Jace Flores scraps plan to sue transgender who claimed they had an affair

Jace Flores on life after Survivor Philippines: “Kahit hindi ako nanalo, I still feel na para akong nanalo. Never akong nabakante, never... So, parang nilalaro ko yung parehong mundo—may hosting ako, may acting din ako. So, masaya siya, masaya. Tsaka the longer and the more I’m doing this, mas nagiging passionate ako.”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa actor-TV host na si Jace Flores, kanyang ipinaliwanag kung bakit hindi niya itinuloy ang pagdedemanda sa isang transgender na nag-audition noon sa Protégé.

Ito ay may kinalaman sa alegasyon ng isang Jerrich Divinagracia na may nakarelasyon daw siyang tatlong dating reality-show contestants.

Nauna nang lumabas ang pangalan ng StarStruck alumnus na si Martin Escudero na nakarelasyon diumano ni Jerrich. Pero mariin itong itinanggi ng ngayo’y Kapatid young actor.

(CLICK HERE to read related story.)

Bukod kay Martin at isa pang reality-show alumnus, ang isa pa raw tinutukoy ni Jerrich ay ang dating castaway ng Survivor Philippines na si Jace.

CHANGE OF PLANS. Bakit hindi itinuloy ni Jace ang paghahain ng reklamo laban sa transgender?

Paliwanag ng Kapuso talent, “Bigla na lang siyang… e, kasi may mga nagsabi rin naman sa akin na hindi naman niya binanggit ang pangalan ko on-air, tapos bigla na lang siyang nawala.

“Kung tinuluy-tuloy niya yun, na kung talagang pinanindigan niya na ang mga kung anu-ano pang interviews, talagang itutuloy talaga siguro namin yung demanda.”

Nakausap ng PEP si Jace sa presscon ng kinabibilangan niyang afternoon soap sa GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, noong August 23 sa Excess Superclub sa may Timog Avenue, Quezon City.

Kung hindi naman pala nabanggit ang pangalan niya, bakit siya nasangkot sa isyu?

“Actually, ang nangyari kasi niyan, parang… isang umaga, may nag-tweet sa akin—nagtatanong kung totoong may nakarelasyon ako na isang transgender.

“Natawa lang ako.

“Ngayon, nung bandang hapon na, may tumawag sa akin na reporter—which is my co-host, kaibigan ko—si Jun Veneracion.”

Si Jun ay kasamahan ni Jace sa GMA News Channel magazine show na Best Men. Ang isa pa nilang co-host dito ay si RJ Ledesma.

“Sabi niya sa akin, ‘May kumalat na parang may nakarelasyon ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, medyo sineryoso ko na. Sabi ko, ‘Hindi nga, totoo ba ito?’

“Yun pala… ang sabi sa akin, parang on-cam, hindi niya binanggit ang pangalan ko.

“Pero off-cam, binanggit niya yung pangalan namin ni Martin Escudero na naging karelasyon niya daw.”

Never pa raw nakita ni Jace ang naturang transgender.

“Hindi ko siya kilala,” diin niya.

INDECENT PROPOSAL. Hindi pa rin daw siya naligawan ng gay kahit kailan.

Sabi ni Jace, “Marami namang nagpaparamdam, sa Twitter, sa Facebook, pero siyempre hindi naman ako…

“I’m not homophobic. I mean, like… I just don’t entertain those kinds of things.

“Mas straight pa ako sa ruler!” natatawang sabi niya.

Nakatanggap na raw siya ng indecent proposal mula sa isang bading.

“Dati sa Facebook, may nag-message sa akin, sabi niya… ano siya, e, parang Bumbay na bading.

“Sabi niya sa akin, ‘I’ll give you two hundred thousand for one night.’

“Hindi ko na ni-reply-an kasi baka mabastos ko pa.”

Paano niya naging friend iyon sa FB?

“Siyempre nung nagsisimula pa lang akong mag-artista, kinu-confirm ko lahat ng mga fans na nag-a-add sa akin or nagme- message sa akin na, ‘Oh, I’m a fan, can I add you?’

“Siyempre, confirm-confirm."

LIFE AFTER SURVIVOR. Kumusta na siya pagkatapos ng Survivor Philippines?

Sagot ni Jace, “Kahit hindi ako nanalo, I still feel na para akong nanalo.

"I mean, tuluy-tuloy. Never akong nabakante, never.

“Kumbaga, nare-recognize ako sa entertainment, nabibigyan ako ng tuluy-tuloy na show.

"Tapos nare-recognize ako sa News and Public Affairs.

“So, parang nilalaro ko yung parehong mundo—may hosting ako, may acting din ako.

“So, masaya siya, masaya.

“Tsaka the longer and the more I’m doing this, mas nagiging passionate ako.”

Si JC Tiuseco ang winner o Sole Survivor sa pinakaunang season ng Survivor Philippines, kung saan nakasali si Jace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkaibigan pa ba sila ni JC?

“Friends kami, pero hindi kami nakakapag-usap. Bihira lang kasi kaming magkita ni JC.

“Pag nagkikita kami, nag-uusap kami, hello-hi.”

Sino ang manager ni Jace?

“My manager is GMA Artist Center. Pero this September, magmi-meeting kami with Rams David," banggit niya.

Si Rams ay dating program manager sa Kapuso network.

Dagdag ni Jace, “Actually, siya yung nagbigay sa akin ng break, 2008, sa Luna Mystica.

“Tapos, ever since then, talaga sinasabi ko sa kanya, ‘Sana, gusto ko ikaw ang maging manager ko.’

“E, ngayon lang magtatapos yung contract ko with Artist Center, this October.

“So malamang mag-co-manage na ang Artist Center at si Rams.”

Kumusta naman ang personal na buhay ni Jace? May girlfriend ba siya ngayon?

Sabi niya, “My personal life is doing good.

“My girlfriend is non-showbiz, one year and seven months na kami. Ano siya, she’s a graduate of Nursing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN