Jim Paredes on I Do Bidoo Bidoo: “I think it will show that there’s enough material within the Philippine repertoire to be able to do a stuff like this.”

“It only confirms that we were right all along to have done OPM. It’s a career decision na tama—Go OPM! Go original! Write your music like you didn’t care. Huwag titingin ng sales report. Ganoon kami, e, kaya medyo reckless,” says Jim Paredes about his now-retired group APO making the fateful decision to do OPM or Original Pilipino Music. APO’s songs are featured in the musical-comedy film I Do Bidoo Bidoo.&l


Sa mga miyembro ng APO Hiking Society, Si Jim Paredes lang ang nakadalo sa ginanap na grand press conference ng musical-comedy film na I Do Bidoo Bidoo, sa Max’s Restaurant, noong Huwebes ng tanghali, August 23.

Sina Danny Javier at Buboy Garovillo ang dalawa pang miyembro ng APO. Ang mga awitin ng grupo ang ginamit sa musical-comedy movie na pinangungunahan nina Eugene Domingo, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.

Bakas sa mukha ni Jim ang kasiyahan, base sa mga feedback ng mga nakapanood na ng ilang advanced screenings ng pelikula at ilang reviews ng entertainment press.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon ni Jim sa pagkakagamit ng pelikula sa kanilang mga awitin.

“It’s really amazing,” simula ng 60-year-old singer-composer.

“Kasi yung APO had a run for forty-one years. Saka it’s a great experience for us.

“Then, noong ma-meet ko si Chris Martinez at Tony Gloria, they understood what music is all about,” banggit pa ni Jim kay Direk Chris at sa may-ari ng Unitel Productions na siyang nag-produce ng I Do Bidoo Bidoo.

“Naiintindihan nila ang integration ng music namin sa contemporary life, naging soundtrack talaga.

“So, parang when they asked us to do the project, I said, ‘Sure.’ Sabi ko, ‘That’s really great.’”

Kahit daw sina Danny at Buboy ay natuwa sa paggamit ng pelikula sa mga awitin ng APO.

“We all feel the same way. Yung una, ang worry lang namin, may integrity ba ang production?

"Although, Tony Gloria, he made Crying Ladies. Then, Tony said pa, ‘Hindi ako gagawa ng pelikulang hindi ko gusto.’

“So, what can go wrong?”

Crying Ladies ang 2003 Mark Meily movie na pinagbidahan nina Sharon Cuneta, Hilda Koronel, at Angel Aquino. Ang critically acclaimed film, na naging patok din sa publiko, ay prinodyus ng Unitel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakuha ito ng labing-anim na nominasyon at tatlong panalo mula sa iba’t ibang local award-giving bodies na tulad ng FAMAS, Film Academy of the Philippines, Gawad Urian, at sa sinalihan nitong 2003 Metro Manila Film Festival, kunsaan nakamit nito ang parangal na Best Film.

Naisip ba ni Jim na mangyayari sa grupo nila ang ganitong klase ng pagbibigay-pugay sa kanilang musika?

“Akala ko, pag patay na ‘ko.

“Kasi, not even the Beatles were able to see a movie about the Beatles. Well, not their own movie, you know,” banggit pa ni Jim sa legendary British band na sumikat nung 1960s.

Ginawan na ng iba’t ibang dokumentaryo para sa TV ang Beatles at pinagkuhanan ng musika para sa ilang Hollywood movies, pero hindi pa nagagawan ng pelikulang magpo-focus talaga sa sinasabing the most influential band of the 20th century, ayon sa mga kritiko at iba pang mga musikero.



OTHER ATTEMPTS TO DO APO MUSICAL. Ayon pa kay Jim, hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na may nag-attempt na gamitin ang mga kanta ng APO para sa isa pang field ng production.

“People approached me for theater. Then sabi ko, ‘Show me a script.’

“I won’t say yes to anything na ano... Nagbigay ng storyline. Pero storyline lang ito, but show me who’s behind this, sino ang musical director…everything.

“I think, kung hindi ka ganoon kaseryoso, huwag na muna tayong mag-usap,” sabi raw niya sa nag-approach sa kanya.



INVOLVEMENT IN THE MAKING I DO BIDOO BIDOO. Nakialam ba ang APO habang ginagawa ang I Do Bidoo Bidoo?

“Hardly,” sagot ni Jim.

“All I did was listen to the recording and directed some lyrics. And then, I added about Panalangin…that was it.

“Ganoon ako, e. If somebody wants to record my song, at nagkaintindihan na kami that they can record it, I want them to bring the song to a place where I have not brought it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, para talagang may creative spirit sila. Hindi yung parang sinasanto. Mas gusto ko nga na sinu-surprise ako.”

Excited na nga raw siya, pati na rin sina Buboy at Danny, na mapanood ang I Do Bidoo Bidoo. Hindi pa nila napapanood ang pelikula nung makausap ng PEP si Jim.



ON APO REUNION. Nung 2010 opisyal na binuwag na nina Jim, Buboy, at Danny ang APO.

Isang beses lang silang muli nag-perform bilang grupo, at ito ay sa inauguration ni Presidente Noynoy Aquino nung taon ding iyon.

Pero kahit wala na ang grupo, nanatili ang impluwensiya ng kanilang mga kanta hanggang ngayon.

“We said we want to do something else na solo-solo,” sabi ni Jim tungkol sa kanilang pagbuwag ng APO.

“But you know, I guess, kumapit yung songs namin sa contemporary culture. So, parang I’m not complaining. I’m very happy about it.”

Wala na ba talaga silang planong buuin muli ang APO?

“We have no plans of…well, I’m not saying we’ll never get back together, but there are no plans, really.

“And it wasn’t a gimmick to end. It was really an end. But ako, I came up with an album, solo album ten months ago.”

Ini-release ni Jim ang kanyang ikalawang solo album na Laro nung nakaraang taon, 15 years mula nung una niyang solo work na Ako Lang.

Si Buboy naman, naging full-time sa acting, habang si Danny ay sa kanyang T-shirt business at consultation firm.

Kamakailan ay bumalik na rin sa TV acting si Danny nang maging miyembro ng cast ng TV5 adaptation ng komiks novel na Bangis.

Kung sa acting na mas aktibo sina Buboy at Danny, sa musika pa rin naman mas involved si Jim.

“I’m still doing solo concerts and I’m gonna do one sa October 11, sa Resorts World. It’s called Live, Laugh, Sing. Parang Eat, Pray, Love ng ordinary person,” banggit pa ni Jim sa nobela naman ni Elizabeth Gilbert nung 2006 na ginawa ring pelikula nung 2010 starring Julia Roberts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RIGHT IN DOING OPM. Muling inusisa ng PEP ang posibilidad ng pagbuo muli ng APO, lalo na ngayong may panibagong pag-usbong ng interes sa musika nila dahil na rin sa I Do Bidoo Bidoo.

“Not right now, but it only confirms that we were right all along to have done OPM.”

Ang tinutukoy ni Jim ay ang “Original Pilipino Music” na naging katawagan na sa musikang sariling-gawa ng mga Pilipinong musikero.

“It’s a career decision na tama, go OPM, go original. Write your music like you didn’t care. Huwag titingin ng sales report.

“Ganoon kami, e. Kaya medyo reckless,” pagbabalik-tanaw ni Jim sa naging istilo nila noon ng paggawa ng kanilang mga awitin.



I DO BIDOO BIDOO’S EFFECT ON LOCAL MUSIC. Nung 1980, ipinalabas sa mga sinehan ang Mike de Leon musical-comedy movie na Kakaba-kaba Ka Ba? starring Christopher de Leon, Charo Santos-Concio, the late Jay Ilagan, at Sandy Andolong.

Hindi man ang I Do Bidoo Bidoo ang unang musical-comedy na gawang-atin, naniniwala si Jim na malaking bagay para sa music industry ang ginawa nito.

“Because ang experience ng Filipino sa musical movie is only foreign. Wala tayong experience na talagang atin.

“I think it will show that there’s enough material within the Philippine repertoire to be able to do a stuff like this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN