Netizens offended by negative tweet of the son of CamSur Governor LRay Villafuerte about the late DILG Secretary Jesse Robredo

Umani ng negatibong reaksiyon ang mga post ng anak ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte na si Julio Villafuerte (inset). Ito’y matapos kuwestiyunin ni Julio ang pagluluksa ng mga Pilipino sa pagpanaw ni DILG Secretary Jesse Robredo (main). Agad namang binura ni Julio ang mga naturang posts at humingi ng tawad sa kanyang mga na-“offend.”


Umalma ang netizens dahil sa isang negatibong tweet na nagmula sa anak ng isang kilalang pulitiko.

Maraming Pinoy ang nag-react sa mga post ni Julio Villafuerte sa social networking site na Twitter kahapon, Agosto 28.

Si Julio ay anak ni Camarines Sur Governor Luis "LRay" Villafuerte.

Sa kanyang tweets kahapon ay kinuwestiyon ni Julio ang isang linggong pagte-trend sa Twitter ng pagpanaw ni Secretary Robredo.

Ikinumpara ni Julio ang pagpanaw ni Secretary Robredo sa pagpanaw ng astronaut na si Neil Armstrong, ang kauna-unahang tao na nakatapak sa buwan.

Nag-crash ang eroplanong sinasakyan ni Robredo noong Agosto 18, sa karagatan ng Masbate, at natagpuan ang kanyang mga labi noong Agosto 21. Siya ay 54 years old.

Si Armstrong naman ay sumakabilang-buhay noong August 25, 2012, sanhi ng kumplikasyon mula sa blocked coronary arteries. Siya ay 82 years old.

Sabi ni Julio sa kanyang tweets:

“Been reading Jess Robredo tweets for weeks now. Someone please inform me of any major accomplishments Jess has done, coz I don’t know any."

“Neil Armstrong’s name was all over twitter for 2 days when he died. Jess Robredo’s name has been on for weeks when he died. #whatsupwiththat”



JULIO APOLOGIZES. Ngunit matapos makakuha ng mga negatibong reaksiyon mula sa netizens, agad na binura ni Julio nung araw ring iyon ang naturang posts.

Mabilis din ang ginawang paghingi ng tawad ni Julio sa mga taong na-“offend” dahil sa kanyang mga tweets.

Wala lamang daw siyang ideya tungkol sa buhay ng pumanaw na DILG Secretary kaya nag-i-“inquire” siya.

Ito ang magkakasunod na tweets ni Julio:

“I apologize if I had offended anyone in my precious tweets. I did not mean to disrespect sec.jess. I was merely inquiring about his life.”

“I was away from home & was out of the loop. I understand It’s not a justification for my actions. It was my responsibility & am truly sorry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope the best for him and his family. I once again regret If my inquiries seemed like i was questioning his integrity. It was my mistake.”

“I did not mean any malice or misfortune to his reputation. I sincerely hope all of you will understand. It was my mistake, my responsibility”

“I apologize If I had offended anyone in my previous* tweets. I did not mean to disrespect sec.jess. I was merely inquiring about his life.*”

Bago ito ay inalala pa ni Julio ang madalas nilang pagkakasabay ni Secretary Robredo sa eroplano noong nabubuhay pa ang huli.

Ito ang tweet ni Julio noong August 20:

"crazy how i’ve been on several different flights with Sec.Jess Robredo going to Naga/Manila.... Rest in Peace."

Katulad nina Governor Villafuerte at Julio ay taga-Camarines Sur din si Secretary Robredo.

Nanilbihan si Robredo bilang mayor ng Naga City mula 1988 hanggang 1998.

Kahapon, Agosto 28, ay nailagak na ang mga abo ni Secretary Robredo sa Eternal Gardens Memorial Park sa Naga City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN