PEP FORUM: OPM artists talk about their personal heroes

(L-R) Color It Red vocalist Cookie Chua, Bossa nova chanteuse Sitti, Imago singer Aia de Leon, acoustic artist Nyoy Volante, and OPM veteran Ramon Jacinto talk about their music’s unsung heroes.


Sa tuwing dumarating ang huling Lunes ng Agosto, ginugunita ng mga Pilipino ang Araw ng mga Bayani.

Pumapasok sa isipan ang mga pangalang Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gabriela Silang, at iba pang mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayan.

Subalit sa pagbubuwis nga lang ba ng buhay nagiging bayani ang isang tao? Wala bang buhay na personal heroes?

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang Original Pilipino Music (OPM) artists sa ginanap na RJ 100 The Greatest and Latest Face-off sa Tiendensitas Food Village nung Sabado, Agosto 25.

Nagbanggit sila ng kanilang personal heroes na buhay pa’t nananatiling inspirasyon sa kanila.

Kabilang sa mga kontemporariyong musikero na nasa nabanggit na event ay sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Noel Cabangon, Sitti, Nyoy Volante, Aia de Leon, at Cookie Chua.

Nakipagtugtugan ang mga musikerong ito sa radio host at businessman na si Ramon "RJ" Jacinto.



MUSICIANS FOR THE COUNTRY. Tinitingala ng vocalist ng bandang Color It Red na si Cookie Chua ang ilan sa mga kasamahan niyang OPM artists.

Wika ng singer-mother na si Cookie, “Siguro personal hero ko ay mga musikero katulad nina Lolita Carbon, Gary Granada, Bayang Barrios...

"Kasi hindi lang nila ako tinuruan about music, pero about life din—value for life, maging involved sa mga issues and i-relate mo siya through music.”

Kilala ang mga nabanggit ni Cookie sa paggamit ng musika para sa kanilang mga isinusulong na adhikain para sa bayan.

Ang pagiging involved ng mga musikerong ito sa mga isyung may kinalaman sa bayan ay nagsisilbing inspirasyon kay Cookie.

“Sina Lolita, Gary, Noel Cabangon, Joey Ayala, Bayang, they also compose songs na- related to being a Pinoy.

“Kaya nga ako napu-frustrate kasi hindi sila naaalayan ng tamang attention that they deserve.

"Kasi sila nga yung nagsusulat na may mga messages na akmang-akma sa ating mga Pinoy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dadgdag pa niya tungkol sa mga kaibigan, “Or kahit yung mga personal na bagay kahit pag nag-iinuman kami, nagkukuwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay, mga lovelife….yung knowledge or wisdom na sa pag-share nila nga experiences with me, yun na ang lesson.”



FANS AS HEROES. Mahalaga naman para sa Bossa Nova Queen ng bansa na si Sitti ang kanyang mga fans.

Pero natatawa munang panimula ng 27-year-old singer, “Ang naiisip ko either Gabriela Silang or Melchora Aquino!

“Kasi ako, my heroes are my fans, e. Kasi they save me.

"I think every artist, there comes a point in an artist’s life, where she loses belief in herself."

Kaugnay rito, matatandaang binanggit ni Sitti sa isang nakaraang panayam ng PEP na mayroong limitasyon ang kanyang genre. (CLICK HERE to read related story.)

Nakangiting pagpapatuloy ni Sitti, “So, everytime I hit rock bottom, someone talks to me and tells me to keep singing, ’Keep singing, keep singing!’ So, yun, they save me.”

Nabanggit din ni Sitti na sa labas ng kantahan at ng kanyang mga gig ay nakikipag-bonding siya sa malalapit niyang fans.

“We do have a core group of the fans. We do a lot of activities outside singing, outside the gig.

"Ok din para medyo solid yung foundation namin together.”

May isang beses ding nakipag-collaborate ang singer sa isang fan.

“There was one time when one wrote a song for me and we worked on it. It happened one time pa lang. Hopefully, mangyari uli.”


MY FATHER. Para sa acoustic singer na si Nyoy Volante, naging inspirasyon niya sa buhay ang kanyang amang si Oliver.

Saad nito, “Marami akong tinitingala, marami akong iniidolo, marami akong hero sa buhay ko.

“Of course, if there’s someone na hero ko talaga, it’s my dad, siyempre.

“He’s always been there from the start. Hindi mapapantayan ng kahit na sinong idolo mo yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He taught me everything, even if marami ka nang alam, in some areas. Yung puso on the matter, sa kanya mo nakuha yun, e.”

Bagamat hindi raw musikero ang kanyang ama, sinuportahan nito ang hilig niya.

Sabi pa ni Nyoy, “He’s not a musician, he appreciates music.

“He sings a little, pero yun na nga yung sinasabi ko, medyo mas angat ako sa kanya pagdating sa intellect in music or terms.

"Kung anu-ano pa sa ginagawa ko ngayon, kasi hindi niya larangan yun, pero his take on the matter, mare-respect mo talaga.”

Ano ang pinakamahalagang bagay na naituro sa kanya ng kanyang ama?

“Being a good person is never wrong. Kahit ano pa mangyari sa ’yo, kahit ilagay ka pa niyan sa panganib, being a good person will always be a good thing.”



MY MOTHER. Hindi na nagdalawang-isip pa ang Imago lead vocalist na si Aia de Leon nang tanungin siya ng PEP kung sino ang kanyang bayani sa buhay.

Malambing ang boses ni Aia nang sumagot, “My personal hero is my mom.

"Number one, my mom. Kasi she really struggled to bring me to a place wherein I can ask the better questions in life.

“Grateful ako sa kanya kasi she provided an opportunity for me to have a good education and to believe in myself.”

Isang business woman ang ina niyang si Arelene.

Sinabi pa ni Aia, “My mom has always been for what you want, for what I wanted.

“I’m grateful that she allowed me to want what I want.

"She trusted me enough to know that what I want is a good thing. It was my mom who was the more encouraging one.”

Bukod pa sa kanyang ina, tinitingala din niya si Jose Rizal.

Naniniwala si Aia na mahalaga sa bayan ang mga pambansang bayani na katulad ni Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We need more people like him, actually. One who is well-rounded, one who is concerned with God and country, and who is concerned with excellence.

“Example talaga siya for every Filipino. What to strive for as a citizen of this country, for this place to become a world class place.”



I KNEW NINOY. Ibinida naman ng singer-entrepreneur na si Ramon Jacinto ang kanyang mga personal na bayani sa buhay.

“In terms of our country, si Ninoy Aquino, siyempre.

"In terms of life, si Jose Rizal because he could paint, he could do anything, he could write poetry.

"I didn’t know him but I knew Ninoy Aquino.”

Ibinahagi ni RJ na naging magkaibigan sila ni Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr., ama ng kasalukuyang presidente ng Pilipinas at isa sa mga taong naging instrumental para magising ang mga Pilipino at kumawala mula sa diktaduryang Marcos.

“I can say that he was the only one who was willing to face the dictator and risk his life.

"And I was with him when he said, ‘I’m going home to start the spark,’” pagbabalik-tanaw pa ni RJ.

“We knew each other before martial law, when he was a Senator. And then, we did not agree with Marcos so Marcos went after us. We were together in exile.”

Si RJ ay isa sa maraming Filipino businessmen na naapektuhan ng martial law na ibinaba ni Presidente Ferdinand E. Marcos nung 1972.

Pag-alala pa ni RJ sa kanyang kaibigan, “He was so nice to be with. So light.

"Nagbibiruan nga kami palagi, e. Talagang mabait, saka sincere.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN