Andi Eigenmann on status of relationship with Jake Ejercito: “Ngayon po, hindi ko alam! Basta po ako, he’s special to me."

Andi Eigenmann on learning from her mistakes: "Ako po, sa tingin ko, natututo po ako sa mga pagkakamali ko dahil sa mga taong nakapaligid sa akin—especially my mom and my dad. Because they teach me good values. At alam ko na kapag may ginagawa akong mali o hindi na tama, unang-una kailangan, ako po, ang sarili kong damdamin. Kung masaya po ba ‘ko, kung sa tingin ko ba tama ang ginagawa ko… Kung opo, then I’m on the right track."


Isa sa tatlong episode ng kauna-unahang Shake, Rattle & Roll (1984) ang “Pridyider” na pinagbidahan noon nina Janice de Belen at Charito Solis.

Isa na ngayong full-length movie ang episode na ito at si Andi Eigenmann naman ang bida.

Sa press conference ng Pridyider sa Imperial Palace Suites kahapon, August 28, sinabi ni Andi na siya mismo ang nag-request sa Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde na horror ang maging comeback movie niya.

“Yun nga po, as a little kid, Regal Films, ang dami ko po talagang napapanood na horror na under them.

“I just want to be part of it and be part of the collection that they have made.

“So, yun, kaya masaya po talaga ‘ko na horror ang ginawa ko,” sabi ni Andi sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“Feeling ko, it’s a challenge and it’s really fun to do a horror film.

“Hindi rin naman kasi siya yung... well, somehow, mas madali.

“Maraming ibang taong hindi naniniwala, maraming ibang taong naniniwala sa mga spirits.

“So, ang lawak din po ng matatamaan mo.

“Yung audience, wala naman silang basis on what’s real and what’s not.

“So, whenever you do a horror, you’re free to be able to experiment.

“It’s not always about scaring the audience, but doing something that will get them intrigued, that will get them interested on what’s happening.

“At the same time, mahirap. Natsa-challenge rin po kasi may mga taong pagdating sa horror, mahirap i-please.”

Wala pa naman daw personal na karanasan si Andi sa mga kababalaghan.

“Hindi pa naman po ako naho-horror,” aniya pa.

Sa tingin ba niya, matapos manood ng movie niya, matatakot na ang manonood magbukas ng pridyider o refrigerator?

“Baka hindi na sila kumain!” napangiti si Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, di yung mga nagda-diet, maa-achieve nila ang mga diet nila. O, di ba?”

LEARNING FROM MISTAKES. Sa presscon proper naman, isa sa pinag-ikutan ng mga tanong ay tungkol sa mga naging karanasan ng stars sa buhay—ang mga pagkakamali, ang mga natutunan.

Bukas na libro ang pagiging dalagang ina ni Andi.

Alam din ng publiko ang gulong napasukan ng anak na ito nina Jaclyn Jose at Mark Gil nung itinuro niyang ama ng kanyang dinadala ang teen-age boyfriend niya noon na si Albie Casiño.

Itinanggi naman ito ni Albie.

At kahit ipinanganak na nga ang ipinagbuntis ni Andi na si Gabrielle o Ellie ay tigas pa rin sa pagtanggi ang teenage actor.

Nagpapasalamat naman si Andi sa mga taong nagpakita sa kanya ng suporta nung nagaganap ang kontrobersiyang iyon sa kanyang buhay.

“At talaga naman pong nakaka-overwhelm when people tell you something positive…” sabi ni Andi.

“And really, being a part of this industry, sobrang thankful po talaga ‘ko at masaya.

“I feel that I wouldn’t have embraced as much people as I did if I didn’t get into that situation.

“And all that matters is that I handled it the best way I could.

“I just learned to accept it.”

Malaki raw talaga ang nagawa ng mga naituro sa kanya ng kanyang magulang—ang mga batikang artistang sina Mark Gil at Jaclyn Jose.

“Yung mga tao, kung gusto po, palaging may paraan. Kung ayaw, maraming ibibigay na dahilan. And natutuhan ko rin po.

"At ako po, sa tingin ko, natututo po ako sa mga pagkakamali ko dahil sa mga taong nakapaligid sa akin—especially my mom and my dad.

“Because they teach me good values.

“At alam ko na kapag may ginagawa akong mali o hindi na tama, unang-una kailangan, ako po, ang sarili kong damdamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung masaya po ba ‘ko, kung sa tingin ko ba tama ang ginagawa ko…

“Kung opo, then I’m on the right track.

“Kaya noong na-realize ko na hindi na maganda ang nangyayari, na-realize ko po na dapat talaga, wala kang ibang aasahan kung hindi yung sarili mo.

“Hindi mo dapat ’pinipilit sa iba kung ano yung dapat mong maramdaman,” dagdag pa ni Andi.

Sa Pridyider may masamang ispiritu na sumanib sa refrigerator na ginagamit nina Andi.

Tinanong ang aktres kung gusto niya raw bang ipakain sa pridyider si Albie.

Tumanggi si Andi. Gusto raw niyang humaba pa ang buhay ng itinuturo niyang ama ng kanyang anak.

“Kung ipapakain ko siya sa pridyider, dadali ang buhay niya.

“Kailangan pagdaanan niya ang life, just like me.”

STILL BITTER? Hindi ba siya nag-aalalang masabihan na "bitter" pa rin siya kay Albie hanggang ngayon dahil sa sagot niya?

Sagot naman ni Andi, “Ok lang po sa akin yun.

“Dati nga po sa isang interview, sinabi ko na, ‘Diyos ko, hindi na talaga.’

“Pero kung hindi naman sila maniwala, ok lang.

“Hindi naman po nila alam kung ano ang nararamdaman ko. Kasi, I’m the one, ako naman po ang nakakaramdaman.

“And I know for a fact na wala na po.”

Ang bitterness para kay Albie ang ibig niyang tukuyin.

Ano naman ang reaksyon niya sa pagkakaroon ng bagong girlfriend ni Albie?

Ang bagong kasintahan ng young actor ay ang baguhang aktres na si Dawn Balagot, na co-star niya sa Cinemalaya entry na The Animals.

Sagot ni Andi, “Tinanong na nga po ‘yan sa akin dati. Sabi ko nga po, ‘I don’t care, that’s his life.’

“I have nothing to do with him now.”

SEPARATED BY PARENTS? Tila hindi naman alam ni Andi kung ano ang isasagot nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife at kung sila pa ba ng napabalitang boyfriend niya noon na si Jake Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam,” tila naghahanap ng isasagot na sabi ni Andi.

Bakit naman hindi niya alam ang sagot sa sarili niyang lovelife?

“Siyempre po, marunong po kaming rumespeto sa mga nakakatanda.

“At saka, mas wise po sila. Mas alam po nila ang sinasabi nila, mas makakabuti para sa amin.”

Sa sagot niyang ito, tila sinasabi niyang pinaghihiwalay sila ng mga parents niya at ni Jake. Ang magulang ni Jake ay sina dating presidente Joseph "Erap" Estrada at Laarni Enriquez.

“Hindi naman po kami pinaghihiwalay.

“But if we force things, mahirap naman po talaga ang sitwasyon. If we force it, magpi-fail.

“And that’s what we’ve been trying so hard not to do.”

So, ano nga ang status nila ni Jake ngayon?

“Ngayon po, hindi ko alam!” natatawa niyang sabi. “Basta po ako, he’s special to me.”



NOT JEC. Muli ay tinanong na naman si Andi tungkol sa na-link din sa kanya na si Jec Lacson.

“Hindi po totoo ‘yan! Kaibigan po yun

“Dati po, palagi ko po siyang nakakasama kasi, yung mga friends ko, close sa kanya,” pagtangging sagot na naman ni Andi tungkol kay Jec.

Itinanggi ring niyang ang anak na ito ni Senator Ping Lacson ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Albie.

“Kakakilala ko pa lang po kay Jec noong May. Kasi nga, friend po siya ng friend ko. So, imposible naman.

“Kay Albie, naghiwalay nga po kami two years ago.

“Wala po akong boyfriend ngayon,” madiin na lang niyang sinabi sa mga kumakapanayam sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN