PART 2: Lorna Tolentino says son Ralph is busy transferring her late husband Rudy Fernandez’s film prints into HD

Sabi ni Lorna Tolentino, maililigtas na ang mga pelikula ng asawang si Rudy Fernandez mula sa pagkasira dahil sa alikabok, amag, at pagkupas. Ngayon daw kasi ay inililipat na ng anak niyang si Ralph ang mga lumang pelikula ni Rudy mula film prints papunta sa HD o High Definition video format.


Masaya at proud na proud si Lorna Tolentino sa nangyayari ngayon sa career ng mga anak niyang sina Ralph at Renz.

"Si Renz, nasa 2. Yung Little Champ,” may pagmamalaking sabi ni LT nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Third Eye nung Huwebes, August 23.

Ito ang unang teleserye ng bunso niya sa Channel 2.

“Kasama niya si Senator Lito Lapid," masayang banggit pa ni Lorna.

"Si Ralph naman, lagi siyang nasa ABS-CBN. More of a director ang gusto niya.

"Nag-train siya under Johnny Manahan.

"Gusto rin naman niya yung acting. Showbiz na talaga,” patuloy pa niya tungkol naman sa panganay na anak.



SAVING RUDY’S FILMS. Bukod sa pag-aaral ng pagdidirek ay abala rin si Ralph sa pag-retrieve at pag-save ng mga lumang pelikula ni Rudy.

"Busy siya sa pag-aasikaso...

“Hinahanap niya yung mga prints ng pelikula ni Rudy, tapos tina-transfer niya into HD para hindi na mamrublema, if ever, kung may mangyari.”

Sa pagta-transfer ng film prints o reel into HD or High Definition video, magiging digital ang pelikula at maise-save ito nang maayos.

Malalayo ang reel sa alikabok, amag, pagkaluma, o deoxidization.

Pero hindi raw madali kay Ralph ang ginagawang pagse-save ng mga pelikula ng nasirang ama.

"Ang hirap maghanap ng prints, e,” ani Lorna.

“’Pag nasa DVD lang o Betacam, or mga U-matic tapes, hindi nila talaga nata-transfer sa HD.

“Nililinis lang nila. Cure lang nang konti.

“Pero iba pa rin talaga pag print.”

Ang print na tinutukoy ni Lorna ay ang 35 mm film prints na ginagamit sa pagpapalabas ng pelikula sa malalaking screens ng mga sinehan.

Mahigit isang daan ang nagawang pelikula ni Rudy, pero marami sa mga ito ay wala nang prints.

Ayon pa kay Lorna, "Meron siyang [Renz] seven sa office namin. ‘Tapos, yung ten, nasa archiving ng Channel 2. Hinihiram lang niya, para ma-HD na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinupuntahan talaga ni Ralph yung mga lugar na puwedeng makuhanan ng prints, tapos inaayos niya yun.

“Pumunta talaga siya sa Makati, yung nag-restore ng Himala, para maayos sana lahat ng prints.

"Ngayon lang kasi nauso ’yan,” tukoy ni Lorna tungkol sa pagta-transfer ng film prints sa digital HD video.

“Minsan naman, nakatago lahat ng prints. Pag hindi tama ang room temperature, nagdidikit-dikit.

"Yung sa amin, maayos naman. Si Ralph ang may alam. Kabisado niya yung listahan.

“Sabi ko, ikaw na ang mag-ayos ng archives, yung sa Reflection."

Reflection ang pangalan ng film production na pag-aari nina Lorna at Rudy at nag-produce ng mga pelikula nila mula nung 1990s hanggang early 2000.

Pito nga sa mga pelikulang na-produce nina Lorna at Rudy ang nasa pag-iingat ni Ralph.

Ito ay ang mga sumusunod: Kaaway Ng Batas (1990), Kislap Sa Dilim (1991), Kamay Ni Cain (1992), Kahit Buhay Ko (1992), Matimbang Pa Sa Dugo (1995), Itataya Ko Ang Buhay Ko (1996), at Hula Mo, Huli Ko (2002).

SPECIAL FILM. Sa pitong titles na nabanggit, ang isa ay hindi pelikula ni Rudy kundi ni LT.

Ang Kislap Sa Dilim na ginawa ni Lorna kasama sina Christopher de Leon at Gabby Concepcion.

Espesyal naman para kay Lorna ang pelikulang ito dahil ito ang huling pelikula ng legendary director na si Lino Brocka.

"Yun ang last film niya, e. Ni Direk Lino.

“At least, naidirek ako ni Lino, ni Direk Bernal.

“Happy na ako, kahit papa’no," nakangiting sambit pa ni Lorna sa isa pang itinuturing na magaling na direktor, ang yumao na ring si direktor Ishmael Bernal.

With Brocka, ginawa ni Lorna ang mga pelikulang Lumuha Pati Mga Anghel (1971), Caught In The Act (1981), Maging Akin Ka Lamang (1987), Natutulog Pa Ang Diyos (1988), Kailan Mahuhugasan Ang Kasalanan (1989) at Kislap Sa Dilim.

With Bernal, ginawa naman ni Lorna ang mga pelikulang Aliw (1979), Manila By Night (1980), Nagbabagang Luha (1987), and Pinulot Ka Lang Sa Lupa (1988).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binawian nga ng buhay ang dalawang magagaling na direktor. Si Brocka nung 1991 dahil sa vehicular accident, at si Bernal, sa heart attack nung 1996.

Ginawaran ng posthumous National Artist Award si Brocka nung 1997 at posthumous National Artist Award din si Bernal nung 2001.

Itinuturing na klasiko ang mga gawa ng dalawang direktor na ito. Malimit pa nga, nasa Top 10 ng listahan ng lahat ng mga kritiko at cineastes ang mga obra ng dalawa.

Kaya panghihinayang ni Lorna, "Yung mga films ko, mahirap ding ma-retrieve, kasi wala na din yung mga producers."

"At saka, lahat naman, kung hindi Regal, Viva, nasa kanila.”

Mahigit isandaang pelikula rin ang nagawa ni LT sa iba’t ibang movie productions mula nung magsimula siya nung 1970.

Una niyang pelikula na ginawa nung taon na nagsimula siya ay ang Divina Gracia ng FPJ Productions.

ON DOING INDIE MOVIES. For a time, sunud-sunod ang TV projects ni Lorna, either sa ABS-CBN or GMA-7.

Ang pinakahuli ay ang Glamorosa na ginawa naman niya nung tumawid na siya sa TV5.

Pero may gagawin ba siyang pelikula?

"Walang pelikula, e," simpleng rason niya.

Hindi natuloy ang mga naiplanong sequel ng Pusong Mamon na ginawa niya nung 1997 at Katas Ng Saudi noon namang 2007.

"Dadating din naman ’yan. Puwede din naman akong mag-indie," sabi pa ni Lorna.

"’Pag may magandang script.

“Sana may kumuha. Baka akala nila, hindi ako puwede.

“Script lang naman talaga…basta maganda ang material, di ba?"

Nanonood din daw si Lorna ng mga indie films, tulad ng pinakahuli niyang napanood, ang Maskara ng kaibigang si direktor Laurice Guillen, na siyang opening film ng Cinemalaya 2011.

SATISFIED WITH TV5. Sa ngayon, bukod sa Third Eye ay kasama rin si Lorna sa reality talent search na Artista Academy ng TV5, bilang isa sa mga nagki-critic sa mga “live exams” ng contestants.

Satisfied ba siya sa pagtatrabaho sa Singko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang contract ko, until September. One year na this year, o next week," sagot muna ni LT.

Nag-usap na raw ang manager niyang si Lolit Solis at ang management ng TV5, pero wala pa siyang alam kung ano ang napag-usapan.

"Kasi may offer din daw sa akin ang 7. So, pinag-uusapan nila.

"Pero, sabi ko, ’Happy ako dito, ’Nay!’” banggit ni Lorna sa pakikipag-usap niya sa kanyang manager.

“Kaya aayusin niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN