Aspiring singer Michael Pangilinan no longer irked by his elimination from The X Factor Philippines

“Ngayong nawala ang X Factor, dumating yung Walang Tulugan With The Master Showman, Party Pilipinas, taping-taping, mga shows, kaya sobrang nakakatuwa, na nakakawala ng inis at panghihinayang,” says eliminated The X Factor Philippines contestant Michael Pangilinan.


Naka-move on na raw ang 16-year-old aspiring singer na si Michael Pangilinan mula sa pagkaka-eliminate niya sa The X Factor Philippines ng ABS-CBN.

Kahit na nakapasok sa Top 20, hindi naman pinalad na makasali sa Top 12 picks si Michael.

Sa birthday show ng radio personality na si Richard Pinlac sa Zirkoh Morato, nung Sabado, August 25, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael at kinumusta nga ito.

“Ayun po medyo ok na, naka-move on na ako sa X Factor and marami namang biyayang dumadating,” sabi ng binatilyong tubong Pulilan, Bulacan.

“Siyempre yung mga opportunities na yun ay gina-grab ko na, kasi minsan lang naman sa buhay ng isang tao dumating yung ganyan.

“Kaya maraming salamat sa mga tumutulong sa akin, siyempre kay Lord, maraming, maraming salamat.

“Ok na ok na ako ngayon, after X Factor, no hard feelings,” dagdag pa ng alaga ni Jobert Sucaldito.

Pero ano ba ang naramdaman niya nung gabing iyon ng July 30, nang hindi napasama ang pangalan niya sa in-announce na Top 12?

“Noong una, nung unang sinabi po sa akin, nainis po ako.

“Parang nagalit ako sa sarili ko, sa mga tao… Sabi ko, ‘Ano ba’ng kulang?’

“Pero sa ano po, yung pinakahabol ko kasi dun ay isang round na lang, Top 12 na ako, e.

“Sayang talaga. Sobrang nakakapanghinayang po.”

BLESSINGS AFTER X FACTOR. Sa ngayon, naniwala naman daw si Michael na may ibang plano ang Diyos para sa kanya.

“Ayun po, si Lord kasi parang hindi naman gumagawa ng iba, kung walang kapalit.

“Pero mas masaya po ako ngayon kasi sobrang na-appreciate ng tao yung ginawa ko.

“Di naman ako nagagalit sa nakalaban ko, wala namang ganun.

“Pero ngayon po, pag sa mga tao kumakanta ako, natutuwa naman sila.

“Ngayong nawala ang X Factor, dumating yung Walang Tulugan With The Master Showman, Party Pilipinas, taping-taping, mga shows, kaya sobrang nakakatuwa, na nakakawala ng inis at panghihinayang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, parang sayang talaga. Pero may dumating, kaya ok lang pala. Kasi maraming dumating, mas marami.”

Isa na ngayon sa semi-regular performers si Michael sa weekly late night show ni German Moreno na Walang Tulugan With The Master Showman.

Paano ba siya napasok sa show ni Kuya Germs?

“Nagpunta po ako dun nung nag-guest ako ke Tito Jobert sa radio show niya sa DZMM, nag-guest ako dun.

“Tiyempo naman nanonood si Kuya Germs, nakita niya ako na kumanta dun.

“Pinatawag ako ni Kuya Germs kay Tito Jobert…ayan po.

“’Tapos si Kuya Germs po at si Tito Jobert ang nagpasok sa akin sa PartyPilipinas."

Nag-guest appearance si Michael sa Party Pilipinas kahapon, kunsaan nag-perform siya kasama ang Keso Boys na kinabibilangan nina Aljur Abrenica, Derrick Monasterio, Elmo Magalona, Jake Vargas, Kristofer Martin, at Steven Silva.

Pero sana raw ay maging regular din siya sa lingguhang noontime show na iyon ng GMA-7.

SINGING OR ACTING? Bukod sa singing, may balak din ba siyang pasukin ang acting?

“Actually, nag-taping po ako ng Maynila kaya medyo may experience na ako sa acting.”

Ang Maynila ang weekly afternoon drama ng GMA-7 na ipinapalabas tuwing Sabado.

“Pero siyempre po, gusto ko yung parang all-around, puwede sayaw, puwede acting, puwede singing…

“Ganun po yung gusto ko. Lahat po, gagawin ko para maging successful na tao.”

Kabilang sa mga iniidolo niya ay sina Jay-R at Janno Gibbs. Sa foreign naman ay ang R&B singer na si Brian McKnight ang idolo niya.

Sa ngayon ay graduating sa high school si Michael via home study sa isang eskuwelahan ng Pulilan, Bulacan, na pag-aari ng isang tiya niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN