Ynna Asistio says she was robbed of P380,000 by ATM hacker

Nawalan umano ng P380,000 ang young actress na si Ynna Asistio dahil may nag-withdraw sa kanyang ATM nang hindi niya nalalaman. Iti-trace naman daw ng BDO ang posibleng pag-hack sa card ni Ynna, pero wala raw assurance ang bangko na maibabalik ang pera.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Ynna Asistio sa presscon ng Sana Ay Ikaw Na Nga noong Huwebes, August 23.

Dito ay naikuwento ni Ynna ang tungkol sa pagkawala ng pera niyang nagkakahalaga raw ng P380,000, sa pamamagitan ng pagha-hack diumano sa kanyang ATM (Automated Teller Machine) card.

Noong August 7 daw idineposito ni Ynna ang kanyang pera, na nagkakahalaga ng lampas P500,000, sa St. Ignatius branch ng Banco De Oro.

Noong August 10 naman daw itong nagsimulang mawala.

HACKER. Sino ang nag-withdraw ng pera niya?

Sagot ni Ynna, “Hindi po namin alam, tapos under investigation po siya sa BDO kung sino nga yung hacker.

“Kasi po, malalaman lang thru CCTV [closed-circuit TV] nung mga winidrohan kung kilala ko o hindi.

“Kaya lang, imposible po na kilala ko kasi nasa akin nga yung ATM card.”

Paliwanag pa ng anak nina Nadia Montenegro at Boy Asistio, “Ang nangyari nga po is na-duplicate yung ATM card ko.

“Meron na daw pong ginagamit na device ngayon na ’pinapasok lang dun sa ATM, sa machine, paglabas ng card, kopya na lahat yung details.

“Bale thirty-eight transactions in a span of one week, hindi ko alam kung paano nangyari.

“Ten thousand [pesos], thirty eight times—ten thousand…

“And then, kanina lang po, talagang pumunta na kami sa BDO para malaman namin, kasi hindi kami matahimik, siyempre po.

“Hanggang ipinakita nila lahat ng transactions, mga unauthorized transactions… through ATM talaga.

“Lahat ng ibang klase ng bangko, pinuntahan para mag-withdraw.

“Pero mukhang magaling po talaga yung gumawa kasi kitang-kita mo sa record na parang ang ginagawa niya, iba-block niya yung…

“Pagkatapos niyang kunin, iba-block niya yung card ko, tapos the next day, gagamitin niya ulit.”

Hindi ba may CCTV ang mga ATM machines?

“Opo, kaya iyon ang habol namin.

“Sabi po nila na-compromise yung card ko... na-compromise daw nung July 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, nangyari yung sampung pagwi-withdraw, August 10 to August 16.”

THE MISSING MONEY. Hindi niya napansin na nababawasan ang pera niya?

“Hindi po. Kasi nung time na yun, stranded kami sa hotel dahil nabaha kami,” sabi ni Ynna.

May natira raw sa pera ni Ynna na P149,000.

“Pero iyon nga po… Nung time na nalaman ko na one hundred forty nine thousand na lang po, tumawag na ako agad.

“Sabi ko, paki-block nila.

“Pero sayang yung tatlong araw, kasi nga, tawag ako nang tawag sa BDO, hindi ko ma-access yung card ko.

“Ang sagot, ‘Try again tomorrow, try again tomorrow.’

“So, sayang yung tatlong araw na sana na-save ko pa.

“Sayang yung tatlong araw sana nakapag-save pa ako ng one hundred thousand.”

Hindi na ba maibabalik ang pera niya?

“Wala po silang assurance na sinasagot sa akin.

“Sabi nila, they will do the best they can para ma-trace kung sino yung hacker.

“Pero mahirap nga po. Kagaya ngayon, August 23, tapos nangyari yung transaction, August 10 to 16.

“So, kailangan nilang puntahan lahat nung bangko.

“Pero in-assure naman nila na hindi ko kasalanan.

“So, ang ano lang, na sana gawin nila lahat, na mabalik lahat yung pera ko.”

THE NEXT STEP. Kung hindi magagawan ng paraan, ano ang hakbang na gagawin ni Ynna?

“Siyempre, I will fight for it kasi hindi naman biro yung nawala sa akin and pinaghirapan ko naman po iyon—I worked for it po.”

Kahit daw ang singer na si Christian Bautista ay nakaranas na ng ganitong klaseng insidente.

Ayon kay Ynna, “Sabi ko po, ang inaano ko, credit card kay Christian Bautista, di ba?

“Pero yung akin, ATM na kailangan mo ng PIN.”

May nakatuklas kaya ng PIN number niya?

"Hindi po, e. Parang iniba na din yung PIN kasi every attempt [ko] po, ’PIN rejected,’" malungkot na sabi ng GMA-7 talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN