Newbie actor Kiko Estrada says his grandfather Paquito Diaz’s death inspired him to get into showbiz

PEP asked Kiko Estrada if he always wanted to be an actor. His answer: "No, actually, no. But I love it now. Kasi when my Lolo Paquito died, that’s the time I wanted to be an actor."


Dahil kapwa nagmula sa showbiz clans ang kanyang mga magulang na sina Gary Estrada at Cheska Diaz, hindi na nakapagtatakang magdesisyon si Kiko Estrada na pumasok sa mundo ng showbiz.

Matapos ang kanyang maikling pagganap sa Reel Love Presents: Tween Hearts ng GMA-7, bahagi na ngayon si Kiko ng ikalawang yugto ng Angelito: Ang Batang Ama, sa Kapamilya network.

December last year lamang nang unang sumabak sa pag-arte sa telebisyon ang 21-year-old na si Kiko, na ang tunay na pangalan ay Jason Joseph Francis Carlos Ejercito.

Una na raw siyang nag-workshop sa Star Magic bago pa man siya umarte sa telebisyon sa bakod ng GMA-7.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa Centerstage, Timog, Quezon City, noong Huwebes, August 23.

Talaga bang pinangarap niyang maging artista noon pa lang?

“No, actually, no. But I love it now.

“Kasi when my Lolo Paquito died, that’s the time I wanted to be an actor,” paglalahad ni Kiko.

Marso 2011 nang pumanaw si Paquito Diaz, isa sa pinakasikat na kontrabida sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Pagpapatuloy ni Kiko tungkol sa pag-arte, “I’m actually good at it, as in, nagulat ako.

“It’s the best asset I have, so might as well…might as well do it.”

Nang tanungin naman kung anong klaseng mga proyekto ang gusto niyang gawin, sagot ni Kiko, “Drama. Drama-action.

“I can do comedy, but I don’t like it. I might like it, pero I like to be serious. I’m a serious actor.”

Sino namang mga artista ang pangarap niyang makatrabaho?

“Ah…Jericho Rosales… Jericho Rosales. He’s one of my favorite actors… Coco Martin!” pagtukoy ni Kiko sa mga hinahangaan niyang aktor.

Pinangalanan rin niya ang ilan sa mga hinahangaan niyang aktres.

“Actually, I want to work with Agot Isidro ’cause she’s phenomenal. Eula Valdez is phenomenal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I like old actresses kasi ang galing nila, e."

Ka-loveteam naman niya ngayon ang ABS-CBN homegrown star na si Sue Ramirez.

Paglalarawan niya sa kapareha, “She’s great and she’s awesome. Ang galing, sobrang galing.

“She’s my loveteam now in Angelito and the next show we’re doing."

Sabay dagdag nito sa sinasabing next show, "I hope it’s approved.”

Nakatakdang gumawa si Kiko ng isang TV show sa primetime, kaya lang ay hindi pa niya maaaring i-reveal kung sinu-sino ang mga makakasama rito.

Kwento ni Kiko, “We just shot a trailer of this new TV show. It’s approved already.

“I hope walang mapalitan sa cast. Sana hindi kami mapalitan, in short.”

Wala pa naman daw nakalatag na mga proyekto para sa kanya ngayon sa big screen.

Pero gusto raw niyang subukan, kung mabibigyan ng pagkakataon, ang gumawa ng indie film.

Nang tanungin kung ano ang iba pa niyang talent, nakangiting sagot ni Kiko, “I don’t sing. I don’t dance, too. I suck. I’m one dimensional.”

Ngunit pahabol niya, “I play basketball. I was supposed to be a varsity in Benilde, but I act better. I suck at basketball, I think. Kasi I’m too thin.”

Nasa ikatlong taon na ngayon sa College of St. Benilde si Kiko, pero hindi niya raw minamadali ang pag-aaral dahil sa papasok muna siya sa showbiz.

SHOWBIZ AND STUDIES. Pagpapatuloy ni Kiko, “I’m taking up Diplomatic Affairs. Underload, kasi taping is hectic…

“I have taping tomorrow. I just came from school now and I went straight here.

“So, time management is very important,” wika niya.

Nahirapan namang sumagot si Kiko nang tanungin kung alin sa showbiz o studies ang priority niya.

Ngunit sinisigurado niyang makakapagtapos siya ng pag-aaral.

“That’s a guarantee, I’ll finish. I’ll finish no matter what.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung twenty years pa yan ako matapos sa school, I will finish, no matter what.

“That’s a promise I made to my lolo, to my mom. I would finish.

“But what first? I don’t know, ’cause I think I’ll go for my career first.

“’Cause I can finish my school whenever, right?

“I’m going third [year] pero underload ako palagi, so I still have a lot. I still have, like, two years left,” pag-amin niya.

Pinili raw ang showbiz kaysa sa pag-aaral dahil gusto talaga niyang umarte.

“Yeah, I love it. I love acting! I don’t like showbiz, I love acting!”

Ano naman ang balak niyang gawin sa pinag-aralan sakaling makatapos siya?

“It’s a fallback. It’s a fallback.”

“Old actors, like, old actors are one-dimensional. So when they have their…when they reach their fame, sometimes they forget to invest on right things, right businesses.

“So, they lose their money in the end, right? So they end up being bankrupt, they end up like that.

“I’m not planning to make the same mistakes as they did,” malaman niyang sagot.

Halimbawa lamang ay hindi siya maging matagumpay sa showbiz, ano namang larangan ang gusto niyang pasukin?

“Politics. Yeah, kasi my family is in politics, I guess. I’m an Ejercito.

“So, yeah, I guess…or business, or business, whatever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN