Rodrigo Duterte is the 16th Philippine president

May 27, 2016
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte officially gets elected as the 16th Philippine president with a total of 16,601,997 votes. The official vote-counting of the National Board of Canvassing has officially ended at past 7 P.M. this Friday, May 27.</p>

Opisyal na ang pagkapanalo ni Rodrigo Duterte bilang bagong presidente ng Pilipinas.

Tulad ng inaasahan, landslide victory ang tinamo ni Davao City Mayor Duterte, na nakakuha ng 16,601,997 votes sa isinagawang official tally ng National Board of Canvassers (NBOC).

Malayo ang agwat ni Duterte sa pumangalawang si former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, na nakakuha ng 9,978,175 votes.

Ang independent candidate na si Senator Grace Poe ay nakakuha naman ng 9,100,991 votes.

Si Vice President Jejomar Binay ay mayroon namang 5,416,140 votes.

Habang si Senator Miriam Defensor-Santiago ay nakakuha ng 1,455,532 votes.

Nauna nang inihayag ni Duterte na nais niyang maging simpleng okasyon ang kanyang nakatakdang proklamasyon bilang presidente sa Malacañang sa June 30.

Balak din umano ni Duterte na magbigay lamang ng five-minute speech at agad ding tapusin ang naturang event.

Sa kabilang banda, hindi maitatangging naging mahigpit ang labanan pagdating sa vice-presidential race.

Mahigit 200,000 votes lang ang lamang sa pagitan nina Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo at Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Continue reading below ↓

Si Robredo ay nakakuha ng 14,418,817 na boto, habang si Marcos ay mayroong 14,155,344 votes.

Samantala, si Senator Alan Peter Cayetano ay nakakuha ng 5,903,379 votes.

Sumunod si Senator Francis “Chiz” Escudero na mayroong 4,931,962 votes.

Si Antonio Trillanes IV ay nakakuha ng 868,501 votes.

Si Senator Gregorio “Gringo” Honasan II ay nakakuha ng 788,881 votes.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte officially gets elected as the 16th Philippine president with a total of 16,601,997 votes. The official vote-counting of the National Board of Canvassing has officially ended at past 7 P.M. this Friday, May 27.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results