Dr. Vicki Belo admires Zsa Zsa Padilla’s strength: “Wala na yung pa-cry-cry. ‘Oh, my gosh! How could this happen?’ Wala siyang ganyan.”

Dra. Vicki Belo (right) on friend Zsa Zsa Padilla (left): “Ang nakaka-admire about Zsa Zsa, kahit anong nangyari, nakikita niya yung bright side na, kunwari sasabihing cancer, ang nakikita niya, ‘Buti na lang naagapan. Buti na lang stage 1 lang, di ba?’ Hindi na siya nag-aano na nega, iiyak ako dito kasi cancer."


Kasamang nagpunta sa U.S. ng mag-inang Zsa Zsa Padilla at Zia Quizon si Dra. Vicki Belo upang ipatingin ang bukol sa kidney ng tinatawag sa showbiz na Divine Diva.

Doon nalaman na may Stage 1 kidney cancer si Zsa Zsa at kailangan nang sumailalim sa operasyon upang tanggalin ang bukol sa kanyang buto.

Bumalik pansamantala si Dra. Belo sa Pilipinas, ngunit babalik din siya sa Amerika para samahan ang Divine Diva sa operasyon nito.

Pagdating ng celebrity cosmetic surgeon sa bansa ay nakausap siya ni Ricky Lo para sa Startalk.

Ikinuwento ni Dra. Belo kung paano niya nalaman ang sakit ni Zsa Zsa, na malapit niyang kaibigan at isa sa mga endorsers ng kanyang clinic.

Pagkatapos daw ng libing ng longtime partner ni Zsa Zsa na si Dolphy, pumunta raw ang singer-actress sa clinic ni Dra. Belo sa Alabang.

Ipinakita raw sa kanya ni Zsa Zsa ang resulta ng CT Scan. Parang kinabahan na raw si Dra. Belo nang nakita niya ito.

Kuwento ni Dra. Belo, “Yung nakita ko kasi sa CT Scan, ang laki na parang ping pong ball, saka solid na solid.

“Although they couldn’t diagnose so well, kasi nga she has steel rod in her back, hindi nakikita, naba-block.

“I said, ‘Let’s go to the States para mag-second opinion tayo, di ba?’

“So, right away, we left siguro mga four, five days [after].

“She said, ‘Yeah, I feel better if I can go.’ Kasi kilala niya yung doktor ni Dolphy doon na napakagaling.”

Ang tinutukoy ni Dra. Belo na doktor ay si Dr. Larry Froch, isang nephrology/internal medicine specialist sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California.



ZSA ZSA’S STRENGTH. Pagdating sa Amerika, nang nalaman daw nilang malignant at stage one cancer na ito, nagulat daw si Dra. Belo dahil napaka-cool ni Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw gaya ng inaasahan niyang maaapektuhan ito nang husto.

Kuwento ni Dra. Belo, “Akala ko kailangan ko siyang i-support, or akala ko she’ll be devastated—not at all.

“She was very cool. She was, ‘Come on, let’s get it out, di ba? Ano bang dapat gawin?’

“Wala na yung pa-cry-cry. ‘Oh, my gosh! How could this happen?’ Wala siyang ganyan.”

Sabi raw ni Zsa Zsa kay Dra. Belo, sa mga pinagdaanan nito kay Dolphy, kailangan pa ba niyang kuwestyunin bakit inabot niya ito?

Nagtanong lang daw ang Divine Diva paglabas ng clinic. Pero kinabukasan, okay na raw ito at tanggap na tanggap ang mga pangyayari.

Sabi ni Dra. Belo, “Ang nakaka-admire about Zsa Zsa, kahit anong nangyari, nakikita niya yung bright side na, kunwari sasabihing cancer, ang nakikita niya, ‘Buti na lang naagapan. Buti na lang stage 1 lang, di ba?’

“Hindi na siya nag-aano na nega, iiyak ako dito kasi cancer.

“Tapos ang doctor, ang galing ng doktor, buti na-diagnose.”

Nai-inspire daw si Dra. Belo sa katatagan ng kaibigang singer-actress.

GUIDANCE FROM DOLPHY. Napabilib din ang comestic surgeon kay Zia, na hindi raw hinihiwalayan ang ina.

Kahit tumayo lang daw si Zsa Zsa, nandiyan daw agad si Zia para alalayan ito, at hindi raw niya ito hinihiwalayan ng tingin.

Tingin din ni Dra. Belo, ang isa pang nagpapalakas kay Zsa Zsa ay ang pagmamahal nito kay Dolphy.

Naniniwala siyang ginagabayan ng yumaong Comedy King si Zsa Zsa.

“You know, she has a tattoo here [sabay turo sa may kamay].

“Ang ginagawa niya, nira-rub niya ito, tapos ‘I love you, Lovey.’ Na feeling niya, nandiyan si Dolphy."

"Lovey" ang term of endearment nina Zsa Zsa at Dolphy.

Sabi pa ng doktora, “Tapos, she’s always praying. And the way she prays, she’s just talking to God, ‘Thank you, God. Thank you, Lord. Ganun lang ‘yan palagi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ZSA ZSA’S OPERATION. Ayon kay Dra. Belo, sa August 27 ang schedule ng operasyon ni Zsa Zsa. Halos tatlong oras daw aabutin ito.

Kaya raw babalik siya ng Amerika para samahan si Zsa Zsa sa pagpapaopera.

Pito hanggang sampung araw ang recovery ni Zsa Zsa sa hospital.

Babalik daw si Zsa Zsa ng bansa, pero hindi pa ito puwedeng bumalik sa trabaho kaagad dahil kailangan nito ng dalawang buwang pahinga.

Sabi ni Dra. Belo, “The doctor said, stage one lang ito and 90 percent of the patients that have this will go on to survive and have a normal life.

“So, we’ll just pray she’s in the 90 percent.

“But, of course, there’s always complication. In any surgery, many things can happen.

“So, please continue to pray for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN