Divine Lee on being dragged into her father’s estafa case: “I can’t do anything. You’ll be crucified by your last name."

Divine Lee reveals her dream wedding: “Gay pride! Tapos lahat sila naka-wedding gown. I’m sure gusto nilang mag-wedding gown lahat, di ba?”


Sinagot ng model-TV personality na si Divine Lee ang pagkakadikit ng pangalan niya sa kasong kinahaharap ng amang si Delfin Lee.

Si Delfin Lee ay isang real-estate developer at nagmamay-ari ng Globe Asiatique.

Kasalukuyang may warrant of arrests si Delfin, ang anak nitong si Dexter, at tatlo pang opisyales ng Globe Asiatique dahil sa kasong syndicated estafa.

Ito ay kaugnay ng Xevera housing project ng Globe Asiatique sa mga bayan ng Bacolor at Mabalacat sa Pampanga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Divine sa Archipelago restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Martes, August 21.

THE EFFECT. Inaasahan na raw niya na isa sa mga itatanong namin sa kanya ay ang kasong kinahaharap ng ama.

Sabi ni Divine, “Ako kasi, since hindi naman ako parte ng kaso, at sabi nila, ‘Wala ka namang alam, you shouldn’t be… you can’t divulge anything, kasi wala ka namang alam.’”

Pero ganun pa man, aminado si Divine na naapektuhan siya sa kasong kinasasangkutan ng kanyang ama.

Saad niya, “Kung naapektuhan, siyempre naapektuhan ako.

“Pero tulad noong The Buzz called, sinabi ko, ‘Hayaan niyo, tatawag ako sa office kung sino ang puwede niyong kausapin.’”

Gaano siya kaapektado sa kasong kinasasangkutan ng ama?

“Parang ako, it’s more like mas naaawa ako sa mga bata, sa mga kapatid ko—more than myself.

“Ako naman, may sarili na naman akong buhay. I make my own living.

“Siyempre with that, naiisip mo rin, baka mawalan ako ng mga hosting dahil sa negative issue.

“Siyempre, yung feeling mo rin, yung career mo.

“Pero ako, at least matanda na ako, pero paano yung mga kapatid ko?

“Yun ang mas masakit, yung mga kapatid ko, natutukso.

"Everyone is being crucified because of their last name.

“I mean, first family… hindi first family... everyone is being crucified.”

Hindi normal ang set-up ng pamilyang kinalakihan ni Divine, ngunit ayaw na niyang idetalye pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila nito, nananatili pa rin daw ang pagiging positibo niya.

JUDGMENT. Dahil sa kaso ng kanyang ama, maraming humuhusga at kumukutya kay Divine lalo na sa social networking site na Twitter.

Ito ay sa kabila ng mga mabubuting nagawa ni Divine sa kanyang kapwa, katulad ng pagtulong niya sa mga nasalanta ng kalamidad.

“Kasi, parang kahit ano naman ang gawin ko, they will think of it or whatever.

“Hindi ko naman siya ginawa para bumait ako. But then, I’ve been doing it since Milenyo.

“I mean, alam ng tao na nakasubaybay ng blog or everything na matagal ko na siyang ginagawa. It’s nothing new sa akin.

“Parang I didn’t do it to make it feel na, ‘Uy, she’s a nice person,’” sabi ni Divine tungkol sa mga outreach projects niya.

Nasasaktan ba siya sa mga negatibong komento na nababasa niya?

Sagot ni Divine, “I can’t do anything. You’ll be crucified by your last name.

“Parang sa akin, I can’t control how they are.

“Parang kung ano ang gusto nilang sabihin, parang ako, gagawin ko na lang kung ano ang sa tingin ko ginagawa ko.

“Hindi ko naman ma-control, e.”

Naramdaman ba ni Divine na may nabago sa pakikitungo sa kanya ng iba dahil anak siya ni Delfin Lee?

“Sa akin, with my friends, they were even more supportive, if anything. Like, they go to the house.

“Ako, ang sa akin talaga, parang wala naman akong magagawa.

“So, there’s nothing I can do as much as gusto kong sabihin na huwag niyo akong tirahin, wala naman akong magagawa.

“So, keri na lang, bahala na lang.

“I’m sure it will pass and people would think naman and understand na, you know, she’s the daughter, she’s not the one.”

Hindi naman daw masasabing estranged ang relasyon ni Divine at ng kanyang ama, pero sanay raw siya na hindi nila ito kasama sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My dad naman kasi never lived with me. Ganoon talaga.

“It wasn’t masama sa paningin namin, it was how we were brought up. Tanggap naman namin yun,” sabi niya.


DIVINE’S HOSTING CAREER. Sa kabilang banda, nagpapasalamat si Divine dahil hindi naapektuhan ang career niya sa kasong kinasasangkutan ng kanyang ama.

In fact, regular host na siya ngayon ng showbiz talk show ng TV5 na Ang Latest.

“Mabuti na lang nga, mababait ang mga nakakatrabaho ko.

“I guess, ang mga nakakatrabaho ko nang matagal, alam naman nila na marunong naman akong makisama sa tao.

“Sumusunod naman ako sa oras, never akong late.

“So, I think, they are banking on that, yung professionalism. Nakita ko sa kanila, so I still get work.

“So siguro, wala ngayong mga bago na tao who want to try out my hosting.

“Pero so far, yung mga dati kong katrabaho, they are still there.

“Yung mga endorsements, nandiyan pa.”

Live hosting daw ang ginagawa niya bago siya kunin ng Ang Latest bilang isa sa mga hosts ng show, na kinabibilangan nina Cristy Fermin, Mr. Fu, at Lucy Torres-Gomez.

Kuwento ni Divine, “Nasa panel ako, pero ni-request ko talaga na i-field ako.

“Parang nakakahiya naman, ‘te, na bago ka lang, tapos nakaupo ka na agad kasama ni Lucy.

“So, sabi ko, mag-field ako para mapatunayan ko.

“Sinabi ko talaga kay Nay Omar [Sortijas, executive producer ng Ang Latest] na, ‘Nay, gusto ko namang mag-field.’

“Gusto ko namang mapatunayan sa tao. At saka, feeling ko, marami akong matutunan do’n.”

Pero ngayong nasa showbiz talk show na siya, handa na ba siyang sagutin lahat ng intriga o tanong na ibabato sa kanya?

“Para sa akin, kung sa sarili ko, sinasagot ko naman.

“Kasi, ang point ko is nasa talk show ka. If you know how to say it, kailangan mo rin tanggapin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung kaya mong magtanong ng artista, dapat ikaw rin.

“Kung handa ka kapag tinanong, keri mo yun, di ba?”

Gusto niya ba talaga ang pagiging talk show host?

“Kailangan may pagdalhan din ang kadaldalan ko!” tawa niya.

“I mean, na-enjoy ko siya. Out of the stuff I do, gusto ko siya.

“Parang ang dami mong natutunan sa tao kahit na hindi lahat naeere, ang dami mong natututunan with the other person.”

MODELLING CAREER. Ayon kay Divine, 14 years old pa lang siya nang nagsimula siyang mag-ramp modelling.

“Actually, parang napasarap ako kasi, at fourteen, kumikita ka na ng pera.

“At 17, I ran away. I went to Hong Kong.

“Kasi si Robby Carmona, he had a show in Hong Kong at isa ako sa model na inilipad niya.

“Pag-fly ng lola mo, ay, ayoko nang umuwi!

“Noong unang punta ko, kailangan kong lumabas-labas because of the passport thing, four months ako.

“Then, inayos ko ang school ko.

“Tapos, yun na, doon na ako inano na pasaway.

“Chinese, e, hindi puwedeng ganyan. So, disown ang lola!” natatawang kuwento ni Divine.

Patuloy niya, “Ang naging arrangement na lang, papaaralin ako ng college, pero bahala ka na—sa gastos.

“Kasi, yung ultimatum na umuwi, hindi ako umuwi. Kasi, ang dali ng pera sa modelling.

“E, pumasok yung mga Brazilian, bagsak-presyo sila!

“Wala na rin kaming ma-book na work kasi mas maganda silang di hamak, mas matangkad.

“So, sabi ko, magba-buy and sell na ako. Noong time na yun, wala pang mga Zara…

“Tapos may mga stall ako sa Greenhills, nag-start ako dun ng buy and sell.

“That time, I was 19 years old.

“Then, I went back to Ateneo.”

Naka-graduate si Divine sa Ateneo de Manila University ng kursong Economics.

NOT A SOCIALITE. Madalas mabansagan si Divine bilang “socialite” kaya tinanong namin kung ano ang pakiramdam niya tuwing matatawag siyang ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “I kept on correcting that dati pa.

“Lalo na yung tag na heiress, I kept on correcting that dati pa.

“Sinasabi nila, heiress, tagapagmana… doon pa lang, isyu na sa pamilya.

“Pero ako naman, I understand them, where they are coming from.

“So, okay lang sa akin.

“Before kasi, lumalabas ako sa magazine, model lang, wala namang pangalan, picture lang.

“But when they started writing about my name, nilalagyan nila ng ‘heiress.’

“Sinasabi ko, ‘Ay, ayoko!’

“Pero ang gagawin nila, isusulat din nila na ‘ayaw niyang matawag…’ So, di ba?” natatawa niyang sabi.

Nabansagan siguro siyang “socialite” dahil madalas siyang makita sa mga exclusive events?

Pero paliwanag ni Divine, “Usually, nandoon ako because I’m covering for a blog or I’m hosting.

“So, parang at first, siyempre kailangan mong makahalubilo sa kliyente.

“It’s the perception na ano ng tao… sila yung naglagay and you cannot really do anything.

“But I think, ang pinakamabuti nga, when I tried TV, doon nila nakita na ‘Grabe, baklang-bakla pala ‘to!’

“Doon nila nakita ang ibang side.”

BEKI DIVINE. Sa hitsura ay walang duda na modelong-modelo ang dating ni Divine, pero kapag nagsalita na siya ay lumalabas na ang kanyang pagiging “beki.”

Ang “beki” ay ang katawagan sa mga bakla at ang paraan ng pagsasalita nila o gay lingó.

Natatawa na nga lang daw si Divine kapag napagkakamalan siyang bakla.

“Baklang-bakla ako!” natatawa niyang sabi.

“Naiisip ko nga, baka past life ko, bakla ako!

“Naiisip ko nga rin ngayon, bakit ba ganito?

“Siguro when I was young, una na sa modelling, ang dami mong kahalubilong beki.

“Tapos, tambay rin ako ng parlor talaga noong bata ako.

“Pero number one question sa Twitter ko: ‘Bakla po ba kayo?’

“’I-Google mo na ‘yan, Girl. Nagu-Google na ‘yan, di ba?’

“At wala, kahit naman noong high school ako, for the longest time, inisip nila bakla ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya nao-offend?

“Hindi!” tawa na naman ni Divine.

“Ang gaganda ng mga bakla kong friends.

“Minsan nga parang, ‘Bakla ka, ayusin mo naman ang hitsura mo! Kailangan mas maganda ako sa ‘yo, mas maganda ka pa sa akin!’”

VICTOR BASA. Sa puntong ito ay napag-usapan naman ang relasyon nila ng kanyang boyfriend—ang actor-model na si Victor Basa.

Two years daw ang tanda niya siya sa nobyo at pareho silang nag-aral sa Brent noong elementary. Pero ang talagang barkada raw ni Divine ay yung ate ni Victor.

Kuwento ni Divine, “Ang barkada namin, yung ate niya. Kasi, weird siya.

“Pero kapag mga barkada outing, isinasama ng ate niya si Victor, nagkakasama-sama kami.

“And then, when he left for the States, nag-model na siya.

“Parang may something in common na kami, pero hindi pa kami no’n. Years pa. Matagal na matagal.

“Hindi ko ma-take ang pagka-weird niya dati. Grabe kasi siya.

“Ngayon na nga lang siya mukhang normal. Before, he’s so weird!” tawa ni Divine.

Tatlong Pasko na raw silang mag-on ni Victor.

Paliwanag niya, “Wala kaming anniv, kasi nga, parang nanliligaw siya, lahat na ng barkada ko, ‘Girl, nanliligaw na!’

“Sabi ko, ‘Hindi, gusto lang niyang tumambay dito kasi masarap ang pagkain dito sa balur [bahay].’

“Ako nga mismo, akala ko bakla siya. Isinasama ko pa siya gay bar, e!

“Ang sabi ko kasi, number one ‘yan, kasama ko lahat bakla.

“Sa gay bar, iiwan na ako ng mga ‘yan, wala na akong ride pauwi.

“Si Victor, constant ko ‘yan na, ‘Sunduin mo ako.’

“Minsan, ‘Ay, di pa ako tapos, hintay lang.’ So, sinusunod niya ako.

“Akala ko talaga bakla siya kasi pine-pair ko pa siya sa mga kaibigan kong beki.

“Tapos, sinasabihan niya ako, ‘It’s not funny.’

“E, di ba, ang serious niya? Ako, ‘Okay lang ‘yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May time dati na nag-out of town ang grupo. Siyempre, room assignment, nilagay ko siya sa room ng mga bakla!

“Paggising ko, si Victor, natulog sa sala. Sabi nila, ‘Ayaw matulog sa tabi namin.’

“Sabi ko, ‘Bakit, may isyu siya? Hindi pa ba siya out?’

“Sabi nila, ‘Hindi yata bakla.’

“Sabi ko, ‘Bakla ‘yan, Girl. Maa-out natin ‘yan. Mapapa-out natin.’

“Hanggang sa ma-realize ko, ‘Oo nga, six years ko na siyang ginagano’n, hindi pala talaga siya bakla.’”

Isang hypothetical question ang ibinato ng PEP kay Divine: Paano kung malaman niyang bakla pala talaga ang boyfriend niya?

Sagot niya, “Keri lang!

“Ayoko lang ng may kahati kahit babae o lalaki.

“Kung saan siya masaya, keri lang.

“E, paano kung ipagpalit ko rin sa kanya, babae? Dapat keri lang.

“Although, wala akong ganoong tendency.

“Ang sinasabi ko, I think, at the end, what really matters is kung saan masaya ang tao.”

Pero ayon kay Divine, napatunayan daw niya na lalaki nga si Victor dahil alam niya ang mga naging girlfriends nito.

May image pa nga raw na cheater noon ang kasintahan.

Hindi rin itinago ni Divine na mahigit isang taon na silang nagli-live-in ni Victor.

DREAM WEDDING. May dream wedding naman daw si Divine.

“Gay pride!” nakangiti niyang sabi.

“Tapos lahat sila naka-wedding gown. I’m sure, gusto nilang mag-wedding gown lahat, di ba?”

Ano naman ang pagkakaiba ng wedding gown niya?

“Ako, Lady of Manaoag!”

Natatawa na lang daw si Victor sa mga naiisip niya.

“Natatawa siya kasi hindi niya alam kung seryoso ako.

“E, ganoon naman ang relationship namin. Hindi niya alam kapag seryoso ako o hindi.”

Pero nakikita raw ni Divine na si Victor na ang makakatuluyan niya.

May plano na nga raw silang magpakasal talaga.

“Kung walang isyu, malamang na nagpakasal na kami. We were talking about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, kasi nga, hindi raw niya ako makuha nang tama kasi lahat dinadaan ko sa biro.

“Hindi ko nga rin kayang seryosohin, but we always talk about it.

“Sabi ko nga, gusto ko rin magka-kids ng younger, e, biglang nagka-isyu.”

Ang tinutukoy ni Divine na isyu ay ang kaso ng kanyang ama.

Patuloy niya, “Actually, nagpaplano na kami.

“Yung kapatid kong isa, sabi niya, ‘Kapal naman ng mukha mo, sino maglalakad sa ‘yo sa simbahan?’

“Sabi ko, ‘I don’t mind.’

“’Kapag ikinasal ka at walang naglakad sa ‘yo, parang masama na agad si Papa niyan.’

“So, sabi ko, ‘Okay, fine.’

“Sa akin kasi, masyado kasi akong open at liberated ang isip ko.

“Sa States naman, hindi naman nilalakad [ang bride], di ba?

“Pero buti na lang ang sister ko, okay ang takbo ng isip niya.”

Nagpunta na raw sina Divine at Victor sa Las Vegas, pero hindi raw sila nagpakasal doon.

“E, kasi, isa na lang ang kapatid ko, wala pa dun, di ba? Batukan na ako nun!

“At least, yung kapatid ko man lang.

“And I think, every girl, gustong i-share yun with your sibling.

“E, yung sumunod sa akin, yun ang close sa akin.”

Kung sakaling magpakasal na nga sila, hindi naman daw ito magiging “bongga.”

“Yun ang misconception—hindi kami magpapakasal nang bongga.

“I’m sure yung gown ko, libre na. Si Victor, yung suit niya, libre na rin.

“Mga director na nakatrabaho ko, libre na rin, pati DJ.

“Basta ang gusto ko talaga, I wanted it something small. Yung Calaruega church na pang-fifty lang.

“And I want na lahat ng nandoon, alam yung love story namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN