Jay Perillo still unclear how breakup with Kris Bernal happened; says he’s happier with current girlfriend Gretchen Espina

“Hindi siya yung tipong hahawak ako ng gitara, tutugtog ako, ‘Teka lang, sandali, ang ingay mo.’ Wala nang gano’n! Ngayon, pag tumutugtog ka at may nagawa kang maganda, sasabihin sa iyo, ‘O, ang ganda nun, a! Ang galing nun a!’” says Jay Perillo about current girlfriend Gretchen Espina.


Malaking movie assignment kung ituring ni Jay Perillo ang nasalihang Regine Velasquez-Aga Muhlach movie na Of All The Things.

Ito raw ang unang pelikula niya na hindi lang siya cameo.

Supporting role na raw siya bilang manliligaw na “bum” ng kasama rin sa movie na si Nikki Bacolod. Kapatid ni Regine ang ginagampanan ni Nikki.

“Ayaw na ayaw sa akin ng parents nina Nikki at Regine. Kasi patapon ako dito, e.

“Parang tambay-tambay na iba-iba ang kulay ng buhok,” paglalarawan ni Jay tungkol sa kanyang character sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Na-interview ng PEP si Jay sa presscon ng nabanggit na pelikula sa City Best Seafood Restaurant sa Quezon City, nung Lunes, August 27.



JUST LIKE JAY? Tinanong ng PEP kung may nakikita ba siyang pagkakapareho ng character niya sa pelikula at sa tunay na Jay Perillo.

Nakaka-relate ba siya sa character niya?

“Nakaka-relate lang ako sa mga inaayawan ng pamilya,” sagot ng Are You The Next Big Thing? finalist at Party Pilipinas singer.

“Naranasan ko na po yun. Pinakamahirap yung hindi mo alam kung paano mapapaniwala yung parents ng nililigawan mo na sincere ka sa anak nila.

“Kasi po ganito lang yun… Pag nanligaw ka, uunahin mo ang pamilya.

“Ako, naiintindihan ko naman na hindi mo kaagad makukuha yung puso ng magulang. Siyempre, iniingatan nila yung babae.”

Bakit naman siya aayawan, samantalang guwapo, college graduate siya, at may magandang career bilang singer?

“Hindi ko po alam, e. Kasi po ang connotation po sa pagiging rakista at pagiging Tondo… iba talaga ang tingin ng mga tao, e,” aniya.

Laking-Tundo kasi si Jay, ngunit di katulad ng kadalasang iniisip ng mga mapanghusgang tao tungkol sa mga taga-Tundo—na magaspang daw ang pag-ugali at mga tambay lang—maayos at may aral naman ang binatang singer.



BREAKUP WITH KRIS. Sa puntong ito, tinanong na ng PEP ang binata tungkol kay Kris Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang kahit na naili-link sila sa isa’t isa noon, walang pormal na pag-aming ginawa ang dalawa kung magkasintahan sila.

Hanggang sa pumutok na lang ang balitang “break” na sila.

Nagkaroon ng mga magkahiwalay na interview sina Kris at Jay tungkol sa tunay na pangyayaring namagitan sa kanila.

Doon lang nakumpirma na nagkaroon nga sila ng ugnayan.

So, ano nga bang dahilan ng breakup?

“Actually po, ako rin hindi ko alam, e.” sagot niya.

“Kasi siyempre sa magkakarelasyon madalas na nagkakaroon kayo ng halos every day, nagtatalo kayo, di ba?

“So, yung time na yun, may isang pagtatalo na pagkatapos nun, nauwi sa parang… ‘Ayoko na, ayoko na!’

“Siyempre, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko.

“Sabi ko, ‘Sigurado ka?’

“’Oo,’ sabi niya.

“Ayun!” at doon na nga raw sila nagkahiwalay ni Kris.

Sabi pa ni Jay, kung hindi raw siya pumayag na magkahiwalay sila ni Kris ay hindi niya talaga iiwan ito.

Pero nagdesisyon na raw kasi ang dalaga.

“Ako naman, hindi ko maaalis sa kanya yun, kasi siya yun. Utak niya yun.

“Ako naman, bilang kung saan siya masaya, kung yun ang desisyon niya, yun ang ibinigay ko sa kanya.”

Tanong ng PEP, hindi kaya ang na-link din noon kay Kris na si Jolo Revilla ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?

“Hindi naman sana. Kasi wala talaga akong ideya. Aside from the fact na madalas talaga kaming nagtatalo that time.

“Personally speaking, para sa akin, normal naman para sa isang relationship ang pagtatalo.”

Dalawang taon din daw ang itinagal ng relasyon nila, ayon kay Jay.

At hanggang ngayon, iniisip pa rin ng rakistang singer kung paano humantong sa mabilisang breakup ang relasyon nila ni Kris.



MOVING ON. Sobrang nasaktan daw si Jay sa breakup, dahil aminado siyang mahal na mahal niya ang aktres.

Pero hanggang ngayon ba’y mahal pa rin niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, I have to move on,” sagot agad ni Jay.

Sabi pa niya, mukhang masaya naman daw si Kris sa karelasyon nito ngayong Kapuso artist din na si Carl Guevarra.

Para kay Jay, maling magtanim pa siya ng sama ng loob kay Kris.

Aniya nga, mas inaalala niya ang magandang pinagsamahan nila, kaysa mapait na breakup nila.

“I don’t think there is ever a good breakup. Kasi masakit, e.

“So, masasabi ko na lang na it was a good relationship for me.

“We’ve been bestfriends before. We only had each other.

“’Pag may problema ako, may problema siya, kaming dalawa ang naglalapitan that time.

“So, it was a good relationship at that time.

“Kasi yung breakup na yun, I had no other choice but to say yes.

“Saka that time, madalas kaming mag-away, e,” kuwento pa ni Jay.



BETTER OFF AS FRIENDS. Sinubukan ba nilang magkabalikan?

“We did try to work it out, pero parang wala na talaga, e.

“Like after nun, nagkaroon ng time na babalik kami, tapos wala rin.

“So, ang bottom line nun, may pinag-usapan kami na we are better off as friends.

“Kasi ganun na ang nangyayari.”

Ok na nga raw ang samahan nila ngayon ni Kris kahit wala na sila.

“Pag nagkikita kami nagkakausap kami.

“Minsan nagpapagawa siya ng mga minus-one para sa mga mall shows niya.”

E ang bagong boyfriend ni Kris na si Carl, nakausap na ba niya?

“Hindi kami close ni Carl, e. Mga, ‘Hi, hello, pare!’?”



GETTING GRETCHEN. Kinumusta naman ng PEP ang girlfriend ngayon ni Jay na si Gretchen Espina.

Paano naman sila naging mag-on?

“Si Gen kasi kaibigan ko na siya noon,” banggit ni Jay sa palayaw ni Gretchen.

“Siyempre, singer-singer sa GMA, kita-kita kami.

“’Tapos nakikita niya yung mga tweet ko na malungkot.

“Nung time na yun, nakita ko rin yung tweet niya, parang malungkot rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinanong ko siya, ‘Pare, anong problema? Brad bakit ganito? Pag-usapan na natin ‘yan, iupo na natin yan.’

“Niloloko ko lang siyang ganyan.

“Then, nung lumabas kami, nag-click kami.

“Yung pinaka-part na naramdaman ko yung spark, nanood kami ng banda, yung friend niya.

“Nandun kami, pinag-jam kami.

“Nag-duet kami sa stage, hinawakan ko yung kamay niya. Doon na nag-start.

“So, nung gabi ring yun, sinabi ko na sa kanya na kung okey lang ba manligaw na ako?

“Pumayag naman siya,” nakangiting kuwento pa ni Jay.

Anim na buwan na raw ang relationship nilang dalawa ni Gretchen, at ayon kay Jay, masayang-masaya siya.

“Iba kasi e,” sabi ng singer sa nararamdaman niya sa kanyang relationship ngayon.

“Kasi nasanay lang ako na pupuntahan mo pag may taping. Pag walang ginagawa, samahan mo. O kaya nasanay ako na iba yung craft niya.”

Ang tinutukoy ni Jay ay ang mga nakasanayan niyang gawin nung sila pa ni Kris.

“Pero ngayon nasanay ako na pareho kaming musician.”



PROUD OF GRETCHEN. Proud na proud ding sinabi ni Jay na kahit hindi masyadong nakikita si Gretchen sa showbiz ay abala naman ito sa corporate events at iba’t ibang shows.

Kasabay pa ng pag-aaral ng kurso nitong dentistry sa Centro Escolar University (CEU).

“So far, okey naman kasi pareho kaming musikero. Nagkakaintindihan kami.

“Hindi siya yung tipong hahawak ako ng gitara, tutugtog ako, ‘Teka lang, sandali, ang ingay mo.’ Wala nang gano’n!” sabi ni Jay na tila naglalarawan ng experience niya sa isang dating nakarelasyon, na hindi naman nilinaw kung si Kris ang pinatutungkulan.

“Ngayon, pag tumutugtog ka at may nagawa kang maganda, sasabihin sa iyo, ‘O, ang ganda nun, a! Ang galing nun a!’”



GRETCHEN’S LOVE. Kung noon daw, pakiramdam ni Jay ay parang siya lang ang nagmamahal sa relasyon nila ni Kris, ngayon daw ay damang-dama niya ang pagmamahal ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have nothing against Kris. Ahmm, naging maayos ang naging relasyon namin at naging mabuti siyang kaibigan sa akin.

“The only thing missing in that relationship for me, is yun nga...yung dati na nabulag ako ng own love ko.

“Which is when you love someone, you shouldn’t be ashamed na sabihin sa lahat na, ‘Mahal kita!’ Ayun!”

“So, nung nagkaroon kami ng ganito ni Gretchen, na open ka sa public, na minsan ’pag naglalakad kami sa mall, may tinitignan ako, bigla siyang lalapit sa akin at yayakapin niya ako.

“Oo nga pala, ganito pala yung feeling na nararamdaman mo yung love ka talaga.”

Kasundo rin daw ni Gretchen ang parents ni Jay. Nakikipag-baby talk pa nga raw ito sa daddy niya.

Ang parang problema lang niya kay Gretchen ay mas matangkad ito sa kanya.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Babe, pag magkasama tayo sa labas, favor naman, huwag ka nang maghi-heels, ha!

"’Kasi medyo pinagtatawanan tayo ng mga nakakakita sa atin sa labas, e.’” nangitngiting sabi pa ni Jay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN