Luis Manzano on spending quality time with girlfriend Jennylyn Mercado: “We have to have time. We always respect each other’s schedule.”

Deal or No Deal game master Luis Manzano (main) stars with comedian Vice Ganda (inset, right) and actress/host/singer Toni Gonzaga (not in photo) in the upcoming comedy flick This Guy’s In Love With You, Pare, directed by Wenn Deramas.


Masaya si Luis Manzano na makatrabahong muli ang komedyanteng si Vice Ganda at ang television host/actress/singer na si Toni Gonzaga sa pelikulang This Guy’s In Love With You, Pare.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actor kahapon, Agosto 27, sa Studio 8, ABS-CBN Network, Quezon City, kung saan ginanap ang pictorial para sa pelikulang idinidirek ni Wenn Deramas.

Ang natatawang kuwento ni Luis, “Karamihan [ng mga pelikulang] kasama ko si Vice, introducing pa lang siya.

"Naka-apat na siyang introducing kahit kilalang-kilala na siya!

"So finally, once again, we’re together.

"Siyempre for me, I’m very, very happy na makasama ko pa si Toni sa movie.”

Bale, panglimang beses nang makakasama ni Luis si Vice sa isang movie project.

Nagkatrabaho ang dalawang ABS-CBN talents sa mga pelikulang In My Life, Hating Kapatid, Petrang Kabayo, at Praybeyt Benjamin, kung saan may cameo role ang anak nina Edu Manzano at Vilma Santos.

Si Toni naman, madalas makasama ni Luis sa mga hosting stints.

“Refreshing” daw ang pakiramdam na makakatrabaho niyang muli ang dalawa.

Na-miss rin daw niya ang mga "patawa ni Vice."

Si Toni naman, natutuwa siya na, "we get to act together once again.”


WORKING WITH VICE AND TONI. Ayon kay Luis, hindi talaga mahirap katrabaho ang dalawa niyang co-actors.

Saad nito, “Iba naman kasi ang atake nila… kumbaga, I don’t see the point na maiipit ako sa kanilang dalawa. We all get along.

“Siguro may rason din kung bakit kaming tatlo ang pinagsama-sama ni Direk. Siguro may nakikitang chemistry, na hopefully ay lumabas pag napalabas na ang movie.”

Sa naunang panayam ng press kay Vice Ganda, nakisali si Luis at nakisagot sa tanong na, "May sapawan bang nangyari?"

Pabiro itong bumulong kay Vice Ganda na nakita raw niyang "nagbilang" si Toni ng eksena. (CLICK HERE to read related article)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang tanungin si Luis sa mismong interview sa kanya, isa na namang biro ang sagot nito, “Si Vice talaga, may sariling camera ’yan, may sariling direktor.

“May inaabot na sobre kay Direk Wenn si Vice para sa close-up. ‘Pag kami ni Toni, full-shot lang. Si Vice kasi, close-up palagi.”

Kidding aside, wala raw silang anumang isyu sa set.

"I mean, narinig ko nga kanina kay Toni," sabi nito sa interbyu ni Toni na pinakinggan niya, "when you bring three artists together, we always depend on the captain of the ship.’

“At talagang hawak kami ni Direk Wenn. Kumabaga, wala rin sa personality naming tatlo ang sapawan.”


BED SCENE WITH VICE? “Yes, meron kayong bed scene na dapat abangan!” sagot ni Luis.

Pero dahil may mga ngiti sa kanyang mata, hindi matanto kung seryoso ba ito o binibiro lang ang mga reporters.

Gayunpaman, nagpatuloy siya sa pagkukuwento, “Kumbaga ako, kahit paano, magte-ten years na ako sa industriya, pero yung bed scene yung nagpabago sa akin.

“Nung pauwi ako, may luha na bumabagsak sa mata ko. Hindi naman sa napilitan pero, kumbaga, namulat ang aking mata… Sa kanan lang naman. Isa lang ang bumagsak!”

Inilarawan niya ang eksena bilang "very, very subtle," at si Vice daw ang "karapat-dapat" para sa kanyang unang bed scene.

Aniya pa, "After five movies, pagbigyan na natin ng love scene si Vice!”

Nagkaroon kaya ng personal na kuntsabahan sina Direk Wenn at si Vice para magkaroon sila ng bed scene?

Natatawang sabi ni Luis, “Feeling ko may konting personal, kasi kahit wala pa yung mga camera, pinapa-rehearse na niya sa akin!”

Biglang humirit mula sa likuran nito si Vice nang iparinig ni Luis ang sagot.

Bulalas ni Vice, “Ikaw kaya, wala pa ngang set up, naka-brief ka na!”

Sabad ni Luis, “Nag-pack up nga tayo, nandun ka nga sa bahay ko, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang humupa ang tawanan, diniin ni Luis na importante ang sinasabing eksena sa istorya ng This Guy’s In Love You, Pare.

“Siguro kung nagkataon na merong may sakit sa amin ni Vice nung araw na yun nung love scene, di matutuloy yung pelikula!”

Dapat bang magselos ang girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado?

Isang nakatutuwang anecdote ang sagot ni Luis sa tanong: “Kung hindi ako nagkakamali, nung itinweet ni Vice sa amin yung picture, may nag-forward kay Jen…"

Sabi raw ni Jennylyn, "Mats [tawagan nila], ano ito?"

Ipinaliwanag daw ni Luis sa kasintahan: "Pera-pera lang! Yun naman talaga.... Lahat naman talaga ng bawat kilos ko!”


JENNYLYN MERCADO. Masaya ang magkasintahang Luis at Jennylyn dahil sa takbo ng relasyon nila at sa dami ng proyekto na ibinibigay sa kanila ng kani-kanilang mga pinagtatrabahuang network.

“Okay din naman. We’re very happy. She’s very busy. Napaka-blessed niya when it comes to work sa kabila. So, we’re very happy pa rin,” sabi ni Luis.

Malapit na nilang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo bilang magkasintahan, at umaasa ang aktor na sana ay makapagbakasyon sila ni Jennylyn kahit panandalian.

Sabi ni Luis, “Hopefully, we get to take a quick break— a quick vacation somewhere. Medyo marami lang talagang ginagawa ngayon.”

Isang bagay ang nagpapatibay sa relasyon ng dalawa ngayon, “Siguro it’s always ano nga lang… You always have to keep a bit of yourselves… you may be showbiz personalities pero you don’t need to open every door to the public.

“So kumbaga, nagtitira kami para sa sarili namin.

"Higit sa lahat, nirerespeto namin yung trabaho ng isa’t isa. Walang pakialamanan sa trabaho. It doesn’t matter naman what station at lahat-lahat, it’s just how you manage it.”


HEALTH. Kamakailan lang ay labas-pasok si Luis sa ospital. Dala ito ng symptom na Dyspnea, na ayon sa paliwanag ni Luis ay “shortness of breath.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad nito, “Parang hinahabol ko yung hininga ko. So, ang puwedeng factors nun ay yung acid reflux na meron nga ako. May asthma kami sa family.


“Or puwedeng tinatawag na hyper-reactive lungs. So sana medyo nawala na yung mga pinagdaanan ko noon kaya ako na-ospital.”

Noong mga panahong namamalagi sa ospital si Luis ay nakabantay sa kanya ang girlfriend na si Jen.

“Ang lakas ng immune system nung babaeng yun! Kahit gaanong katindi yung sakit ko, every day after work, nagbabantay siya.

“And proximity pa lang namin, kahit ubo ako nang ubo, kumbaga nahawa lang siya… kumati lang yung lalamunan niya, konting ubo, [pero] okay siya considering puyat na siya from trabaho.

“So I’m very thankful for her and for her immune system. Sobra!”


LUCKY CHARM. Nang mabanggit kay Luis na tila “lucky charm” nila ni Jennylyn ang isa’t isa dahil sa kaliwa’t kanan na mga proyektong binibigay sa kanila, nagpasalamat si Luis.

Paano pa sila nagkakaroon ng panahon given their busy schedule?

Sagot ni Luis, “We have to have time. We always respect each other’s schedule.

“I will never demand time, the same way na never ka puwedeng mag-demand ng time sa isang artista. Ang hirap kasi talaga.

“Pero, pag nakakahanap yun ng common ground, ng common denominator na oras, you have to make the most out of it."

Paliwanag pa nito, “So, hindi nawawala yung date night. Basta pag may three or four hours kayo na puwede, magde-date kayo, you’ll have a nice dinner, or you watch a new movie.

“Kahit na medyo ilang araw kayong hindi magkita, basta lang there’s always something to refresh the relationship.”

Nang ihabol ang tanong na engagement ring na ba ang ireregalo nito sa girlfriend sa una nilang anibersariyo, sinabi ni Luis, “Hindi pa, matagal-tagal pa! Matagal pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN