Rufa Mae Quinto reveals she once considered a future with Boy2 Quizon

“Freelance” television artist daw ngayon si Rufa Mae Quinto, na sa TV5 ay mapapanood sa Enchanted Garden at sa GMA-7, sa Bubble Gang. Nang tanungin kung may upcoming show at ibang plano para sa kanya ang Kapuso network, sinabi nitong "Wala." Gayunpaman, ayaw daw niyang iwan ang Kapuso network.


Masasabing parehong dumaraan sa “in limbo” stage ang career at lovelife ni Rufa Mae Quinto.

Dalawa ang ongoing projects niya sa telebisyon— ang Bubble Gang sa GMA-7 at ang Enchanted Garden sa TV5.

“Hindi ko pa kayang lisanin,” ang sabi niya tungkol sa GMA-7, na naging istasyon niya sa lalong matagal na panahon.

Dito siya nagsimula noong 1994, sa That’s Entertainment. Nagkaroon lang ng panahong nasa Channel 5 siya, noong 1998, para sa Tropang Trumpo, at sa Channel 2, noong 2000, para sa Arriba! Arriba!

At bago raw niya tinanggap ang serye mula sa Kapatid (TV5) station, humingi muna ito ng permiso sa Siyete (GMA-7).

Sa pagpapatuloy niya, “So, per project, pero I have to ask them first.

“Kumbaga, siyempre I have to ask GMA kung okay lang bang mag-ganito, ganyan… E, dun lang ako pinayagan, e.”

For a time, napanood din siya sa Wil Time Bigtime. Bakit nga ba umalis siya sa show ni Willie Revillame?

Bandang June nang nabalitang nilisan niya ito matapos ng five-week hosting stint. At ang dinig ng showbiz columnist na si Mario Bautista ay “tina-tsansingan” daw kasi si Rufa Mae ng main host.

Reaksiyon ng sexy comedienne, “Nakakatawa naman yun. Hindi naman. Wala lang yun sa amin, parang naglalaro lang kami, parang eksena na lang…

"Kumbaga, ayoko nang maging sensitive sa lahat ng batuhan namin because, iniisip ko, isang eksena sa isang sitcom, stand-up [comedy]— yung tuluy-tuloy na sagutan, tapos everything is a joke.”

Sakto rin daw na dumating ang offer para gampanan niya ang role ni Quassia sa Enchanted Garden.

Pero bakit hindi niya sinipot ang grand press conference ng serye? Iniiwasan ba niyang matanong tungkol sa pag-alis niya sa Wil Time?

“Hindi totoo,” ang mabilis na sagot ng dalaga.

Dugtong ni P-chi (palayaw ni Rufa Mae), “Hindi ako puwede naman siyempre na mas maraming shows sa 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa alam kung saan talaga ako, e, di ba? Nasa stage noon na ano… pero hindi naman yun ang dahilan, dahil ayokong sagutin or anything. Kaya lang, talagang that time, hindi rin ako puwede.”

Dito’y pahapyaw na inamin ng VIVA talent na dumaan siya sa stage na medyo nawalan ng gana sa trabaho.

Aniya, “Kasi dati, parang ayoko nang masyadong magtrabaho nang sobra-sobra pa, so kelangan ko lang…mag-add ng bagong attack, attire…

“Nagbabakasyon lang talaga. Kasi yung lola ko dati… dati kasi, nagkasakit siya, e.”

Lumaki si Rufa Mae sa lola, na pumanaw na. Hanggang sa huli, kasama ng dalaga ang lola sa bahay.


“HINDI NAGKATULUYAN.” Sa usaping puso, hindi nagpatumpik-tumpik ang press sa pagtatanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Boy2 Quizon.

Sa simula, maingat ito sa pagsagot, “Di pa naman kami nagkikita, e. Wala kaming taping dalawa [sa Bubble Gang]… Okay naman kami.”

Paano na yung production house na itinayo nila?

“Hindi ano lang, [partners na lang], wala nang lovers…”

Bakit?

“Hindi, siguro mas nangingibabaw yung friendship talaga nang matagal. Yun yung love na meron, yung friendship.

“Love ako, kasi nga we’re friends, e. So parang yung love naman, nandadiyan talaga sa amin, e, kahit…

“Yun nga lang ang level of love, di ba? So hindi nga nagkataon na level ng mag-asawa o mag-jowaan.”

Humirit ang kolumnistang si Nitz Miralles na may totoong rason kung bakit naghiwalay ang dalawa, pero iginiit ng dalaga, “Hindi! Totoo.”

Dagdag niya, “Kasi parang sobrang tagal namin magkasama, mga 17 years ang Bubble, kami magkasama, mga 12 years na… Bata pa siya, mga 20 lang ako yata, siya, mga 18 o 15, hindi ko alam…”

Napangiti siya dahil hindi niya maalala ang edad ng 28-year-old na si Boy2.

“Basta mas bagets,” ang nasambit ng 34-year-old star.

Pero bakit ba inilarawan siya ng apo ni Dolphy na “kaibigan”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang medyo paputol-putol niyang pahayag, “Best friend ko siya sa lahat ng guys there. Kasi parang nagsusumbong ako pagka may mga guys na ano… parang mas okay kaming gano’n.”

Ano ba talaga ang nangyari?

“Wala naman talagang hiwalayan na naganap. Hindi lang nagkatuluyan, ganun.”

Hindi rin naman daw akma na tawagin itong “drifted apart," pero tumango siya nang sabihin naming, “it never materialized.”

Pagsang-ayon niya, “Oo yun. Para I dunno kung pa’no ko sabihin yun pero yun nga yung nangyari. Parang mas okay ang friends, as business partners…

“And ang dami niyang gagawin, may mga career siyang ginagawa so, I think, he needs to focus din sa career niya.

“So parang hindi pa talaga siya timing. Wala, wala sa timing. Siguro, yun ang reason.”

Napalapit din daw sila sa panahong pareho silang nagluksa.

Aniya, “Kasi, namatayan ako na una. Tapos, siya naman, namatayan after a year, so parang lagi na lang may nangyayaring…”

Ang tinutukoy ni Rufa Mae, sa isang banda, ay ang kanyang lola, at sa kabilang banda, ay ang lolo ni Boy2 na si Dolphy.

Hindi natapos ni Rufa Mae ang sasabihin dahil biglang nagsingit ng tanong ang talent manager-columnist na si Ethel Ramos tungkol sa napabalitang wedding nila ni Boy2.

“Hindi, it’s a joke, e, Tita. Joke lang siya.”

Nag-react si Manay Ethel ng, “We took you seriously.”

Nagpaliwanag ni P-chi na “hype’ lang daw yun. Sa isang interview daw, “Hindi ko naman alam kung ano’ng nangyari, nagkaroon sila ng joke-joke nilang tanong, tapos sagot naman kami.”

Ano yung napapabalitang wedding date na 12-12-12?

“Actually, pelikula siya… nila… nina Peque Gallaga, nina Boy2, nina Richard Gutierrez…”

Pero nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kinunsidera ba niyang magpakasal kay Boy2, aniya, “Well, in-expect ko din pero…

“Napag-usap-usapan, kasi siyempre nasa marrying age naman na ako, ganun. Tapos, siya naman, binata naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito ang unang beses na nagbalak magpakasal ang komedyana. Hindi niya dinenay na muntik na siyang maging May bride.

“Serious, pero hindi natuloy din.

“Wala, ganun po talaga, hindi matutuloy pag hindi ukol.

“Bago mo makilala [ang] tao pala, kelangan samahan mo muna nang matagal, alam niyo yun.”

Sa ngayon, mas gusto raw nitong mag-focus sa kanyang career. Nabanggit niya na gusto niyang magkaroon ng morning show, at gusto rin niyang mag-produce.

Dagdag pa ng freelance artist, “Sabi ko na lang, ano na lang, basta trabaho na lang muna kasi gusto ko lang mag-work sa iba’t ibang stars, di ba? Iba’t ibang tao, para naman makahataw, di ba? I think, it’s about time para iba-iba yung kasama.”

Paano na ang pag-ibig?

Hindi raw siya nagde-date sa ngayon.

Saad pa ni P-chi, “Hindi na ako nag-iisip nang ganun, e, kasi parang, I wanna…

“Parang for a while, kinalimutan ko yung feeling how to be in love. True.

“Tapos ngayon, alone, unti-unti kong nadi-discover yung sarili ko, tapos slowly siguro darating na ’yan, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN