John Prats happy being friends now with ex-girlfriends; hopes to be friends too with recent ex Bianca Manalo

John Prats says he recently became friends again with ex-flames Heart Evangelista and Shaina Magdayao. He wishes to do the same with recent ex-girlfriend Bianca Manalo. “Siyempre naman gusto kong maging magkaibigan kami," John says about Bianca.


Matapos ng breakup nila ni Bianca Manalo, kapansin-pansin ang sunud-sunod na mga proyektong pinagkakaabalahan ngayon ni John Prats.

Regular siyang napapanood sa Sunday noontime show na ASAP 2012, sa weekly gag show na Banana Split, at parte rin ng daytime soap na Angelito: Bagong Yugto, kung saan kapareha niya si Kaye Abad.

Bukod sa magandang itinatakbo ng kanyang showbiz career, kapansin-pansin din daw na mukhang naka-move on na ang aktor sa paghihiwalay nila ni Bianca.

Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na nitong mga nakaraang araw pa lang nakaka-move on ang former beauty queen na ex-girlfriend ni John.

Kapapagupit lang daw kasi ni Bianca. Palatandaan umano na handa nang kalimutan ni Bianca ang nakaraang pag-ibig at magsimula ng panibagong chapter ng kanyang buhay.

Hiningan tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainmenty Portal) ng reaksyon si John tungkol dito.

“The last time na alam ko, nung kami pa ni Biancs, plano niya talagang magpaiksi because of a hair endorsement, na kailangang mahaba ang hair niya, ‘tapos after a few months iiklian talaga.

“Yun ang alam ko. Di ko naman inisip na ganun,” sabi ni John nang makausap ng PEP sa backstage ng ASAP 2012 nung nakaraang Linggo, August 19.

“Basta ako, wini-wish ko sa kanya is happiness. Ang gusto ko lang ay maging masaya siya,” dagdag pa ng 28-year-old na aktor.


HAPPY SINGLE JOHN. Obserbasyon pa ng marami, sa kanilang dalawa ni Bianca ay mas mukhang naka-move on na agad sa breakup si John. Mas masaya raw kasi ito, kaysa kay Bianca.

“Hindi naman sa ganun,” pakli ni John.

“Marami nga ang nagsasabi sa akin na sa Banana Split sobrang saya ko raw.

“Sabi ko nga, ‘Ano, sa Banana Split, iiyak ako?’ Hindi naman yun puwede dahil comedy ang ginagawa ko.

“Siguro ganun lang ako mag-handle ng problema. Lahat ng problema in a positive note, na ok lang ‘yan, ganyan talaga ang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes, you just have to accept, kaysa ma-stuck ka sa regrets mo. Walang mangyayari sa iyo.

“Saka siguro ganun talaga ako as a person, ine-enjoy ko ang trabaho ko, pamilya ko, mga kaibigan ko.

“Nag-e-enjoy ako sa mga maliliit na mga bagay, like spending time with my family, mag-pic with friends.

“Sobra lang akong saya, na parang...di ko alam, ngayon ko lang na-enjoy ang pagiging single ko.

“Nagagawa ko kung ano ang gusto kong gawin na wala akong iisipin kundi ang sarili kong schedule.”

Pero pagtatapat ni John, hindi naman laging masaya ang pagiging single.

Nakakadama rin daw siya ng kalungkutan paminsan-minsan, lalo na pag naiisip ang mga pinagdaanan niyang relasyon.

“Sa lahat ng relasyon na pinagdaanan ko, minsan dumating ako sa sobrang failure.

“Down na down ako, kasi I had so many relationships, but it didn’t work out.

“I felt bad before. Ang iniisip ko na lang ngayon, hindi ko pa nakikilala yung para sa akin, yung talagang swak kami.”

Sa ngayon, hindi niya raw muna iniisip na pumasok sa panibagong relasyon o ang maghanap.

“Walang hang ups, walang stress. Mas masaya ako nang ganito.

“Kung dumating, ok. Pero kung hindi, ok lang din,” sabi pa ni John.


WISHES TO BE FRIENDS WITH BIANCA. Ipinagtapat din ni John sa PEP na hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap ni Bianca.

Hiling nga niya, sana’y maging magkaibigan pa rin sila.

“Wala na kaming communication simula nung breakup."

Mayo ng taong ito naghiwalay sina Bianca at John.

“Siyempre naman gusto kong maging magkaibigan kami.

“Dati, hindi ako naniniwala na magiging kaibigan ko ang mga ex ko.

“But two months ago, naging friends kami ni Shaina. And last two weeks ago, nagkita kami ni Heart after eight to ten years!”

Unang naging girlfriend ni John si Heart Evangelista nung nasa Kapamilya station pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ni Heart ay si Shaina Magdayao naman ang naging kasintahan ni John.

“We were really ok, masaya siya, nag-reminisce lang,” sabi ni John tungkol kay Heart, na isa na ngayong Kapuso talent.

“Dun ko nasabi sa sarili ko, puwede palang maging magkaibigan ang mga mag-ex.

“Yun ang pinakamasayang nangyari sa akin,” nakangiting pahayag ni John.

Sa kanilang dalawa naman ni Shaina, tila nabunutan daw si John ng tinik sa dibdib nang muling maging kaibigan ang ex-girlfriend at ASAP 2012 co-host.

“Basta nagkausap kami through common friends, sina Nikki and Iya, which is ok, kasi nagbalik yung magbabarkada noon,” banggit pa niya sa mga kaibigang kasama rin sa ASAP 2012 na sina Nikki Gil at Iya Villania.

“Ngayon, ang sarap magtrabaho sa ASAP. Walang iniiwasan.

“Talagang nagbebeso pa kami, nag-aasaran pa kami, ‘Uy, friends na tayo.’

“Darating ka pala sa puntong tatawanan mo na lang at magpu-forgive ka na lang sa mga nangyari.”


NOT EVEN A DATE. Nabanggit na niya na ayaw niya munang pumasok sa isang relationship, pero kahit ba pagde-date ay hindi niya ginagawa sa ngayon?

“Mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang trabaho ko,” ani John.

“Ngayon wala pa akong nakaka-date, bukod kay Camille and Sam at sa aso ko.

“Siguro ine-enjoy ko yung time ko sa sarili ko.”


CAMILLE AND SAM. Nabanggit na rin lang niya ang kapatid na si Camille Prats at si Sam Milby, hiningan na rin ng PEP ng komento si John tungkol sa pagkaka-link sa isa’t isa nina Camille at Sam.

“Natatawa nga silang dalawa,” sabi ni John.

“Naging very close kami ni Sam. So, naging close na rin siya sa family ko, especially kay Camille.

“Nakakatawa na nabibigyan ng kulay, and never naming sineryoso yun.

“Minsan, pumunta kami sa isang place na maraming press, ang sweet pa nila. Nangti-trip ng press.

“Sira-ulo si Camille, sira-ulo yung dalawa, parang ako ang third party. Tinatawanan lang namin,” kuwento pa ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, kung saan masaya si Cams. Kilala ko rin naman si Sam.

“Bahala sila, matatanda na sila.

“Ang secret sa buhay, you just have to find happiness,” aniya pa.



HIS ANGELITO CHARACTER. Tumatatak ang character ni John na Raffy Montano sa seryeng Angelito: Ang Bagong Yugto sa mga manonood.

Masaya naman si John na tanggap at suportado ng publiko ang karakter niya, at pati na rin ang balitang mas tumaas daw ang ratings ngayon ng nabanggit na serye.

“Nung una, kinabahan ako. Kasi ako yung huling pumasok sa Book 2. So, ang laki ng kailangan kong punuan.”

Ang Angelito: Ang Bagong Yugto ay ang “Book 2” o second season ng 2011 daytime drama na Angelito: Batang Ama ng ABS-CBN, na pinagbibidahan ni JM de Guzman.

Isa si John sa mga bagong character sa second season, na pinamamahalaan muli ng mga direktor ng unang season, na sina Theodore Boborol at Neal Felix del Rosario.

Pagpapatuloy ni John, “Four years ago pa yung last na nag-drama ako.

"Kasama sina Direk Ted, Kaye, JM, sobrang napadali yung pagbabalik ko sa drama.

“Ang dami pa nilang dapat abangan sa Angelito.

“Lalaki pa ang tiyan ni Jenny. Di pa ito alam ni Angelito na siya yung ama,” banggit ni John sa character ni Kaye na Jenny at sa character ni JM na Angelito.

“Kailangan ding abangan kung matutuloy ba ang kasal namin ni Jenny.”


BLESSED FOR STILL BEING AROUND. Sa nangyayari ngayong smooth na takbo ng career ni John sa showbiz, naniniwala ba siya sa kasabihan sa industriya na kapag suwerte sa career ay malas naman sa love, at vice versa?

“Ako, siguro suwerte lang talaga.

“Sinasabi ko nga kay Sam, sobrang blessed ako. Kasi after twenty years, I’m still here.

“Hindi naman lahat ng artista, nabibiyayaan ng ganito katagal na time and yet successful na nagagawa mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sikreto dun, mahalin mo ang ginagawa mo, ang mga fans mo.

“Ako kasi, nagtatrabaho ako para sa kanila, sila ang inspirasyon ko,” pagbibigay-pugay ni John sa kanyang fans.

“Nakakatuwa na nae-entertain sila sa ginagawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN