Showbiz reporter Chito Alcid files multiple criminal charges against talent manager Annabelle Rama

“Kailangan ang mga tao, ipaglaban mo ang prinsipyo at katotohanan. At saka kailangan i-stop mo ’yang media bullying,” sabi ni Chito Alcid upang ipaliwanag ang desisyon niyang magsampa ng kaso laban sa talent manager na si Annabelle Rama.


Nagsampa ng mga kasong kriminal ang showbiz reporter na si Chito Alcid laban sa talent manager na si Annabelle Rama.

Attempted murder, grave threat, grave coercion, at slander ang mga kasong isinampa ni Chito laban kay Annabelle sa Fiscal’s Office ng Taguig City Hall of Justice kaninang hapon, Agosto 23.

Kasama ni Chito na nagsampa ng kaso ang legal counsel niyang si Atty. Lorna Kapunan at ang dating aktres na si Azenith Briones.

Si Azenith ang tumatayong witness ni Chito.

Ang pagsasampa ng mga kasong kriminal ni Chito laban kay Annabelle ay nag-ugat sa kaguluhang naganap sa ikatlong araw ng burol ni Comedy King Dolphy, sa Heritage Memorial Park and Crematorium, noong July 13.

Naghabulan ang dalawa sa loob ng dining hall na katabi lamang ng chapel na pinagburulan sa Comedy King.

Akmang hahampasin ni Annabelle ng baston si Chito, na napadausdos naman sa sahig habang tumatakbo palayo. Mabuti na lamang at napigilan si Annabelle ng mga ibang tao na nasa lamay, katulad nina Ilocos Governor Chavit Singson at German "Kuya Germs" Moreno.

Ayon kay Chito, nauna si Annabelle sa panunugod sa kanya matapos silang magkita sa labas ng comfort room.

(CLICK HERE to read related article.)

Depensa naman ni Annabelle, na-provoke lamang siya ni Chito.

(CLICK HERE to read related article.)


WHY JUST NOW? Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chito kanina sa lobby ng Taguig City Hall of Justice, sinabi nitong hindi naging madali para sa kanya ang pagsasampa ng kaso.

Ito raw ang dahilan kung bakit umabot ng mahigit isang buwan bago siya nagsampa ng kaso laban kay Annabelle.

Paliwanag ng entertainment columnist, “Kaya umabot ng isang buwan bago ko maisampa, kasi pinag-isipan ko nang mabuti.

“Kasi, sinabi ko na ayaw ko ng mahabang hidwaan na ganito. Ayaw ko ng mga hindi ko ikinatutuwa.

“Akala niyo ba naiistorbo lang ako sa pagpunta rito? No.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before this, I went to the National Press Club, the police station, the lawyer...

"I consult my friends and relatives, I cancelled my shows.”

Nakumbinsi rin daw siyang magsampa ng kaso laban kay Annabelle dahil sa stress na idinulot ng pangyayari sa kanya.

Sabi ni Chito, “Minsan kapag may nakikita akong babaeng parang si Annabelle, mukhang hahabulin na naman ako.

“Minsan kapag nasa parlor ako, nagpapa-spa ako, biglang may pumasok sa parlor, baka akala ko sinundan ako, kasi anything can happen.

“Sa gabi rin, mayroon akong mga gabing nagigising, na hindi ako makatulog.

“Minsan nalulungkot ako sa mga ginawa niyang iyon.

“Hinding-hindi ko talaga malilimutan ang nangyari noong July 13 diyan sa Heritage.”

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP sa legal counsel ni Chito na si Atty. Kapunan, sinabi nito na bago at matapos ang insidente ay nakakatanggap ng mga text messages si Chito mula kay Annabelle.

Natagalan daw ang pagsasampa ng kaso ng kanyang kliyente dahil: “[Chito] has really been concerned about threats because bago kami nag-file dito, Annabelle filed six or seven cases of libel in Cebu.

"He was concerned that filing a case might just escalate [things].

“Ang totoo is, apart from this, there are still text messages na talagang nakakatakot, before and after.

"So, he had to consider whether it is a crusade that he wants to fight.”


“STOP THE MEDIA BULLYING.” Ayon kina Chito at Atty. Kapunan, ang pagsasampa nila ng kaso laban kay Annabelle ay hindi para sa pansariling kapakanan lamang.

Sabi ni Atty. Kapunan, “This is not only a personal case of Chito.

“This is a crusade against media bullying.

“Inisip din niya na nobody really has been brave enough to stand against the Annabelles of this field.

“It’s about time that people don’t use power or influence or even uniqueness of character because we cannot always be forgiving.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa rin si Atty. Kapunan na matauhan na ang mga tao sa showbiz sa insidenteng naganap sa pagitan ng kliyente niya at ni Annabelle.

“What Annabelle did, I think, should also be a signal to the showbiz industry to police your own ranks.

“You cannot [allow] all the time that all your fights are fought in public, or your personal vendetta is affecting third parties, innocent third parties.

“The movie industry has to also police itself to remove unethical and immoral conduct like this.”

Nasaksihan ni Atty. Kapunan ang engkuwentro kina Annabelle at Chito sa Heritage Park dahil nandoon siya nang maganap ito.

Si Kapunan ay kilalang abugado ng ilang celebrities na nagkaroon ng legal problems. Ilan sa mga kliyente niya ay sina Hayden Kho Jr., James Yap, at Rhian Ramos.

Sa kabilang banda, hindi naman daw matitinag si Chito sa kaso laban kay Annabelle kahit na kilala ito sa industriya bilang "matapang" na talent manager.

Sabi ni Chito, “Wala namang matapang o mayaman para sa akin, e, kasi I still think that justice will prevail.

“Hindi pwedeng matatakot ang mga tao.

“Kailangan ang mga tao, ipaglaban mo ang prinsipyo at katotohanan.

"At saka kailangan i-stop mo ‘yang media bullying.

“Hindi ba ‘yan, may nagtatapang-tapangan, hahabulin ka, sasaksakin ka, mumurahin ka, hihiyain ka sa maraming tao? Gusto niyo bang maulit ulit ‘yon?

“After me, kanino naman niya gagawin ‘yon, na hindi rin kikibo dahil powerful o baka may ganito o ganung mga nagaganap.”

NOT THINKING OF SETTLEMENT. Kung noon ay ayaw raw ni Chito ng mahabang hidwaan, ngayon ay hindi naman pumapasok sa isip niya na makipag-ayos na lang sa labas ng korte.

Katuwiran ng showbiz reporter, “Hindi ko masasabi. Pero ang gusto ko talaga, hindi settlement—stop her ways of bullying the media and people.

“Hindi pupuwede ‘yon, na tao tayong isinilang, minahal ng mga magulang natin, nag-aral, biglang may taong maghahari-harian na susugurin ka at aalipustahin ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kapag may naisulat na hindi maganda e dadaanin niya sa dahas.”

“IT HAS TO END PERMANENTLY.” Bago matapos ang panayam, hiningi ng PEP ang mensahe ni Chito para kay Annabelle.

Aniya: “I hope as a Christian, umayos siya.

“Alam naman ng mga tao kung ano siya, kung ano ang mga pinagdaraanan niyang mga kaso, ang dami-dami.

"‘Yon nga, since our gulo, nakita mo na nag-iba talaga ang buhay nila—tumahimik, nagpa-check-up at may findings...

"Ewan ko, at hindi na nagtatalak-talak. Pero it’s not that.”

Diin pa ni Chito, “It has to end permanently. It has to end permanently.

"Hindi pupuwedeng sandali lang o ngayon lang dahil mainit ang issue.

“Sira ang ginawa niyang ‘yon, e. Ang daming na-turn off sa kanya— buong bayan.”

Nagpadala ang PEP ng text message sa publicist ng mga Gutierrez na si Jun Lalin upang kunin ang panig ni Annabelle. Hanggang press time ay wala pa kaming nakukuhang sagot.

Mananatiling bukas ang PEP sa pahayag ng talent manager tungkol sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya ni Chito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN