Prince Harry’s nude photos in Las Vegas go viral

Panibagong kontrobersiya na naman ang kinasasangkutan ni Prince Harry ng Great Britain matapos kumalat ngayong araw ang mga hubad na larawan niya sa Internet. Kuha raw ang mga ito mula sa weekend party niya sa Las Vegas.


Kumakalat ngayon sa Internet ang hubad na mga larawan ni Prince Harry.

Kuha raw ang mga ito mula sa kanyang "crazy party weekend" sa Las Vegas noong August 17 (U.S. time).

Unang lumabas ang mga larawang ito sa gossip website na TMZ.

Sa unang larawan ay makikita si Prince Harry na nakahubad, maliban sa kanyang suot na relo at kuwintas, habang ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang ari.

Nakatingin ang kanyang mukha sa television set sa loob ng hotel suite. Ang katawan naman niya ay bahagyang tinatakpan ang isa pang tao na nakahubad din.

Sa ikalawang litrato naman ay niyayakap niya ang isang babae mula sa likuran habang nasa tabi sila ng pool table. Pareho silang nakahubad.

Ayon sa report ng TMZ, nagpunta si Prince Harry sa hotel bar ng MGM Grand kasama ang kanyang entourage noong gabi ng August 17.

Pagkatapos daw nito ay bumalik siya sa kanyang hotel room na may kasama nang mga babae "for a game of strip pool."

Sa isang punto raw ng weekend adventure na ito ni Prince Harry ay nakasama ang 2012 London Olympics gold medalist na si Ryan Lochte, isang American swimmer.

Ayon sa report ng CNN, kinumpirma ng Buckingham Palace na si Prince Harry nga ang mga nasa larawang inilabas ng TMZ.

Paliwanag ng isang palace official, "Prince Harry has been on a private holiday before he resumes his military duties."

Ayon naman sa website ng Daily Telegraph, isa sa leading newspapers sa Great Britain, ang pagpapalabas ng mga larawang ito ni Prince Harry "risks embarrassing Buckingham Palace and raises questions about the prince’s security arrangements."

Dagdag pa ng Daily Telegraph, ang mga hubad na larawan ni Prince Harry ay kinunan ng isang "fellow reveller" gamit ang isang mobile phone.

Ibinenta raw ito ng kumuha sa halagang £10,000.

HARRY’S CONTROVERSIES. Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa kontobersiya si Prince Harry, 27, na ikatlong nakalinya sa trono ng British monarchy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nooong 2002 ay naakusahan siya ng underage drinking at paggamit ng marijuana. Sixteen years old lang noon ang prinsipe.

Hindi sinampahan ng kaso si Prince Harry dahil wala namang nakuhang ebidensiya ang mga pulis bilang suporta sa alegasyon.

Noong 2005 naman ay lumabas sa front page ng pahayagang The Sun ang larawan ni Prince Harry na nakasuot ng uniporme ng Nazi soldier sa isang costume party. Kasabay ng larawang ito ang headline na: "Harry the Nazi."

Humingi ng paumanhin ang prinsipe dahil sa nangyari.

Aniya, "I am very sorry if I caused any offense."

Noong 2009 naman ay naglabas ng isa pang apology si Prince Harry pagkatapos kumalat ang ilang videos na nagpapakita ng paggamit niya ng "offensive language" sa paglalarawan ng mga miyembro ng kanyang military unit.

Ang prinsipe ay may ranggong kapitan sa British military at pansamantalang na-assign sa Afghanistan.

Si Prince Harry ay isa nang qualified Apache pilot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN