Jan Marini Alano on socialite role in Sana Ay Ikaw Na Nga: “Kakaloka kasi hindi talaga ako sanay. Hip-hop ako, e!”

Ito ang advice ng aktres na si Jan Marini Alano upang magtagal ang pagsasama ng mag-asawa na nasa showbiz, gaya nila ng asawang si Gerard Pizzaras: “Yung tiwala sa bawat isa, importante yun talaga. In this business pa naman, left and right ang temptations. Kung walang strong foundation ang pagsasama ninyo, it will all end up sa hindi magandang paghihiwalayan.”


Isa sa matatag at hinahangaang showbiz couples ay ang samahan nina Jan Marini Alano at Gerard Pizarras.

Twelve years nang kasal ang dalawa na biniyayaan ng dalawang anak—sina Rian, 10 years old, at Rain, 5.

Nagsimula ang relasyon nina Jan at Gerard nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN drama series na Mula Sa Puso noong 1997.

Gumanap silang magkasintahan doon na kalauna’y nauwi sa isang totohanang relasyon.

Kuwento ni Jan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Bale fifteen years na kami ni Gerard.

"Three years ko siyang naging boyfriend bago ko siya maging mister.

“Nakakagulat nga na twelve years na pala kaming dalawa. Parang kelan lang, di ba?

"Ang mga kids namin, ang bilis lumaki! In two years, may teenager na kami."

Nakausap ng PEP si Jan sa press launch ng bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, last August 23, sa Excess Super Club, Timog Avenue, Quezon City.



COMMUNICATION & TRUST. Ano ang sikreto ng kanilang matatag na relasyon?

“Since pareho kaming may trabaho ni Gerard, we make it a point na may communication kami parati.

“We work kasi in different locations. So kapag may time, we call one another at pareho naming tsine-check ang mga bata sa bahay.

“Pag tapos naman na ang trabaho, uwi kaagad para at least mag-abot kami ni Gerard.

"At may time kaming magkuwentuhan at alamin sa bawat isa ang mga nangyari sa araw na iyon.

“Kahit hindi man kami magkaroon ng time sa umaga, dahil pareho kaming may maagang trabaho, hindi namin patatapusin ang araw na hindi kami nagkakausap," saad ng Ang TV alumna.

Aminado si Jan na maraming temptations sa trabaho nila ni Gerard kaya kailangang nandoon ang trust nila sa isa’t isa.

Aniya, “Yung tiwala sa bawat isa, importante yun talaga.

“In this business pa naman, left and right ang temptations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung walang strong foundation ang pagsasama ninyo, it will all end up sa hindi magandang paghihiwalayan.

“Kami ni Gerard, we’re always praying for our family—na walang masamang mangyari sa samahan namin.

“Hindi kasi nawawala sa paningin ng ibang tao na kapag showbiz couple—yung pareho kayong artista—hindi malayo na maghiwalay kayo.

“Ayaw naming mangyari ’yon kaya we always pray—we pray for strength sa relationship namin.

“We’re always thankful that every year na madagdag sa marriage namin is a big blessing."


ANOTHER CHILD. May plano ba silang magkaroon ng third child since malalaki na ang dalawa nilang anak?

“Tama na ang dalawa. Mahirap ang maraming anak ngayon, di ba? Sa pagiging praktikal lang naman.

“Para sa amin, tamang-tama lang kasi may boy and girl na kami.

“Mas maasikaso namin sila at mabibigay namin ang mga pangangailangan nila,” sabi ni Jan.



MORE PROJECTS. Pareho namang hindi nawawalan ng trabaho sa TV ang mag-asawang Jan at Gerard.

Tulad ni Jan, kasama siya sa remake ng 2002 drama series ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Gagampanan dito ni Jan ang role ni Consuelo Villavicer, na unang ginampanan ni Angelu de Leon.

Si Angelu ay kasabayan ni Jan sa youth-oriented gag show ng ABS-CBN na Ang TV noong ’90s.

Sa remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga ay iniba na ang takbo ng istorya ni Consuelo.

Wala nang magiging partner si Consuelo dito at mas magiging scheming na ang karakter nito.

Kapatid niya ang kokopya sa mukha ni Cecilia Fulgencio, na gagampanan ni Andrea Torres.

Sabi ni Jan, “Hindi ko kasi nasubaybayan ang original na Sana Ay Ikaw Na Nga.

“From what I heard, may sariling love story si Consuelo sa series… partner nga ni Angelu sa series si Bobby Andrews.

“It’s a good thing din na hindi ko napanood yung original para wala akong pagbabasehan ng role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, iba naman si Angelu. Mahusay ‘yang artista kaya hindi ko madu-duplicate ang nagawa na niya.

“Sarili ko nang acting ang gagawin ko sa series.

“Kaya dito sa remake, wala nang lovelife si Consuelo at ginawa na siyang suplada.

“Sosyal na siyang kontrabida ngayon at ito-tolerate niya ang kabaliwan ng kapatid niya.

“Sa totoo lang," patuloy niya, "hindi ako sanay na umarteng sosyal, e.

“Usually ang mga roles na ibinibigay sa akin ay yung simple lang. Ngayon lang ako gaganap na mayaman.

“Kaya sa taping, mamahalin ang mga suot ko at lagi akong naka-high heels!

“Kakaloka kasi hindi talaga ako sanay. Hip-hop ako, e!

"Sanay ako sa rubber shoes at sandal lang!” sabay tawa niya.


LOYAL KAPUSO. Since 2001 ay hindi nawalan ng trabaho si Jan sa Kapuso network, at ipinagpapasalamat naman ito ng aktres.

“I’m very thankful sa GMA-7 for always giving me work.

“Kahit minsan gumagawa ako sa kabilang network, kapag alam nilang tapos na ako doon, meron silang ibinibigay sa akin—hindi lang ako kundi pati na rin ang mister kong si Gerard.

“I think makakasama siya sa bagong series din ng GMA-7 na Aso Ni San Roque.


HEALTH BUFF. Suki na rin si Gerard ng GMA-7 since 2001 din.

Lumabas na si Gerard sa mga shows na Ikaw Lang Ang Mamahalin, Love To Love, Encantadia, Lupin, Obra, Ikaw Sana, Dwarfina, at Amaya.

“Gerard is also getting more recognized in the running community,” sabi pa ni Jan.

“He is the first and only celebrity barefoot runner. Nasa cover nga siya ng current issue ng frontRUNNER magazine.

“Nakakatuwa nga kasi naging hobby lang niya ang running, pero naging second career na niya ito.

“Health buff and mister ko at nahawa na rin ako sa kanya.

“We are both healthy at magandang example ito para sa mga anak namin at sa ibang pamilya,” sabi ni Jan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN