Ogie Alcasid recalls weird iPod experience at the wake of DILG Secretary Jesse Robredo

Ogie Alcasid was about to sing at the wake of DILG Secretary Jesse Robredo when his iPod had a problem. “Sabi ko sa technician, ‘Pare, i-play mo na lang. Kapag hindi tumugtug o medyo garalgal yung tunog, kasi grounded daw, maga-a cappella na lang ako.’ Tapos dinasalan ko! Dinasalan ko talaga yung iPod. Sabi ko, ‘In Jesus’ name, tutugtog ka! Alam mo, tumugtog talaga!”


Natutuwang ibinalita ni Ogie Alcasid sa ilang press na sumalubong at bumati sa kanya kahapon, August 26, sa backstage ng Party Pilipinas, na excited na siya sa September Singapore trip with his wife Regine Velasquez and son Nathan.

Imi-meet kasi nila roon ang kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren at ang mga anak nilang sina Leila at Sarah.

Kasama rin ni Michelle ang mister nitong si ang Mark Murrow.

“Lahat excited!” ani Ogie.

“Si Misis, excited. Si Michelle, excited. Yung mga bata, excited.

“And si Nathan, siyempre wala pa siyang…Pero sa pakiramdam ko naman, excited din siya,” natatawang sabi pa ng singer-songwriter-comedian.

“I’m sure it’s gonna be ano… magandang reunion for us.

“Siguro isang milyong Instagram ang gagawin namin.

“Para makita ng mga tao ang pinaggagagawa namin!”

SINGING AT ROBREDO’S WAKE. Napunta naman ang usapan sa madamdaming pagkanta ni Ogie nung Sabado, August 25, sa wake ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo sa Malacanang.

Namayapa ang DILG secretary nung August 18, Sabado, dahil sa pag-crash ng sinasakyan niyang 4-seater private plane sa karagatang malapit sa Masbate Island.

Kasama niyang nasawi sa plane crash ang dalawang piloto ng eroplano na sina Captain Jessup Bahinting at Nepalese flight student Kshitiz Chand.

Nakaligtas naman ang aide ni Robredo na si P/Senior Inspector Jun Abrazado.

Matapos ang tatlong araw ng paghahanap sa ilalim ng dagat, natagpuan at naiahon ang labi ni Robredo nung August 21, Martes.

Sa August 28, Martes, ililibing si Robredo sa Naga City, kung saan siya ipinanganak at nagsilbing mayor mula 1984 hanggang 1998, at muli nung 2001 hanggang 2010.

Kuwento ni Ogie, nahilingan daw siyang kumanta sa burol ni Robredo sa Malacanang.

“Actually, may rehearsal ako para sa Party Pilipinas. Nakiusap ako na sana agahan ang rehearsal para makadiretso ako sa Malacanang. Kasi hindi ko puwedeng palagpasin iyon, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He is a great man. He is someone who we all admire.

“Ano ba naman yung kantahan ko ang pamilya niya?

“And, of course, to all the great things that Secretary Robredo has done for all of us.

“I sang ‘Hindi Kita Malilimutan’ because it was requested for me to sing.”

PROBLEM WITH IPOD. “Alam mo, may konting kuwento ako do’n,” sabi ni Ogie tungkol pa rin sa pagkanta niya sa lamay ni Secretary Robredo.

“Right before I was going to sing, may problema yung iPod ko. Ayaw tumugtog.

“So, I was ready to sing a cappella.

“Sabi ko sa technician, ‘Pare, i-play mo na lang. Kapag hindi tumugtog o medyo garalgal yung tunog, kasi grounded daw, maga-a cappella na lang ako.’

“’Tapos dinasalan ko! Dinasalan ko talaga yung iPod. Sabi ko, ‘In Jesus’ Name, tutugtog ka!’” sabay tawa ni Ogie.

“Alam mo, tumugtog talaga!

“Sabi ko, ‘Wow, praise God… Galing!’

“So, I was so happy. Kasi nga naman, mas maganda kung may minus one.

“Parang tribute na rin kasi iyon kay Secretary.

“Yes, at saka ang daming nanonood.

“Meron ngang nag-tweet sa akin na siya raw ang nagpatugtog no’n,” na ang tinutukoy na “siya” ay si Sec. Robredo.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Nung ayaw tumugtog, nagkakagulo nga kami.

“Tinatanong kung may CD akong dala.

“E, wala nga. iPod lang talaga.

“At yung minus one do’n, dinownload ko pa!” tawa ulit niya.

“Nagbayad pa ako do’n ng 99 cents!

“Ang may problema, yung player ko. Pero, tumugtog din siya, a!”

WIFE SMILING AT HIM. Ano ang naramdaman niya habang kumakanta sa wake ni Secretary Robredo?

“I could sense that there was peace in the room,” sabi ng songwriter tungkol sa Malacanang, ang lugar na pinagburulan ng kalihim.

“I was looking at the family. Siyempre, yung mga bata, mga anak ni Secretary Robredo, nag-iiyakan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then yung mga relatives din niya, nag-iiyakan.

“But the wife, she was smiling at me.

“Hindi ko alam. Siguro nagti-thank you. Kasi hindi ako makalapit, e.

“Si Pangulo nga, hindi ko makita kasi may nakaharang na pader!” sabi niya tungkol kay Presidente Noynoy Aquino.

“Of course, everybody was sad.

“But I think it was a goodbye that has a lot of heart.

“Ang dami talagang nagmamahal sa kanya,” sabi pa ni Ogie tungkol sa namayapang DILG secretary.

“Nung kumakanta nga ako, ang daming pumapasok na mga tao.

“Pero, you know, tulad nung kay Dolphy, napaka-organisado,” obserbasyon ni Ogie.

“At lahat ng mga tao, talagang they’re paying their respect to a great man.

“So, ang ganda ng alaalang iniwan ni Scretary Robredo sa ating lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN