Geneva Cruz admits her recent reprimand tweets were for ex-husband Paco Arespacochaga

Hindi itinanggi ni Geneva Cruz na si Paco Arespacochaga ang pinatatamaan niya sa kanyang Twitter rant posts nitong mga nakalipas na araw. Aniya, nais lamang daw niyang "gisingin" si Paco. Tumanggi naman itong idetalye kung ano ang pinagdadaanan nila, liban sa pagsabing ginawa niya ito bilang miyembro pa rin ng pamilya ni Paco.


Karaniwang masaya ang paksa ng mga posts ng singer na si Geneva Cruz sa kanyang Twitter account.

Subalit mula Agosto 24 hanggang 25 ay inilabas niya ang mga matabang at nakakaintrigang mensaheng ito:

“Sometimes, once we recognize our mistakes, we can go back and correct them. : )

“If you feel really bad for what you have done ask #God for forgiveness; learn to forgive yourself; and never look back. : ) #atonement

“As difficult & unfair as it was, I wouldn’t have traded the days I spent w/ you for anythin. You made me believe in myself again. Thank you.

“Love is a terrible thing to hate.

“As the mother of a son, I do not accept that alienation from me is necessary for his discovery of himself...

“As a woman, I will not cooperate in demeaning womanly things so that my son can be proud to be a man.”

Bagamat walang detalye kung tungkol saan o kung kanino nakalaan ang mga tweets ito, marami ang nagtaka kung bakit biglang nag-post ng ganitong mensahe ang dating Smokey Mountain singer.

Kaya kagabi, Agosto 29, pagkatapos ng Lee Cooper fashion show sa Marriot Hotel, Manila, ay inalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kung ano ba ang pinagmulan nito.

TWEETS FOR PACO ARESPACOCHAGA. Hindi na itinanggi pa ni Geneva na para sa dati niyang karelasyong si Paco Arespacochaga ang mga mensaheng iyon.

Paliwanag niya, “Siyempre, pinagsasabihan ko lang naman, you know, kasi ano, he needs to be nicer.

“No, he’s nice naman. He’s really a great dad. It’s just that sometimes, kailangan lang talagang merong… kumbaga, sa isang kaibigan talagang gisingin lang siya nang konti.”

May isang anak na lalake sina Geneva at Paco, si Heaven, na 16 years old na ngayon.

Bagamat nagkahiwalay noong late 1990s ang dating mag-asawa, nanatili pa ring magkaibigan ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan ay naging magkatuwang pa rin sila sa pagpapalaki sa anak kahit parehas na silang nakatagpo ng ibang mapapangasawa.

Si Geneva ay ikinasal sa Fil-Am host na si KC Montero noong 2004, subalit nagkahiwalay din nito lang 2011.

Si Paco naman ay nakapangasawa ng isang teacher na nagngangalang Tiny Ambrosio. Sila ay may anak din na lalake.

OTHER WOMAN? Ayon kay Geneva, wala naman silang mantinding away o alitan ni Paco sa ngayon.

Ngunit nang tanungin ng media kung tungkol saan ba ang mga hinaing niyang ito, ito ang kanyang naging sagot:

“Hindi ko sasabihin iyon. I mean, extended family naman ako, e. That’s not my [turf].

“Wala akong right para magsalita talaga tungkol diyan. Siya ang kausapin at tawagan ninyo.”

May katotohanan ba ang bali-balitang may ibang babae na naanakan si Paco kaya niya ito pinagsasabihan?

“Really? Wow! Grabe. Ano ba iyon? Bakit hindi siya ang tanungin niyo?

“Like what I said, siya ang tanungin niyo.

“It’s not… hindi naman ako iyong nakagawa ng anything, e.

“I think siya iyong kailangang tanungin niyo diyan.”

JUST HELPING OUT. Matibay ang paninindigan ni Geneva na hindi siya magsasalita tungkol sa isyu ng pamilya nila.

Kaya tuloy hindi maiwasang magtaka ng media kung bakit kinailangan pa niyang ilabas ang isyu sa Twitter gayong ayaw naman pala niyang pag-usapan ito.

“Para lang siyempre para makuha mo iyong pansin.

“First of all, wala naman talaga akong sinabing talagang detalyado na anything.

“You know me, ‘di ba? I would never do that. I’ve never done that, ever!

“Pero sometimes, para talagang makuha mo iyong attention, kailangan e idaan mo sa gano’n, na reprimanding the person na, ‘Hey, wake up!”

Naging effective naman ba ang kanyang panawagan kay Paco?

“I think so, yeah.”

Nagkausap na ba sila ni Paco matapos niyang mag-tweet?

“Oo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay ipinagtanggol pa rin naman ni Geneva si Paco kahit ano pa man ang naging pagkakamali nito.

Aniya, "You know, Paco really is a nice dad.

“It’s just that sometimes, you know, you know what they say that men are like…they will always be boys? And I know that.

“Kaya lang, I’m also part of his family, whether he likes it or not.

“So, I’m here to help the other family members, ‘di ba? So, iyon lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN