Rufa Mae Quinto says she’s happy even without a lovelife; refers to showbiz as her boyfriend

“Siyempre, kailangang may inspirasyon ka, di ba? Kaya lang kasi, ang show business, parang naging boyfriend ko na rin siya, e. Kasi araw-araw kong pinaghahandaan, pinagpapagandahan, pinagpapaseksihan, pinag-a-outfit-an! Ha-ha-ha!” says Rufa Mae Quinto about her lovelife.


Excited si Rufa Mae Quinto ngayong natapos na niyang i-shoot ang pelikulang Ride To Love.

Tampok din sa pelikulang ito sina Iza Calzado, Eddie Garcia, Boots Anson-Roa, at ilan pang batikang artista.

Umiikot sa MRT ang kuwento, na sa bawat paghinto sa isang istasyon ay may istorya.

Katambal ni Rufa Mae ang Brazilian model na si Fabio Ide sa isang episode.

Tungkol nga rito ang una niyang naikuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panayam sa kanya nung Huwebes, August 23, sa compound ng GMA Network.

“Parang ang haba ng hair ko sa movie na ito!” natatawang sabi niya.

“Tapos parang first time ko na nagkaroon ng kissing scene na seryoso.

“Buti naman, barkada ko si Fabio. ‘Tapos very professional siya. So… masaya!

“Nag-practice kami nang nag-practice sa kissing scene talaga!” tawa uli ni Rufa Mae.

“Naging kaswalan, e. Kasi kailangang cinematic.

"E, ako before, comedy ang dating ng mga ginawa kong kissing scene.

“’Tapos si Fabio, first time. So, hindi niya alam kung papa’no yung eksena naming dalawa.

“Medyo may kaba. Pero bandang huli, mas inuna na namin yung professionalism na mas maging maganda ang dating sa screen.

“Na kailangan…todo na talaga!”

Hindi ba’t na-link na siya kay Fabio before? Hindi kaya matsismis na naman sila?

“Oo nga, e,” sang-ayon ni Rufa Mae.

“Pero hindi. Barkada lang naman si Fabio, e.

“Marami naman akong barkadang lalake,” katuwiran pa niya.

Bukod sa pelikula with Fabio, ginagawa rin niya ang pelikulang Mirriam, Ang Babaeng Huling Henyo, kung saan siya ang nasa title role.

“Kung Booba ako noon, ngayon naman ay pinakamatalinong babae naman ako!” banggit pa ni Rufa Mae sa character niya sa kanyang 2001 comedy film na Booba.

“Todu-todong talino naman ako sa pelikulang ito. Pinakamatalino sa balat ng lupa. Na.. last na, wala nang ibang tatalino pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung isa pa, yung Lola Basyang. Entry naman ito for December MMFF,” pagtukoy nito sa Metro Manila Film Festival.



KAPUSO OR KAPATID? May mga naguguluhan kung Kapuso ba siya o Kapatid.

Napapanood kasi si Rufa Mae sa Bubble Gang ng Siyete, pero kasama rin siya sa Enchanted Garden ng TV5.

“Kasi ganito ‘yan, nag-umpisa po ‘yan, nagpaalam ako na…di ba umalis ako sa Showbiz Central?” banggit ni Rufa Mae sa dating Sunday showbiz talk show ng GMA na pinalitan na ng HOT TV.

“So, ang show ko po ay Bubble Gang na lang dito sa Channel 7.

“Nagsabi ako kay Marivin Arayata na baka puwede naman akong mag-host sa Wil Time Big Time.”

Si Marivin Arayata ay ang Vice President for Entertainment ng GMA-7.

Gusto niya raw kasing i-try ang mag-host sa show na iyon ni Willie Revillame.

“Hanggang sa napatagal nga yung pagku-co-host ko sa Wil Time… na nag-enjoy ako, at ang GMA, hindi naman ako inawat.

“And then…siyempre hindi naman puwede na mangyari na mas marami pa akong show sa kabila, kesa sa GMA. So, isa-isa lang nang tanggap.

“After ng sa Wil Time, nagpaalam ako ulit para sa Enchanted Garden. Na ang plano e six weeks lang.

“And okey naman din sila,” sabi nito tungkol sa GMA management.

“I wanna work with different artists also. Kasi, I mean… I love GMA, I’ve been working for them for twelve years. Siyempre kami-kami na ang magkakasama, e.

“Pero gusto ko rin naman pong makatrabaho sina Sharon Cuneta.

“At nakapag-guest na nga ako sa talk show niya sa TV5.

“Si Willie Revillame nga. ‘Tapos sa Enchanted Garden, sina Ruffa, Alice, at Alex Gonzaga,” banggit pa niya sa Kapatid artists na sina Ruffa Gutierrez, Alice Dixson, at Alex Gonzaga.

“Masarap makipagtrabaho sa iba’t ibang artists.

“Pero I’m still a Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napapanood n’yo pa rin ako sa Bubble Gang. At mapapanood din ninyo ako sa Party Pilipinas.

“Pero gagawa pa rin po ako ng projects kung saan-saan.

“Parang movies, di ba? May Regal, may Viva…

“But siyempre, lahat yun, kailangang ipagpaalam muna nang tama.

Nagpapasalamat nga raw siya sa GMA-7, kahit na wala siyang contract dito.

“Wala akong contract sa GMA. Loyalty na lang, kumbaga, yung pinag-uusapan.

“At saka, hindi naman ako masyadong naniniwala sa contract.

“I mean… sa tagal ko na sa GMA, parang mas okey na walang kontrata. Na palagi lang kaming nag-uusap-usap.

“Bagets pa lang ako, sa That’s Entertainment na ako sa GMA.

“’Tapos nag-Ober da Bakod, at iba pang mga sunod kong mga shows.”

Naging member nga ng That’s Entertainment si Rufa Mae at napabilang pa sa cast ng GMA-7 sitcom na Ober Da Bakod, mula 1994 hanggang 1996.

“Hindi ako puwedeng mawala dito sa Kapuso Network. Feeling ko lang!” sabay bungisngis muli ni Rufa Mae.



SHOWBIZ AS BOYFRIEND. Sa sobrang abala niya sa kanyang career, may panahon pa ba siya para sa kanyang lovelife?

“Siyempre, kailangang may inspirasyon ka, di ba?

“Kaya lang kasi, ang show business, parang naging boyfriend ko na rin siya, e.

“Kasi araw-araw kong pinaghahandaan, pinagpapagandahan, pinagpapaseksihan, pinag-a-outfit-an! Ha-ha-ha!

“Basta! Showbiz-showbiz na lang muna.

“Happy naman ako kahit wala munang lovelife.

“Eighteen years na ako sa showbiz. At ang dami kong magagandang memories na naaalala sa panahon ng pagiging artista ko.”

Sinasabi niyang zero ang kanyang lovelife, pero bakit natsitsismis na nagkakamabutihan sila ng kasamahan niya sa Bubble Gang na si Boy 2 Quizon?

“Kasi close naman talaga kami.

“At saka may movie din kami na tinatapos, yung I Love Dakak, na reggae na musical movie.”



OFFERS TO ENTER POLITICS. Nabanggit din ni Rufa Mae na nagugulat daw siya na may mga nag-uudyok sa kanyang pumasok sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fairness, huh!” tawa ulit niya.

Pero wala naman daw interes si Rufa Mae. Aniya nga, “Showbiz nga ang gusto ko.

“So dito lang ako sa propesyong ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN