PEP EXCLUSIVE. Former actress Girlie Sevilla on failed relationship with Marky Lopez: "I was battered emotionally, mentally, verbally, psychologically, physically, and to my surprise, spiritually."

Nag-react ang dating aktres na si Girlie Sevilla sa pahayag ng character actor na si Marky Lopez, sa huling interview nito sa PEP, kaugnay ng naging relasyon nila at ng relasyon ng aktor sa kanilang anak. Sabi ni Girlie: “You know the truth, Marky. What really happened. What I’ve been through. Lahat ng masakit na never kong naisip na mararanansan ko, pero up to this last minute, sarili mo pa rin ang iniisip mo."


Matapos mailathala dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang interview ni Marky Lopez noong Sabado, August 25, tungkol sa naudlot nilang relasyon ni Girlie Sevilla, agad na nagpadala ng kanyang reaksiyon ang aktres sa pamamagitan ng social networking site na Facebook.

Si Girlie ay anak ng dating film producer na si Violet Sevilla.

Ipinakilala siya sa pelikulang Magnifico (2003), na iprinodyus ng kanyang ina sa ilalim ng Violett Films.

Napanood din siya sa mga teleserye ng GMA-7, gaya ng Encantadia (2005), Magic Kamison (2007), at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (2009).

Ayon kay Girlie, malungkot siya nang mabasa ang interview ni Marky dahil malayo raw sa katotohanan ang mga sinabi ng ama ng kanyang anak.

(CLICK HERE to read related story.)

Matagal na raw siyang naging tahimik tungkol sa nangyari sa kanila ni Marky, kaya panahon na raw upang ilabas niya kung ano ang totoong nangyari sa kanilang relasyon.

Nagpadala ng mga katanungan ang PEP kay Girlie via email, at nang sumagot ito via email attachment, may mga nakakagulat siyang rebelasyon dito.

Narito ang naging takbo ng aming usapan:



Kumusta ka na ngayon at bakit bigla kang tumigil sa pag-aartista?

“Well, after learning about Marky’s interview, I became a little anxious.

“I appeared in one of the afternoon shows in GMA-7. At the same time, doing the sales in real estate.

“But God is good, I was offered a job in one of the top corporations in the Philippines. And it requires full time."



How is life being a mother?

“Being a mother is the toughest job in the world, but very fulfilling.

"You face challenges, do sacrifices, swallow your pride, and be extra strong no matter what.

“Hindi madali ang tumayo na ama at ina at the same time.

“Kasi hindi na ikaw ang bida sa buhay kung hindi ang anak mo na. You would do everything to protect your child.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To give her all what she deserves and that includes giving her the right to know her biological father—but he didn’t give her a chance."



How is your relationship with your daughter’s father, Marky Lopez?

“We’re civil... I’m not really sure after this.”



Paano nagsimula ang love story ninyong dalawa?

“It started in Encantadia. If I remember it right, fresh pa ako sa breakup with my two-and-a-half-years relationship.

“Marky, being the person he is… makwento, makulit, madaldal, etc., naging malapit kami sa isa’t isa.

“Everyone was surprised and, yes, everyone was so disappointed when I chose him.

“I fought for him regardless lahat ng nalalaman and nakikita ng mga tao sa set na hindi siya nakakabuti sa akin."



Niyaya ka bang pakasalan ni Marky when you got pregnant?

“No. Hindi kahit kailan man napag-usapan ang kasal.

“At kahit sinong babae, HINDI papayag matali sa taong MABIGAT ANG KAMAY.”



Is it true na hindi siya gusto ng family mo?

“Any family would want the best for their child. Pero my family respected my decision.

“Hindi lang nila nagustuhan yung mga nababalitaan nila that time. Natatakot sila and nasasaktan para sa akin.

“Pero siyempre, sa akin na lang nagsasabi ang family ko. Family ko yun, e, they have all the right.

“Naging matigas din ang ulo ko kahit alam kong hirap na hirap na loob ko at buhay ko sa kanya.

“Pero ganun pa man, ipinaglaban ko pa rin at ipinilit—wishing things would be okay some day.”



Ano ang reaction ng family mo? How did they treat Marky as your boyfriend?

“They got so worried based on the incident.

“But like what I said, they respected him. Hindi sila nakialam.

“I recall the time he asked my mom to help him for one project na dapat sa akin. I made sacrifices too.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ipinaglaban ba ni Marky ang relasyon ninyo?

“I can’t recall. Wala akong maalala, alam ko lang HINDI.

“Pero ako, sinubukan ko sa lahat ng paraan. Tuwing naaalala ko lahat, masakit sa akin ang bawat detalye ng mga pangyayari.

“Lagi ko iniisip kong ano ang kasalanan ko sa kanya at nagdadasal na magising na ’ko sa kahibangan ko.

“At sa paniniwala na magbabago siya.”



How much did you love Marky?

“Nagkaanak kami. I think that’s enough.

“Marami rin akong tinalikuran for him. Lahat ng sabihin niya, nakikinig ako. Iniwasan ang dapat iwasan.

“Pero sa mga taong nakakakilala sa akin, maraming nagulat sa decision kong piliin siya.

“Lagi niyang pinamumukha sa ’kin na BRATTY daw ako, na wala daw akong alam sa buhay dahil may kotse ako at yaya, etc.

“Pero lahat yun tinalikuran ko nang dahil sa kanya.

“Sinubukan kong maging matatag kahit nagmumukha na akong ‘EWAN’ sa harap ng mga tao.

“All types of tears have been shed.

“Nag-adjust ako sa lahat para sa kanya para maniwala lang siya.

“Love is totally blind.”



Bakit kayo naghiwalay? Who gave up first?

“I gave up. Nakakapagod.

“Differences that resulted to different perspectives, in culture, religion.

"And I was battered emotionally, mentally, verbally, psychologically, physically, and, to my surprise, spiritually.

"Traumatic… Siguro naman sobra-sobra na yun para mag-give up na, di ba?

“After those horrible experiences with him, nagbago tingin ko sa buhay.

“Natuto ako sa mga pangyayari. Nag-mature. And it made me understand na mahirap ipilit ang bagay na hindi naman posible.

“Mahirap ipaglaban ang taong hindi ka naman talaga mahal at walang respeto. Nakakapagod pala."



Paano ang arrangement ninyong dalawa ni Marky pagdating sa inyong anak?

“Walang clear na arrangement.

“Kasi inconsistent naman talaga ang communication and, usually, I do give the initiative to raise the subject, efforts of calling him, and seeking for financial assistance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niya wala akong tatakbuhan at humiwalay na rin ako sa family ko, few months after the breakup.

“Sinikap mabuhay kasama ang anak ko. Mahirap.

“Good thing, God is so good that he sent people to help me and my daughter to overcome the trauma. Made us strong and understand life.”



Responsible father ba si Marky?

“There is big difference between being a responsible father and dreaming of becoming one.

“Hindi ko naman siya pinipilit. Pero siyempre, lalapit ka pag kailangan mo ng tulong, lalo na pagdating sa bata, dahil kung meron dapat tumulong sa ’min mag-ina… dapat SIYA YUN.

“Pero masakit sa lahat yung tatalikuran ka.

“Siguro nandun siya sa DREAMING OF BECOMING ONE.

“He mentioned sa interview sa kanya na bilang na bilang daw ang mga times na nakikita niya ang kanyang anak? Bakit gano’n ang nasabi niya?

“Natatawa ako out of disbelief. Kasi he never made the effort of reaching out for his daughter.

“That’s why when I learned about the article. Natawa ako sa Caption of ’being responsible.’And that he sees our daughter.

“After, bigla na lang ako naluha. Naisip ko kung ano na naman ba ito?

“Para sa’n itong pagpapa-interview niya?

“Ang tahimik ko na. Tahimik na kami ng anak ko.

“If you are giving support and if you actually know your obligations, do you think it would be necessary to broadcast?”



Hindi raw maipasyal ni Marky ang anak niya na silang dalawa lang. Pinagbabawalan mo ba si Marky?

“Hindi niya maipasyal siguro kasi hindi naman siya nagpapakita and no effort at all.”



Close ba ang anak ninyo kay Marky?

“No. Wala naman siyang alam sa bata at hindi naman siya nag-e-effort magtanong tungkol sa bata.”



Are you in a relationship right now? Si Marky ba ay may karelasyon na rin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, finally.

“Walang perfect na relationship. Pero may mga relationship pala na worth fighting for—at ito yun.

“Masaya na kami ng anak ko sa kanya.

“With Marky, I’m not so sure if he is in a relationship now.

“I know before he was committed with one of the dancers of Eat Bulaga!.



Do you have any message for Marky?

“Marky, I don’t know where is this leading to. But we both know what really happened.

“Wag na rin natin ilagay mga sarili natin sa alanganin.

“Buti sana kung ikaw at ako lang ang masasaktan. Kaso maraming tao na ang naaapektuhan.

“Like what I always tell you pag nag-e-effort akong mag-reach out sa ‘yo, ‘Let’s forget about the past and just be civilized people… responsible parents to our child.’

“Because that’s all there is to do.

“I thank you for everything, kahit halos lahat masakit, marami akong natutunan sa buhay.

“Natuto akong lumaban at harapin ang araw-araw na may ngiti dahil alam kong meron akong anak na kailangan kong buhayin at palakihin.

“All the hardships had strengthened me.

“Never akong nagsalita, never din ako nagpa-interview.

“Nakakapagod lang manahimik.

“Ang alam halos ng lahat ay puro pagiging mabuti mo… wala ka rin narinig sa akin.

"Masyado na rin masakit.

“Sana sa susunod try to weigh things first. Isipin mo kung ano ang magiging resulta nito.

“Not for the time being, but yung long-term effect.

“Sana isipin mo rin yung mga taong pwedeng masaktan sa ‘TOO GOOD TO BE TRUE’ mong pagiging responsible father.

“Kasi kung nagpapadala ka naman ng financial support, hindi ka na dapat pilitin pa. Magkukusa ka na lang at dapat tuloy-tuloy.

“Pero hindi lang dun nasusukat ang pagiging responsableng ama. Pero siguro ikaw na lang dapat maka-discover nun.

“You know the truth, Marky. What really happened. What I’ve been through. Lahat ng masakit na never kong naisip na mararanansan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero up to this last minute, sarili mo pa rin ang iniisip mo.

“Marami nang na-involve sa buhay namin upang makatulong. Kung pwede ko nga silang isa-isahin dito. Pero they remain humble and quiet.

“Hindi ko sila kamag-anak or pamilya or karelasyon. Pero maraming nagmahal sa amin.

“Tinulungan din nila kaming makalimot at mabuhay nang simple at tama.

“Tinalikuran ko kung ano ako nung nakaraan.

“Sobrang blessing sila sa aming mag-ina.

“Wag mo na rin sanang idamay si Mommy. Naging mabait naman din siya sa ‘yo at tinulungan ka rin niya nung humingi ka ng tulong.

“Irespeto natin siya, please. Tahimik na rin ang buhay niya.

“’Being responsible father to a five-year-old….’ Marky, malapit nang mag-seven ang anak natin.

“Kung lagi kang present sa birthday niya at kung ano man occasion pagdating sa bata, sana alam mo age niya.

“Nung nanganak ako. Nandun ka, pamilya mo, pamilya ko, at mga kaibigan.

“Alam mong four days lang inuwi mo na yung bata at ako naman nag-stay ng almost two months sa hospital.

“Alam mo ‘yan. Kung hindi man ikaw ang unang nakahawak sa bata, malamang yung mga doctors and nurses.

“Marky, you know I’ve been praying for your success and for you to find your partner and peace of mind.

“And kay God mo lang mahahanap yun.

“‘Yan ang isa pang natutunan ko na gusto ko i-share sa ’yo and sa lahat.

"Lagi ko rin pinagdadasal dati yung mag-sink in sa ‘yo yung pagiging ama mo.

“Ang pagkukusa pala, hindi mo pinipilit.

“Dahil kung mangyari man yun, wala na sanang ganitong usapan.

“Hindi ‘yon pangarap lang, gaya nung interview mo.

“Nakakalungkot basahin. Kasi alam naman natin lahat na hindi ganun and HINDI TOTOO.

“I’m so sick and tired of being quiet, I want to break free!

“Instead of thinking of ways to give our child a bright future, here you go with this illusion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just so painful when you have to garnish it all with lies... pero ‘yan ka na, e. Diyan ka na masaya.

“Siguro sa lahat ng sinabi mo, yung medyo tumaba lang ako ang totoo.

“I just hope you respect me and my daughter and the people around us, who love us more than anything.

“Stop hurting us all by your selfish need of publicity. Sana naisip mo na kahit yung anak natin, puwedeng masaktan dito.

“It’s been years, why only now?

“OUR DAUGHTER IS TURNING SEVEN [YEARS OLD] MONTHS FROM NOW.

“SHE LOVES PINK AND PURPLE. SHE COLLECTS PONIES. LOVES TO PAINT.

“SHE SINGS. SHE DANCES, CAN COMMUNICATE VERY WELL, CREATES VIDEOS, SHE DRAWS & PAINTS & a lot more.

“Ikaw, ano ang alam mo sa kanya?”

Bukas ang PEP sa panig ni Marky kaugnay ng mga naging pahayag ni Girlie tungkol sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN