Jolina Magdangal says husband Mark Escueta serves as her stress reliever: "Siya yung tagatimpla sa akin na maging magaan lahat."

Actress-singer Jolina Magdangal-Escueta admits that having three shows on her plate—reality star search Protégé, public affairs program Personalan, and cooking show Del Monte Kitchenomics— is strenuous. Two things keep her going, however: her optimism and her husband Mark Escueta.


Sa unang pagkakataon ay magiging host si Jolina Magdangal ng isang cooking show, ang Del Monte Kitchenomics.

Makakasama niya sa pagluluto at paghahatid sa mga manonood ng mga pinadaling recipe si Chef Luigi Muhlach—anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen—na first time ding sasabak sa paghu-host.

Excited si Jolina para sa five-minute cooking show na ito na magsisimula sa August 29. Mapapanood ito sa GMA-7 tuwing Miyerkules, 11:25 a.m. at Sabado, 10:30 a.m.

“Perfect timing” daw para sa actress/singer/host ang bago niyang programa, lalo na’t bago pa lamang siya sa pagiging maybahay.

Ikinasal si Jolina kay Mark Escueta, drummer ng kilalang OPM band na Rivermaya, noong November 21, 2011.

Sa isang press conference kahapon, August 23, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Quezon City, inamin ni Jolina na hindi pa siya mahusay sa pagluluto.

“Sa totoo lang, wala. Pero, mahilig akong kumain!

“At saka, marunong naman ako maggisa.

"Bakit? Dun naman mag-i-start yun, a! Sa gisa, di ba?” pabirong sabi nito.

Dagdag ni Jolina, “Timing din kasi asawa [na ako]. Kailangan na rin talagang nagluluto, na hindi rin naman talaga kailangang-kailangan, pero mas maganda kung marunong.”

Balak ni Jolina na magsimulang matuto ng mga lutong-bahay o mga tradisyonal na ulam ng mga Pilipino.

“Pupuwede mong ihain kahit sino yung bisita namin pag magkaroon na kami ng bagong bahay, di ba?

"So, perfect na perfect siya!

“Pag natapos itong show na ito, alam ko, marunong na ako magluto!

"At sasabihin ko, marunong na akong magluto!” masayang saad ni Jolina.

Ikinuwento rin ng multi-media star sa press na sa mga unang taping ng Del Monte Kitchenomics ay mayroon na siyang natutunang mga recipe.

“Ngayon alam ko na ang kare-kare, kaldereta, at saka sinigang with a twist—may tomato sauce!

"O, twist na twist, di ba?” natatawang sabi ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOLINA’S IN-LAWS. Kasalukuyan pa ring tumutuloy sina Jolina at Mark sa bahay ng mga magulang ni Mark sa Parañaque.

Pero naghahanap raw sila ng bahay sa bandang Quezon City area.

Nabanggit ni Jolina na mahusay ang kanyang mga biyenan pagdating sa kusina.

“Yung in-laws ko kasi, magaling sila magluto, e. Talagang nagagawan nila ng twist din yung mga iba-ibang pagkain.”

May pressure ba para sa kanya na matutong magluto?

Sagot ni Jolina, “Hindi naman sa may pressure. Dahil ayaw ko sa lahat, yung pressure.

"Lalong hindi rin maganda yung gagawin ko, e.

"Gusto ko lang enjoy-in na kahit papaano, pag nagkukuwento yung mom niya tungkol sa mga luto-luto, may maiko-contribute ako.”

Balak daw ni Jolina na magluto ng kare-kare para kay Mark at sa kanyang mga biyenan.

“Mabigyan lang talaga ’ko ng time and yung… walang nakabantay, para ako lang muna mag-isa.

"Kung ano man yung mangyari, ako lang mag-isa, magagawa ko yun!”

SPECIAL RECIPE. Bagamat ngayon pa lang natututong magluto si Jolina, mayroon daw siyang espesyal na niluluto para kay Mark simula noong magkasintahan pa lamang sila.

“Ginagawan ko siya parati ng… yung parang inihaw ni liempo, pero iba yung pagkakatimpla—salt, pepper, saka olive oil lang.

“Yun lang, tapos masayang-masaya na siya doon!

"E, paano pa pag nagawa ko pa sa kanya itong iba-ibang food, di ba?”

Mahilig daw kumain sina Jolina at Mark tuwing nagba-bonding sila.

Kuwento ni Jolina, “Nung boyfriend-girlfriend pa lang kami, mahilig na kaming kumain parati sa iba-ibang restaurant at iba-ibang klase ng pagkain!

"Kaya siguro nagkasundo rin kami.”

HOSTING MEALS AT HOME. Mga nanay ang madalas na kinukuhang host ng Del Monte Kitchenomics.

Sa nakalipas na tatlong dekadang ipinapalabas ang naturang cooking show, ilan sa mga naging host nito ay ang veteran gourmet chef na si Nora Daza, ang aktres na si Maricel Laxa, at noong nakaraang taon ay ang reporter na si Love Añover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang tinanggap ni Jolina ang Del Monte Kitchenomics na napapanood na raw niya simula noong bata pa lamang siya.

“Bakit? Busy naman ako na bagong asawa…

“At least, pag dumating na ako dun sa magkaka-mini-me, marunong na talaga akong magluto! Hindi yung dun pa ako nagtata-tantsa, di ba?”

Ang ‘mini-me’ ang terminong ginagamit ni Jolina para sa kanyang magiging mga anak.

Dagdag niya, “Para pag nagkaroon na ako ng sariling bahay, puwede na talaga akong mag-invite. Alam ko na kung ano yung ipapakain sa kanila!”

Excited si Jolina na humusay sa pagluluto dahil kapag dumating ang araw na iyon ay makakapag-imbita na raw siya ng pamilya at mga kaibigan sa bahay.

Paliwanag niya, “Kasi natutuwa ako sa mga friends ko na marunong magluto.

“Tapos, pag nagpupunta kami sa bahay... si Ate Reg, pag nag-i-small group kami sa kanila, siya ang nagluluto.”

Ang Ate Reg ay walang iba kundi ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, na ayon kay Jolina ay masayang mag-host ng get-together at magaling talaga magluto.

“Tapos, parang ang sarap lang mag-entertain pag ikaw ang nagluto!

“Iniisip ko, tamang-tama, pag may sarili na kaming bahay, marunong na ako magluto, kasi natuto na ako sa kaka-taping namin, di ba?

"Tapos, kumbaga, makakapag-host na ako ng mga bisita, di ba?”

KIDS. Mag-iisang taon pa lamang na kasal sina Jolina at Mark, pero madalas silang inuusisa tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Kailan nga ba nila balak magkaanak?

Tugon ni Jolina, “Kasi siguro, busy. Saka hindi naman din kami nagmamadali.

“Pareho kami. Ang nasa isip namin, mas maganda kung bahay muna na aayusin namin together, tapos magpa-plan.”

Sabi pa ni Jolina, hindi sila nagmamadaling bumuo ng pamilya.

“Meron talagang nampe-pressure, pero hindi naman kami nagpapa-pressure.

“Unti-unti rin. Hindi rin naman, ‘Ay, hindi! Hindi muna!’ Hindi ganun.

“Kung ibigay, ibigay. Kung hindi, okay lang din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi marami din sa aking nagsasabi na the more mo iniisip, the more hindi ibibigay sa ’yo.”

Kung sakali, apat daw na anak ang gusto ni Mark, samantalang si Jolina ay tatlo ang nais maging anak.

Pero natatawang binawi ito ni Jolina nang maisip na baka masakit manganak: “Pero kung isa—kasi takot ako sa injection—baka isa na lang!”

Dahil sa trabaho, hindi pa rin nakakapag-honeymoon ang bagong kasal.

Paliwanag ni Jolina, “Hindi pa kami nakapagbakasyon dahil nagkasunud-sunod na rin [ang projects].

“And para sa amin kasi ni Mark, every time na may dadating na mga bagay-bagay, blessing yun.

“Kumbaga, parang uuwi kami sa sarili naming kuwarto or na magkatabi kami, parang pahinga na yun.

"Bonus pa kung makapag-vacation kami. Pero, dapat na talagang planuhin.”

STRESS RELIEVER. Kasalukuyang abala si Jolina sa kanyang mga shows sa Kapuso network.

Bagamat kakatapos lamang ng teleserye niyang My Daddy Dearest, mayroon pa siyang apat na shows.

Bukod sa Del Monte Kitchenomics, isa si Jolina sa mga mentor sa reality star search na Protégé: The Battle for the Big Artista Break.

Host din siya ng public-affairs show na Personalan, na napapanood sa GMA News Channel.

Regular din siyang napapanood sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas.

Hindi ikinakaila ni Jolina na paminsan-minsan ay nadadala rin siya sa pagod dulot ng trabaho niya.

“Siguro ano, natatakot akong makain ng pagka-nega [negative].

"Kasi, napansin ko… ang artista, nagkakaroon ng time na, siyempre, sa dami na ng pinagdaanan—schedule, na-meet na tao—nag-iiba na yung mood, e.

“At nagkakaroon ng time na nagiging nega na, pero nagiging positive uli.

“Natakot ako, nagkaroon ako ng time dati na naging moody ako tapos biglang naging pakiramdam ko, baka ayaw na akong kausapin ng ibang tao kasi ang bigat na lang lagi ng sinasabi ko.

“So, gusto ko, laging masaya. Gusto ko, lagi lang masaya yung mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas masarap tumawa kesa yung mabigat yung dibdib mo.

“Kasi feeling ko, pag mabigat yung kalooban ko, parang bumabagsak yung buong muscle ko sa mukha, na yun yung puwedeng magpatanda sa akin.

“So, imbes na magpa-siyensiya ako, natural na lang ako—smile!”

Isa raw sa panangga sa pagod ni Jolina ay ang kanyang asawa.

“Siguro si Mark, hindi rin siya pabigat sa akin.

"Minsan nga, napapapagod ako, like sa Personalan, dahil totoong buhay yun, reality show siya, e.

“Tapos sa Protégé na mentor [ako]. Hindi lang pala mentor yun! Mentor-slash-manager-stylist.

“So, ang dami kong iniisip!

"Siya yung... kumbaga, kung malapot na, lalabnawan.

"Siya yung tagatimpla sa akin na maging magaan lahat.

"Kasi wala namang mangyayari kung bibigatan ko lang yung loob ko.

“Ang ayaw ko kasi sa lahat, yung magte-taping na, tapos may front ako? O yung may sinusuot?

"Gusto ko, masaya lang lahat.”


HANDLING ARGUMENTS. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jolina, tinanong namin kung nagkakaroon na ba sila ng maliliit na pagtatalo ni Mark.

Ikinuwento ng aktes ang kaisa-isang beses na nagkaroon sila ng argumento na dulot ng isang sitwasyon sa trabaho ni Jolina.

Lahad ni Jolina, “Siguro, ang pinaka naging argument lang namin ni Mark, nung meron akong gustong areglo na gagawin for Protégé.

"Pero, sobrang mala-last minute na, hindi ko pa nakukuha yung gusto ko.

“So, nakita niya na napu-frustrate ako.

“Tapos, parang sabi niya, ‘Alam mo, wala nang magagawa diyan… diyan ka na mag-work. Kung ano yung naibigay sa ’yo.’"

Madaling-araw na raw kasi noon.

“And sobrang last minute na, napa-ano ako, hindi naman mataas ang boses, pero [nasabi ko], ‘Ganun ba talaga? Ganun ba talaga? Mahirap ba talagang aregluhin yung sinasabi ko?’

“Parang ganun lang.

"Tapos sabi niya, ‘Hindi, hindi naman. Ang ayaw ko lang, malungkot ka.’”

Bagamat hindi naman nagtaas ng boses si Mark, hindi sanay si Jolina na ganoon ang naging klase ng pag-uusap nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kasi kami ganun mag-usap,” sabi ni Jolina.

Inulit pa raw ni Mark: “Ayaw ko lang yung nalulungkot ka.”

Patuloy ni Jolina, “Tumahimik na siya. Tumahimik na lang din ako.

“Pero habang tumahimik ako, iniisip ko, ‘Naku, nalungkot kaya siya nang bongga?’

“Tapos maya-maya, sabi ko, ‘Okay ka lang ba?’

"Sabi niya, ‘Ang sakit ng dibdib ko.’

“Siya yung sumakit yung dibdib!

"Sabi ko, ayaw ko na lang. Ayaw ko na lang…

"Hindi ko na nga masyadong nilalaliman yung feelings ko. Naa-absorb pala niya! Kaya wag na lang.

“Saka ayaw naming i-practice ‘yang mga arguments [kahit] sinasabi naman na ganyan talaga ang mag-asawa.

"Kasi pagkagising mo, siya kausap mo. Pag matulog ka, siya [kausap mo]. Mag-aaway-away din kayo niyan.”

Isang bagay raw ang natutunan ni Jolina tungkol sa pagkakaroon ng mga pagtatalo: “Hangga’t kaya naming…wala, wag na lang.”

PATIENCE. Ayon kay Jolina, mas mapagpasensiya si Mark kaysa sa kanya.

“Ano ako, e, sensitive ako, e. Sensitive ako.

“Kasi iniisip ko yung worst na mangyayari para ready ako. Ayaw ko yung hindi ko alam yung ginagawa ko.

“So, siya yung taga-sabi sa akin, ‘Wag mong isiping ganyan dahil sinasayang mo lang yung efforts mo.’

“Kaya minsan, hindi ko na lang ikukuwento sa kanya kung ano yung kinakainis ko.

"Tinitingnan ko na lang siya, tapos [kapag] nakikita kong relax siya, okay na."

Natutunan din daw ni Jolina na huwag masyadong maging madaldal dahil baka dumating sa puntong maubos ang pasensiya ni Mark.

“Yun na lang yung iniisip ko. Kasi ayaw ko na yung kuwento nang kuwento.

“Siyempre, napupuno rin ang tao, di ba?

"Magulat na lang ako, baka magalit ’yan, e, sobrang bait niyan, baka magalit pa.

“Lagot! Mahirap magalit ’yan.

"Nakita ko na siya magalit, pero hindi sa amin.”

MOODS. Sa siyam na buwang pagsasama nina Jolina at Mark bilang mag-asawa, mayroong mga ugali o moods ang isa’t isa na ngayon pa lamang nila nadidiskubre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Jolina, “Meron na akong nakita. Pero inaamin ko minsan, ang kulit ko pa rin.

“Kasi si Mark, tahimik siya, di ba?

“Nakikita ko kung yung pagkatahimik niya ay tahimik lang na wala lang, wala sigurong masabi.

"Or tahimik na may malalim na iniisip? Or mabagal sumagot? Or tahimik na naiinis?

“Minsan, kahit ilang beses ko nang tinanong at ilang beses na niyang sinagot, na kapag tahimik siya at yung hitsurang galit, hindi siya sa akin galit, tinatanong ko pa rin kung galit siya sa akin.

“Sabi niya, ‘Never ako magagalit sa ’yo nang hindi ko sasabihin.’

“So, kapag tahimik daw siyang ganun, hangga’t hindi ko nariring na naiinis siya or ganito ka, ganyan ka, hindi siya sa akin galit.

“Pero tinatanong ko pa rin. Baka sakali, di ba? Baka may nagawa ako!” natatawang sabi ni Jolina.

COMMUNICATION IS THE KEY. Importante ba sa kanila ni Mark ang “alone time” o oras para sa sarili lamang at wala ang katuwang? Nangyayari ba sa kanila ito?

Sagot ni Jolina, “Oo, pero magkatabi kami!

"Hindi naman sa nag-uusap, pero siguro may ginagawa siya, tapos ako rin meron.

"Pero ano lang yun, a, minuto. Tapos dadaldal na naman ako!”

Importante sa lahat daw kay Jolina ang komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa. Kahit “small talk” daw ay mahalaga.

“Minsan dun mo nalalaman kung ano yung interes pa ng isang tao.

“Every day, lalo na sa nangyayari ngayon na technology at lahat-lahat, may mga interest na nagbabago.

“So, gusto ko yun malaman hanggang pagtanda namin, na lahat ng mga bagong interest niya, pati yung sa akin, kahit hindi niya tinatanong, di ba?

“Gusto ko malaman yun kasi nagkakasundo kami talaga sa mga ganyang bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN