Ryza Cenon on waiting for her big break in GMA-7: "Kung ano lang ang ihain sa akin, yun lang ang kakainin ko."

Sa isyung binabawalan siya ng kanyang boyfriend na magpaseksi, ito ang sagot ni Ryza Cenon: “Ay hindi, wala, wala talaga. Walang question sa kanya. Sa akin lang talaga. Siguro, bilang lumaki rin ako sa lola ko, nandoon din po yung conservative side.”


Ang karakter ni Ryza Cenon sa Book 2 ng Luna Blanca ay isa sa mga bagong tauhan na naidagdag sa primetime series ng GMA-7.

Gumaganap siya rito bilang Ashley, ang kapatid ng karakter naman ni Chynna Ortaleza.

Parehong kontrabida ang roles nina Ryza at Chynna, pero sa kuwento ay may isyu rin sa isa’t isa.

Masaya raw si Ryza sa resulta ng kanyang trabaho sa Luna Blanca.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya, kasi galit sila [viewers] lahat sa akin.

"Yun ang tinu-tweet nila sa Twitter. Kasi, nakakainis daw. Epal daw ako, inggitera raw po ako.

“Actually, yung Ashley, mas marami ang nagre-react kapag kontrabida ako.

“Siguro iba talaga ang dating kapag kontrabida, mas maraming nagre-react. Kaya masaya naman po.

“Kami naman po ni Chynna, magkapatid kami, pero magkaiba ang kaaway namin.

"Siya, si Blanca [Barbie Forteza]; ako naman, si Luna [Bea Binene].”

Nag-e-enjoy rin daw si Ryza sa taping niya sa kanilang fantaserye.

Kuwento niya, “Actually, ang madalas na nakakausap ko, sila Direk Gina Alajar. Nakatrabaho ko na rin kasi noon sila Direk Gina, si Karen delos Reyes.

“Yung mga tweens naman po, ngayon ko pa lang din kasi sila nakatrabaho.”



PROJECT WITH BONG REVILLA. Pagkatapos ng Luna Blanca, makakasama naman si Ryza sa Indio, ang telemovie na pagbibidahan ni Senador Bong Revilla.

Kuwento ng young actress tungkol sa kanyang role dito, “Kapatid po ako dito ni Jennylyn Mercado. Nandoon po kami sa part ng mga Kastila.

“Ang makaka-loveteam ko po, para sa story po, si Rocco Nacino.

"Kasi may gusto siya kay Jennylyn, ako naman po may gusto kay Rocco.

“So, doon po magkakaroon ng conflict. So, baka maging masama din ako rito.

"Kasi, base sa karakter ni Jen, kahit siya ang may-ari ng bahay, siya ang kawawa.

“Pero alam ko po, next year pa yata eere kahit mag-start na rin kami ng taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi po, gusto raw ni Senator Bong na pagandahin talaga ang pagkaka-edit.”

Isa rin kasing fantaserye ang Indio na mangangailangan ng special effects.



WAITING FOR HER BIG BREAK. Si Ryza ang nanalong Ultimate Female Survivor sa Season 2 ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck 2.

Pero ang kadalasang nakukuha niyang roles ay best friend o kapatid ng bida. Bakit kaya parang mailap ang lead roles sa kanya?

Hindi natitinag si Ryza. Sagot nito, “Nagiging training ko na rin para sa acting ko, mag-improve pa.

"Nakakakuha rin naman ako ng pointers, like sa bida, ng mga bagong atake [sa pag-arte].

“Iba rin naman ang mga taong nakaka-partner ko."

Prangka naman niyang idinugtong, "Pero siyempre, nalulungkot din ako. Na, ‘Ano ang nangyayari? Parang ako na lang ang ganito, parang walang plano sa akin.’

“Pero hoping pa rin ako na magkaroon ng breaks. Naghihintay pa rin ako.

“Kaya nga ako nag-renew [ng kontrata] kasi meron akong trust sa kanila na mabigay sa akin ang dapat na mabigay nila sa akin dati pa.”

Ikalawang taon na raw ni Ryza sa guaranteed four-year contract niya sa GMA-7.

Hindi ba niya naiisip minsan na mag-demand o mag-request, tulad halimbawa sa Indio, na gawin din siyang isa sa leading ladies?

“Hindi. Hindi, e. At saka, hindi naman ako ganoon ka-aggressive.

"Takot ako, e. Hindi ako masyadong palaban na tao.

“Kumbaga, kung ano lang ang ihain sa akin, yun lang ang kakainin ko," sabi niya.

Sa palagay ba niya ay magandang attitude yung ganun?

“Well, sabi ng ibang director na nakakausap ko, sabi nila, dapat daw hindi ganoon.

“May nagsabi sa akin na, ’Dapat maging aggressive ka para hindi ka ginaganyan.’

“Hindi ko po alam kung paano ko ia-adjust ang sarili ko sa ganoon. Heto po ako, e.

“Ang hirap pong biglang baguhin ang ugali ko, at manibago ang iba, at sabihin may attitude naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakakatakot din na sundin yung advice nila sa akin.

"Siguro, uunti-untiin ko, pero hindi ko bibiglain. May takot po kasi ako.”



RIPE FOR LEAD ROLES? Sa palagay ba niya ay kaya na niyang maging leading lady?

“Opo,” malumanay na sagot ni Ryza.

“Siguro po kasi, homegrown po ako ng GMA, tapos may title po ako.

“Siguro nga po, sa lahat ng winners [ng StarStruck], ako lang po ang naiwanan. Nakikita ko naman po yun.

“Kaya yun din po minsan, nakukuwestiyon ko sa sarili ko, ‘Bakit parang ako ang naiwan ng lahat?’

“Yung reason po ba dahil hindi ako nagpu-pose sa men’s magazine kaya hindi nila ako mabigyan?

“Pero yung iba rin naman po, kahit hindi mag-pose, yung career nila, may plano. May plano ang network o nagha-handle sa kanila.

"Yun naman po, minsan natatanong ko lang sa sarili ko.

“Pero siyempre po, minsan din naman naiisip ko, baka kasalanan ko rin naman. May pagkukulang din siguro ako.

“Yung iba po, ang alam ko, umaakyat sila [sa opisina ng management], nagtatanong kung ano ang plano.

“Sinasabi meron daw, so siguro ganoon din po. Kaya hindi na lang din ako umaakyat at nagtatanong.”



THANKFUL. Pitong taon na rin ang nakakalipas mula nang manalo si Ryza sa StarStruck. May panghihinayang ba siya na hindi siya nagpakita ng pagiging agresibo kahit noon?

“May time po na ganyan. Minsan nakukuwestiyon ko na, ’Dapat ba talaga lumalaban ako?’

"Kaya lang, ‘Hindi kaya ikamatay ko rin ‘to?’” natatawa niyang sabi.

Patuloy ni Ryza, “Actually, natatakot din po akong lumaban bilang nag-iisa lang po ako. Wala naman akong inaasahan kung hindi ako lang.

“Kaya mas lamang po yung positive side ko na maghintay na lang.

"Kasi kung titingnan din naman po, minsan lang din naman po akong mabakante.

“Binibigyan naman nila ako ng trabaho. At yun din naman po ang importante—yung palagi kang may work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kuntento naman po ako sa kung ano ang ibinibigay sa akin.

"Masaya naman po ako, lalo na kapag nakikita ko nga po ang ibang artista, walang trabaho.

“Kapag nakakakuwentuhan ko sila, malungkot sila, wala silang trabaho.

"So, bakit pa ako magrereklamo?

“So, okay lang kahit support, at least may work. Yun na lang po ang tinitingnan ko.”



FEEDBACK. Nabanggit din ni Ryza sa PEP ang tungkol sa isang pag-uusap nila ni Direk Gina Alajar, na co-star niya sa Luna Blanca.

Naikuwento ng direktora ang feedback na naririnig nito tungkol kay Ryza.

“Sabi po ni Direk Gina, parang nakukulangan daw po ang Artist Center at GMA-7 sa akin.

“Dahil daw po sa Machete, siya [Direk Gina] ang isa sa director po namin, at pagdating sa mga sensual scene, kulang daw po.

“Tinanggap ko naman kasi kahit sa Sa Langit Sa Piling Mo, nakiusap din ako sa director na ’ito lang ang kaya kong ibigay.’ Naintindihan naman.

“Nagagawa ko rin naman po, pero medyo matagal, kasi nilagyan pa ng music para ma-feel ko."

Ang pagiging senswal ang nais niyang sabihin.

Aminado naman si Ryza na nahihiya pa siya sa mga eksenang kailangan niyang maging sensual o daring.

Pero dahil sa pag-uusap daw nila ni Direk Gina, hindi raw siya nakatulog at napaisip talaga.

“Actually, sabi ni Direk Gina, ‘Ang ganda-ganda ng katawan mo, kung ako ’yan…’ sabi po niya.

“Kaya parang naging wake-up call din po sa akin yun.

"Umaga na ako nakatulog kakaisip. Parang, ‘Oo nga naman.’”



NO TO MEN’S MAGAZINE? Kung sakali, payag daw si Ryza na magkaroon ng sensual workshop kung kinakailangan.

Pero mas okay raw sa kanya na gumawa ng daring scenes kesa mag-pose nang sexy sa men’s magazines.

Hindi itinatanggi ni Ryza na mayroon siyang longtime boyfriend.

Posible kayang ang kanyang boyfriend ang malaking dahilan kung bakit atubili siyang mag-pose sa isang men’s magazine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi, wala, wala talaga. Walang question sa kanya. Sa akin lang talaga.

“Siguro, bilang lumaki rin ako sa lola ko, nandoon din po yung conservative side,” sabi ng young actress.



HOUSE AND LOT! Pero ang maganda na nangyayari kay Ryza ngayon ay very independent na siya sa edad na 24.

Mag-isa siyang namumuhay at nakapagpundar na ng sasakyan. Kakabili lang din niya ng lupa-at-bahay sa may Tandang Sora.

Isa raw sa goals niya last year ang magkaroon ng sariling bahay.

“Actually, ipinagdasal ko palagi yun, na sana ipakita na Niya sa akin ang bahay.

“Kasi, iniisip ko rin na palitan ang sasakyan. Pero mas gusto ko ang bahay kesa sa sasakyan.

"Naghahanap din naman po ako. Tapos, kapag may nakikita po ako, mine-message ko po.

“Yung isa, nag-reply at yun na po yun. Yung nakuha ko, corner lot.”

Posible raw na third quarter next year matatapos ang construction ng kanyang bahay.

Yun na ba ang dream house niya?

“Siguro po yung second floor!” natatawa niyang sagot.

“Kasi po, room ko lang yun at saka walk-in-closet.

"Siguro po, mahirap naman talaga magawa ang dream house.

“Kung mabibigyan po ng chance, sa probinsiya po siguro, kasi mas malaki ang lot at mas medyo di pa ganoon kamahal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN