Derrick Monasterio agrees that Barbie Forteza makes good loveteam material: “...ang pinakagusto ko nga sa kanya ay yung pagiging masayahin niya. At saka lagi siyang nambabara!"

Derrick Monasterio tungkol sa pagiging close nila ni Barbie Forteza: “Almost pareho kami ng personality kasi… pareho kaming Leo, e. And sa tingin ko lang, para kaming puzzle na nag-match...And ang pinakagusto ko nga sa kanya ay yung pagiging masayahin niya.”


Isa si Derrick Monasterio na ini-launch na "TIMEbassador" ng UniSilver Time sa contract signing ng ginawa noong Linggo, August 26.

Kasama niyang ini-launch bilang mga endorsers o TIMEbassadors sina Enzo Pineda at mga Kapuso Tweenstars na sina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose.

Nasa Annabele’s, Quezon City, ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap si Derrick.

Ani Derrick, “Happy ako na maging endorser nito.

Matatandaang nahirang din kamakailan si Derrick na Youth Ambassador ng National Youth Commission.

“Kung sa pagiging Youth Ambassador, anti-drugs campaign at kahalagahan ng edukasyon ang gusto kong i-emphasize sa mga kabataan…

“Sa pagiging Timebassador naman, gusto kong i-stress naman ang kahalagahan ng time…

“Na dapat ay hindi nasasayang sa mga walang kabuluhang bagay. ’Time is gold,’ sabi nga,” sabay ngiti ng young actor.

Kapansin-pansin na rin ang sobrang closeness na may halong sweetness at espesyal na samahan sina Derrick at Barbie.

Kinumpirma naman ito ni Derrick.

“Yeah! Close naman po talaga kami. Actually, lahat kami,” na tukoy pa sina Kristoffer Martin at Bea Binene.

“Siguro dahil mas nagkakilala lang kami talaga ngayon.

“Kasi dati siyempre noong Tween Hearts, masyado kaming marami na magkakasama.

“Kaya yung mga focus namin… wala kami sa isa’t isa.

“Pero noong sa Luna Blanca, kami na lang lagi ang nagkakasama sa isang tent [dressing room].”

“Napag-uusaapan namin lahat ng bagay—pati mga problema namin.

“Nakilala namin nang husto ang isa’t isa nang mas deep.”


BECOMING A LOVETEAM. Ang role ni Derrick sa Luna Blanca ay besfriend na may pagtingin kay Blanca, portrayed by Barbie.

May chemistry sila at pwede ngang maging magka-loveteam.

“Siguro, iyon ang nagawa ng bonding namin. Kapag may bonding kasi off-cam, iba ang nagagawa no’n sa eksena, e.

“Talagang… parang nagiging natural na lang.”

May pagkakataon din bang silang dalawa lang ang magkasamang lumabas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Derrick, “Meron din naman. Iyon yung time na on call kami sa next location.

“E, wala pang magawa. Matagal—nate-tengga kami.”

Ano ang mga na-discover niya kay Barbie mula nang maging close sila?

“Masayahin siya. Almost pareho kami ng personality kasi… pareho kaming Leo, e," sabi niya tungkol sa Zodiac signs nila.

“And sa tingin ko lang, para kaming puzzle na nag-match.

“Kasi yung personalities nga namin, dahil pareho kaming Leo.

“And ang pinakagusto ko nga sa kanya ay yung pagiging masayahin niya.

“At saka lagi siyang nambabara!” natawang sabi pa ng young actor.

“Halimbawa nagsasalita ako ng word na may s, lolokohin niya ako.

“Kasi medyo may deficiency ako sa [pagbigkas ng] ‘s’, e. Kaya niloloko niya ako madalas… ganoon.”


JEALOUSY. Identified si Barbie bilang ka-loveteam dati ni Joshua Dionisio.

Ngayong love interest na niya ang young actress sa Luna Blanca, hindi kaya magkaroon sila ng professional jealousy ni Joshua?

“Hindi naman kami masyadong nagkakausap ni Joshua.

“Pero kapag nagkikita naman kami, kung ano kami dati sa Tween Hearts na naglolokohan—mag-tropa, gano’n pa rin,” paliwanag niya.

Okey ba sa kanya na magtuluy-tuloy sa pagiging loveteam nila ni Barbie sa Luna Blanca?

“Sa akin, okey lang. Hindi ko naman maikakaila na okey siyang kapareha.

“E, siyempre kung ano ang plano o gusto ng GMA para sa akin, go ako ro’n.”

Girlfriend material ba si Barbie sa paningin niya?

“Oops!” sabay ngiti ni Derrick. “Uhm… oo naman!”

Posible bang mag-fall siya kay Barbie?

“Ahh… Sa ngayon naman kasi, napag-usapan na namin…

“Na mahirap yung marami kaagaw sa atensiyon mo at hindi ka nakakapag-focus sa isang bagay.

“Sa ngayon kasi, career muna ang gusto kong pagtuunan ng pansin.

“Seventeen pa lang naman ako. So okey lang na sa career muna ako mag-focus… at saka sa pag-aaral.

“Hanggang may magagandang opportunities na ibinibigay sa akin ang GMA, trabaho muna ang bibigyan ko priority.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kulang din kapag walang inspiration o special someone, di ba?

“Gano’n!?” natawa ulit na reaksiyon ni Derrick.

“Hindi naman. Sa ngayon, siguro puwede kong maging inspiration yung mga kapwa ko kabataan din. Kasi sila yung kailangan ng atensiyon.

“Kaya sila muna ang gagawin kong inspiration—na maging good example ako para sa kanila.”

THREATENED? On-going ngayon ang talent search ng GMA na Protégé, hindi ba threat sa kanya ang mga ito?

“Hindi naman. Kasi, it’s naman para makita rin kung ano yung meron sila.

“Kung ano ang meron yung ibang kabataan diyan—kung ano ang maipapakita nila.

“Parang… panahon na para makita nila yung talents nila. Which is good.

“Madadagdagan na naman ang talents ng network.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN