Dingdong Dantes prepares for drama series with Kylie Padilla; spearheads Disaster Risk Reduction seminars for the youth

Dingdong Dantes on new leading lady Kylie Padilla: “Nakita ko kung gaano siya nag-evolve sa pagiging isang aktres. At nakakatuwa dahil you can really see the effort na gustung-gusto talaga niya na matuto. I’m happy that she has that kind of attitude.”


Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Dingdong Dantes ang bagong drama series na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Hindi pa sinabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang final title ng bago niyang serye dahil hindi pa raw kinumpirma sa kanya kung ito na talaga ang gagamiting titulo.

Ngunit ayon sa mga naunang reports, Haram ang working title ng primetime series ng pagbibidahan ni Dingdong.

Natutuwang ikinuwento ng 32-year-old Kapuso actor sa PEP na ang girlfriend niyang si Marian Rivera pa ang unang nakaalam kung ano ang gagawin niyang teleserye at siyang nagbalita nito sa kanya.

“Siya pa nga ang unang nakaalam, e. Nakarating sa kanya and na-excite siya sa concept.

“Nung nalaman ko na confirmed nga na ako, e, sabi ko, maganda ito,” sabi ng aktor.

Ayon kay Dingdong, parang kasing laki rin ito ng Amaya ni Marian.

“May halong ganun, pero it’s more realistic. It deals with two religions,” sabi nito.



KYLIE PADILLA. Ang bago pa sa proyektong ito ay ang napiling leading lady ni Dingdong—si Kylie Padilla.

First time makakatrabaho ni Dingdong ang anak ni Robin Padilla kaya excited daw siya.

“I’ve seen her in some of her shows, yung work niya, especially sa The Good Daughter.

“Nakita ko kung gaano siya nag-evolve sa pagiging isang aktres.

“At nakakatuwa dahil you can really see the effort na gustung-gusto talaga niya na matuto.

“I’m happy that she has that kind of attitude,” sabi ni Dingdong tungkol sa young actress.


WORKING OUT. Kasama raw sa ginagawang paghahanda ng aktor ang pagpapaganda ng kanyang katawan.

“Tuluy-tuloy lang ang workout, healthy lifestyle lang.

“Masaya ako na hindi ako napupuyat sa trabaho, maganda rin yung pahinga.

“Yung mga activities na hindi ko naman kailangan, hindi ko na ginagawa to save for the energy,” pahayag ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DISASTER RISK REDUCTION. Bukod sa nalalapit na promo ng pelikula niyang Tiktik: The Aswang Chronicles, ang shooting ng Star Cinema movie niyang One More Try, at paghu-host ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break, nasisingit din ni Dingdong ang mga proyektong nasimulan ng Yes Pinoy Foundation.

Abala sila ngayon sa proyektong Disaster Risk Reduction, kung saan nagku-conduct sila ng seminars sa mga kabataan sa tamang gagawin kapag may dumarating na sakuna.

Sabi niya, “Bago nangyari yung great flood, meron na kami yung DRR na tinatawag, yung Disaster Risk Reduction, para pag dumating na ang ganung klaseng sakuna e mas prepared na tayo at maiwasan na natin yung further damage.

“Masaya naman kami dahil yung mga napuntahan naming area, ina-apply naman nila yung mga seminar na kinondak [conduct] namin.”

Maganda raw ang feedback kaya gusto nilang ikutin ang lahat ng bahagi ng bansa para mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan sa tamang gagawin kapag dumating ang sakuna o trahedya.

“Yung plano, after everything, is to strengthen that program, na mas marami pa sanang kabataan sa mga areas na maturuan pa namin ng DRR. Para sila mismo, maging equipped sila sa mga sakunang ganito.

“Basically, ito yung mga do’s and don’ts pag may dumating na mga disaster—like earthquake, fire, baha, malakas na bagyo, at tsunami.

“Basically, that’s it. Kung ano yung mga kailangang gawin, o mga hindi kailangang gawin

“Since ang Yes Pinoy is focused on educating, and yung mga tinuturuan namin mga kabataan, so swak na swak siya.”


SECRETARY JESSE ROBREDO. Ikinuwento rin ni Dingdong sa PEP na katatapos lang nilang magpirmahan ni yumaong Department of Interior and Local Government Secretary Secretary Jesse Robredo para makipag-partner sa malaking proyektong ito.

“In fact, kaka-close lang namin ng partnership with DILG through Secretary Jesse nga, last month, na we will officially be their partner sa kanilang Tapatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, talagang sinisiguro nila na all regions will also undergo this DRR.

“Kami, parang magiging isang leg nila…”

Desidido si Dingdong na maiparating ito sa lahat ng mga kabataan kaya kapag may panahon, sumasali raw siya sa mga seminar at tumutulong sa pagtuturo sa mga kabataan.

“Okay siya kasi nagku-concentrate kami sa kabataan, na kapag may mangyaring ganitong bagay, hindi sila aasa lang sa mga nakakatanda sa kanila.

“So that they can work independently, na kapag may nangyaring sakuna sa kanila, alam na nila kung ano ang gagawin nila.

“Hindi sila maging liability sa magulang nila.”

Natutuwa rin daw si Marian at ganun ka-active ang Yes Pinoy Foundation.

Sa kabilang banda, masaya naman si Dingdong dahil active na rin ang kasintahan sa mga nasimulang proyekto para sa Philippine National Red Cross.

“Nakakatuwa nga na… especially na she’s open to things like this.

“She really takes time out na maging active sa mga ganitong causes,” sabi ng Kapuso actor.


SANA AY IKAW NA NGA. Suportado rin ni Dingdong ang remake ng kauna-unahan niyang telenovela sa GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga na tumagal ng dalawang taon.

Nakapareha ni Dingdong dito si Tanya Garcia.

Nakikita naman daw niyang promising ang gaganap sa bagong version na sina Mikael Daez at Andrea Torres.

Pinuri rin ni Dingdong ang bagong loveteam dahil nakikita raw niyang pursigido ang mga ito sa kanilang ginagawa. Bagay na bagay rin daw ang dalawa.

“Pareho silang may tamang attitude towards work. Pareho silang goodlooking. Bagay sila, nakita ko sila on screen.

“I just wish them the best of luck na sana magampanan nila nang tama ‘yan.

“With the guidance of all the good actors involved, I’m sure magagawa naman nila ‘yan,” mensahe ni Dingdong kina Mikael at Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN