanggang kailan ba ang hitsura?”

Victor Aliwalas on girlfriend Liz Almoro: “Marami kaming mutual interest. We’re both family-oriented. We both enjoy vacationing, sports, fashion—iba-iba. You can’t really pinpoint one particular thing.”


Noong isang linggo ay binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang taping ng GMA-7 afternoon soap na Faithfully.

Dito namin nakausap ang isa sa cast members ng teleserye na si Victor Aliwalas, na may hawak pang pekeng baril nang madatnan namin.

Kontrabida ang role ni Victor dito.

Sabi niya, “Actually, mas gusto ko dito. May action at yun talaga ang gusto ko.

“Yung drama, okay lang, puwede rin.

"Pero lahat ng soap ko noon, puro drama. So, para maiba naman, gusto ko konting action."

Ilan sa mga nilabasan niyang soap operas sa Kapuso network ay ang mga sumusunod: Marimar, Ako Si Kim Samsoon, at Gaano Kadalas Ang Minsan.

Dagdag ni Victor, “At saka puro Tagalog talaga ako dito. Medyo nahirapan. Kaya sobrang memorize ng script, practice before the take.”

Noong 2008 pumasok sa showbiz si Victor na noo’y kagagaling lang sa Amerika.

Parehong Filipino ang mga magulang niya, pero sa New York siya lumaki.

Malaki na rin daw ang in-improve niya sa Tagalog dahil talagang hindi raw siya marunong magsalita nito noon.


SHOWBIZ IS NOT A LIFETIME CAREER. Alam naman daw ni Victor na hindi pang-matagalan ang pag-aartista.

Aniya, “Biglaan lang kasi ito, pero siyempre, kapag may darating na opportunity, I’ll take it, I’ll do my best.

“Actually, akala ko, pagkatapos ng first project ko, babalik ako sa States. Pero tuluy-tuloy ang mga projects ko, dire-diretso.

“Pero yung concern ko, yung future. Habang bata ako, I want to establish many things.

“That’s why I have other things going on aside sa showbiz.

“Like right now, I’m in a publishing company… it’s a sports magazine. That took a lot of my time.

“I’m also working in getting my CSR, Certified Security Representative, so I can trade with the PSE [Philippine Stock Exchange].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, iba-iba. Parang I’d like to diversify.

"Kasi, parang sa totoo lang, hanggang kailan ba ang hitsura?”


TALENT VS. LOOKS. Hindi ba’t kapag may talento ang isang artista, magtatagal ito sa showbiz?

Sabi ni Victor, “Opo, pero how many guys like me are there in showbiz ngayon? Marami sila.

"So, you always have to be on your toes. You always have to prepare.

"So, habang may show ako, siyempre I give my all, I do my best.

“But like I’ve said, hindi ako sobrang wholehearted. Tapos, hindi ko alam, e.

“Gusto ko, I’m happy, kasi GMA-7 is giving me a lot of projects.

“Sobrang suwerte po ako kasi, halimbawa, hindi ako fluent sa Tagalog, pero dire-diretso ang mga shows ko.

“Wala akong masabi sa GMA, talagang masaya ako dito.

"Kahit ano, basta may opportunity… pero yung longevity, yun ang concern ko.”


IN A RELATIONSHIP. May tatlong taon nang karelasyon ni Victor si Liz Almoro, ang ex-wife ng TV host na si Willie Revillame.

Ayon kay Victor, ito ang pinakamatagal na naging relasyon niya.

Si Victor ay 29 years old habang si Liz naman ay nasa mid-30s na, pero hindi raw isyu sa kanila ang agwat ng edad nila.

Sabi ng Fil-Am actor, “Actually, sa totoo lang, walang yabang, ha, talagang matured ako.

“Marami akong experiences sa buhay… feeling ko.

"After college, talagang I had office jobs.

“During college, I had internship in a law firm because I was gonna pursue law.

“I worked in financial banking, I worked in the financing industry.

"I finished financial marketing but my major is business administration.”


Hindi rin daw sagabal ang edad sa pagsasama nila ni Liz.

Sabi ni Victor, “Marami kaming mutual interest. We’re both family-oriented.

“We both enjoy vacationing, sports, fashion—iba-iba. You can’t really pinpoint one particular thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PRIVACY. Pero hangga’t maaari raw ay ayaw ni Victor na isama sa mga interview niya si Liz, lalo na ang anak nito kay Willie.

“Actually, I tell this every time—bata pa siya. I don’t wanna... that’s personal for us,” paliwanag ni Victor.

“We get along great but, please, he’s an innocent child and I don’t want him to be involved.

“At saka si Liz, I don’t want to discuss our relationship kasi non-showbiz siya. Sobrang tahimik ang buhay niya.

"All I say is, I love her and we’re doing very great. We’re very happy.

"She’s a great girl, she’s a great woman.”

Hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na makilala ni Victor si Willie, pero gusto rin daw niya itong makilala kung sakaling magpakasal na sila ni Liz.

“Of course, it’s been three years. Who would be in a relationship and you wouldn’t think, di ba?

“But para sa safety niya, I don’t wanna involve her in show business,” sabi ni Victor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN