Julie Anne San Jose on allowing Elmo Magalona to court her: “Siguro, if ever there would be a chance, I think… yes.”

May mga fans sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona na umaasang maging totohanan na ang kanilang loveteam. Nag-aalinlangan naman dito si Julie Anne. Paliwanag niya, “Marami pa talaga kaming kailangang gawin. And parang wala pa yung relationship sa ulo namin—friendship talaga po muna. And if ever na it would come, and if it will happen, definitely it will happen naman. So be it.”


Ngayong naipalabas na ang launching movie nila ni Elmo Magalona, ang Just One Summer, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne San Jose kung nawala na ba ang pressure sa kanila.

O simula pa lang ba ito na dapat may patunayan ang kanilang tambalan?

Sagot ng young singer-actress, “Uhm… parang sort of yes and sort of no.

“Kasi iyon nga, parang nagkaroon din ng pressure sa amin.

"Kasi GMA [Films] gave us the opportunity to have a movie together—and lead roles pa.

“So it’s really a big deal for us, kasi it’s gonna make our career.

“And as of now rin nga… kasi we’re really having fun while shooting the movie.

“And masusukat after ng lahat-lahat ng nangyari sa movie kung magtatagal ba kaming dalawa.”

Pakiramdam ba niya ay made na ang loveteam nila ni Elmo?

Sabi ni Julie Anne, “Uhm… I would like to believe so.

"Yun ngang mga comments at reviews nila, mas marami pang mangyayari sa aming dalawa ni Elmo.”

Nakausap ng PEP si Julie Anne sa contract signing at launching niya bilang isa sa TIMEbassadors ng UniSilver Time, last Sunday, August 26, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



FROM REEL TO REAL. May mga fans na umaasa na sana ay totohanan na ang pagiging sweethearts nila. Ano ang masasabi ni Julie Anne dito?

“Kami ni Elmo, in real life din?” balik-tanong ng dalaga.

“I don’t know. Kasi for now, nagpu-focus talaga kami sa priorities namin, e, like sa work.

“Ako, bukod sa trabaho, sa school din.

"Then si Elmo, papasok na rin siya next semester.

“Yun! Marami pa talaga kaming kailangang gawin.

"And parang wala pa yung relationship sa ulo namin—friendship talaga po muna.

“And if ever na it would come, and if it will happen, definitely it will happen naman. So be it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PERSONAL CHOICE. Bawal pa bang mag-entertain ng suitors si Julie Anne ngayon?

“Hindi naman sa bawal. Choice ko rin lang na huwag muna talaga.

"Kasi ayoko rin na parang masira kasi yung… hindi naman sa masira yung work.

“Alam mo kasi, parang kumbaga, mahihirapan kang pagsabayin talaga.

“Especially kasi ako, I admit na I’m still immature pa, kahit sabihing eighteen na ako. Siyempre, bata pa.

“Tapos, it’s up to you naman if you’re ready to commit. And to take responsibilities to have a relationship with someone.”

Kung sakaling handa na siyang mag-entertain ng manliligaw, magiging top of her list ba si Elmo dahil kilala na nila ang isa’t isa?

“Kung manliligaw siya, I don’t know kung nasa top ng list siya, e.

“Kasi ano, e… hindi ko pa po talaga alam.

“Siguro, if ever there would be a chance, I think… yes.

"Kasi I’m not shutting my doors to anyone naman, e.”

Ano ang pinakagusto niya sa mga katangian ng young rapper-actor?

“Marami akong gusto sa kanya, e—gusto ko yung personality niya, I like how talented he is… nice siya.

“Ayun! Nasa kanya na nga lahat. And I can say na compatible din kami.”

NONE OF HER BUSINESS. Muling tinanong si Julie Anne tungkol sa napapabalitang relasyon ni Elmo sa young actress na si Lauren Young.

Aniya, “I guess wala naman po akong say doon—it’s none of my business.

"And kumbaga, kung saan po si Elmo, doon din talaga ako.

“And if ever po na totoo yung rumor, siyempre ano… I leave everything to the network.

“Kumbaga, ang goal lang po namin ni Elmo is to entertain a lot of people. And to make them happy.”

May paalala ba sa kanila ang Kapuso network na iwasang ma-link sa iba alang-alang sa kanilang loveteam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, I don’t think so.

"Wala naman pong ina-advice sa amin na kailangan bawal magkaroon ng ibang… yung sa personal.

“Hindi naman po kami pinagbabawalan na magkaroon ng relationship with other people kapag may ka-loveteam.

“Kasi personal na buhay na po ‘yan na pinag-uusapan, e.”

Since magkaibigan naman sila ni Elmo, napag-uusapan ba nila ang mga ganoong usaping personal?

“I’d rather not comment on that. Hindi pa naman po confirmed kasi,” sabi ni Julie Anne tungkol sa balitang sina Elmo at Lauren na.

Sakaling totoo, siyempre may mga fans sila ni Elmo na magagalit, paano niya ipagtatanggol si Elmo?

“Uhm… ang hirap naman ng tanong!” sabay tawa ng young singer-actress.

“Ano… e, di iyon… Siguro pag-uusapan muna namin ni Elmo, di ba?”

Hinihintay ba niyang kusang mag-open up sa kanya si Elmo tungkol kay Lauren?

“Ako kasi yung tipo ng tao na… hindi talaga ako matanong. Na pipilitin kong pasagutin siya or something.

“Basta kung ano lang yung lumabas from him. And kung ano lang yung ikuwento niya, iyon lang yun… ia-absorb ko na lang.

“Kami ni Elmo, we’re working professionally. Labas yung tungkol sa mga personal na bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN