Gabby Eigenmann on being “downgraded” in latest role: "Hindi naman ako big star para mamili."

Pagkatapos niyang manalo ng acting award, lalo raw naging maingat at pursigido si Gabby Eigenmann sa kanyang trabaho. Sabi niya, “Dati pabandying-bandying lang ako sa trabaho. Parang minamani mo lang ang trabaho. Takot ka nang magkamali kasi all eyes are on you na, you’ve proven na something. Natatakot na ako ngayon na magkamali.”


Sa remake ng drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga ay gagampanan ni Gabby Eigenmann ang dating karakter na ginampanan ni Eric Quizon bilang si Dr. Gilbert Zalameda.

Kumpara sa orihinal na serye na tinampukan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia, mas mapapaaga ang pagpasok ng role ni Gabby sa remake nito.

Sabi ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Dahil mas minadali nila ang kuwento, papasok na ako second week pa lang.

“Doctor ako, pero hindi ako ang magpapalit ng mukha ni Olga. Bale ako ang kumupkop sa totoong Cecilia.

“Actually, hindi triangle dahil nasa akin ang tunay, e.

“So, magre-revolve around sa apat, sa dalawang Cecilia.

"Kumbaga, parang creation ko siya,” saad ni Gabby.

Sa bagong bersiyon ng Sana Ay Ikaw Na Nga ay sina Mikael Daez at Andrea Torres ang gaganap sa mga pangunahing tauhan.

Pag-alala pa ni Gabby, nakasama siya sa orihinal na serye, kunsaan naka-love triangle siya nina Meryll Soriano at Kevin Vernal.



DEMOTION? Pagkatapos manalo ni Gabby last year sa Golden Screen Awards for TV bilang Best Supporting Actor para sa Munting Heredera, ginawa na siyang leading man ng GMA-7 sa sumunod niyang teleserye—ang afternoon soap na Broken Vow.

Pero ngayon ay balik-supporting role siya rito sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

Bakit pumayag siyang maging suporta sa mga baguhang sina Mikael Daez at Andrea Torres?

Katwiran ni Gabby, “Realistically, I’m in no race anymore. Realistically, we call it a profession, a job.

“Kung anuman ang naibibigay, hindi naman ako big star para mamili.

“But since binigyan ako ng oportunidad na mag-lead, tapos ngayon balik ako sa, let’s say support, hindi ko naman yun tatanggapin na ganun-ganon lang unless maganda ang pagka-presinta sa amin.

“So far, when they told us about the character nga, hindi na ako nagdalawang-isip.

“I’ve trusted GMA, and I always trust GMA, na hindi naman nila ako pababayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo nga’t binigyan nila ako ng pagkakataon to do Munting Heredera and Broken Vow, tapos magda-downgrade ako—hindi naman ganoon.”

Hindi ba para ngang downgraded o demoted siya uli sa supporting role?

Sagot ng aktor, “No, no... kasi ang character naman ni Gilbert Zalameda will put color sa loveteam nina Carlos Miguel and Cecilia.

“Ako kasi, I’m open for another opportunity to do difficult roles.

"Sabi nga, patience is rewarding.

“I’ve been patient for the longest time and, yun nga, nabigyan ako ng pagkakataon to do two soaps—yung ending ng last year at pagpasok ng taon.

“Happy ako, and what I’m saying is, I’m not in a race kasi I’m not naman eyeing to be a superstar.

“I’m trying to maintain yung reliable ka. Kahit saan ako ilagay, I’ll do my best to try not to excel but to do my best.

“Kasi bihira lang din naman ino-offer. Marami rin lumilipat, marami rin bumabalik sa dating home network.

“For me, I have to make it a point to make it my ground.

"Sa akin ‘to, dito ako.”

GABBY’S FUTURE. Ayon kay Gabby, marami pa siyang gustong marating sa career niya.

“Weird nga, e. Sabi ko dati, magkaroon lang ako ng isang award, puwede na akong mag-retire—sinabi ko yun dati.

“Pero I realized na the more na nabibigyan ka ng parangal na ganoon, the more na gusto mo pang mag-improve, the more na gusto mo pang magtrabaho.

"And I feel like mas nag-e-enjoy ako.

“Dati, pabandying-bandying lang ako sa trabaho. Parang minamani mo lang ang trabaho.

“Ngayon, hindi, e. Takot ka nang magkamali kasi all eyes on you na.

“You’ve proven na something, natatakot na ako ngayon na magkamali.

“Ngayon nga, kinukulit ko na lahat... kasi kapag napahinga ka, nakakalawang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SHORT RESPITE. May isang buwan din mahigit napahinga si Gabby pagkatapos ng Broken Vow.

Pero blessed pa rin daw siya dahil maikling pagitan lang ang hinihintay niya bago magkaroon ng bagong project.

“Maganda rin naman, I had the time to spend with my family.

“Pero napag-usapan nga namin, as an artist, kapag napahinga ka, nakakalawang.

“Minsan, parang hindi ka na makapagkabisa ng script.

"Pero pansinin ninyo, kapag sunud-sunod ang projects, parang mas gumagaling lalo.”

Sa isang buwan na napahinga siya, ginawa raw niyang oportunidad ito para mag-gym at mag-workout.



NO CONTRACT. Fifteen years na si Gabby sa GMA-7.

Kumpara sa ibang Kapuso stars, wala siyang guaranteed contract sa network.

Pero aniya, “From what I heard, it’s not impossible. It’s attainable before the year ends.

"Kasi nga, in order for you to be loyal, hindi lang naman one day yun.

"They’ve been good to me naman.”

Nasa punto na bang hihingi na siya ng guaranteed contract?

“Sana, hindi ko na kailangan hingin.

"Kasi feeling ko naman, hindi naman aabot sa panahon na hihingin ko.

“Hihintayin ko na lang na dumating,” sagot ng mahusay na aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN