Nikki Valdez on falling in love again after divorce: "Of course, my heart is still beating, kinikilig pa rin ako pag may nakikita ako."

Sa usapin kung kailan siya magmamahal ulit, ito ang sagot ni Nikki Valdez: "That’s not my priority right now. Well, I go out in groups kasi nandun ako sa point na hindi ako naghahanap ng one person na magpapasaya sa akin. Because my life is so happy with my daughter around and iba yung goal ko ngayon. Kung dumating siya, thank you. Bonus na lang."


Hindi itinatago ni Nikki Valdez na ang rason ng pagbabalik niya sa showbiz ay para ipagpatuloy ang kanyang career at makapag-move on sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa na naiwan sa Canada.

Ikinasal si Nikki kay Filipino-Canadian Christopher Lina sa isang civil ceremony sa Canada noong February 2007.

Ang church wedding naman nila ay naganap noong July 2007 dito sa Manila.

Pero pagkalipas lamang ng dalawang taon ay nagdesisyon silang maghiwalay. Noong 2009 naaprubahan ang kanilang divorce papers.

Mag-isa raw ngayong pinalalaki ni Nikki ang apat na taong gulang na anak na babae, habang ang ex-husband niya ay naka-base pa rin sa Canada.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nikki sa hallway ng main building ng ABS-CBN, inamin nito na wala na silang komunikasyon ng kanyang ex-husband.

Pero nakakakuha naman daw ng "monthly support" ang kanyang anak mula sa ama nito.

“Ang importante, my daughter gets what she deserves from him,” sabi ng Kapamilya actress.



FATHER IMAGE. May pagkakataon ba na hinahanap ng anak ang ama nito, lalo’t sa edad nitong apat na taon ay malamang na naghahanap ito ng father image?

Sagot ni Nikki, “I’m at a point in my life now na kailangan nandun ako palagi.

"Akala ko hindi kami aabot sa point na maghahabol siya, yung gusto niya palagi niya akong kasama.

“Lagi niyang sinasabi sa akin, ’Do you have work today? Don’t go to work.’

“Akala ko hindi kami aabot sa ganun, kasi when I was younger, di siya ganun.

“Pero may konsuwelo ako sa kanya because she always tells me, ‘Thank you for taking care of me.’ Lagi siyang ganun.

“Hindi niya hinahanap ang daddy niya. Nararamdaman niya kasi ang lahat ng love sa family namin.

"Although I can say that if I have couple of friends, she is closer to the guys. Parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unaware siya dun, siguro ako lang ang nagbibigay ng meaning dun.”

LIFE AFTER THE DIVORCE. December 2011 nang inamin ni Nikki na hiwalay na sila ng kanyang asawa.

(CLICK HERE to read related story.)

Kumusta na siya ngayon?

“Masaya ako, wala akong bitterness, wala at all.

"Of course, my heart is still beating, kinikilig pa rin ako pag may nakikita ako.

"But no, that’s not my priority right now.

“Well, I go out in groups kasi nandun ako sa point na hindi ako naghahanap ng one person na magpapasaya sa akin.

“Because my life is so happy with my daughter around and iba yung goal ko ngayon.

"Kung dumating siya, thank you. Bonus na lang.

“Saka siguro, hindi yun kasi ang ina-attract ko.

"Di ba, yun ang sinasabi nila, ’You get what you attract or what you give.’

"I guess they see in me that I have no interest on that right now."



GIVING JOY. Masaya raw si Nikki sa mataas na ratings ng kinabibilangan niyang afternoon soap sa ABS-CBN, ang Kung Ako’y Iiwan Mo, lalo’t tumatatak ang karakter niya rito bilang Joy.

Si Joy kasi ang matalik na kaibigan ni Sarah, na ginagampanan ni Shaina Magdayao.

Sabi ni Nikki, “Nakakatawa, kasi pag di ako lumalabas, hinahanap-hanap talaga nila ako.

“It’s a good feeling kasi hindi lang basta, ‘Nasa’n yung best friend ni Sarah?’

"Kundi hinahanap talaga nila yung makakapagpasaya sa kanila. Kasi yun ang role ko dun, nakakapagpagaan ng buhay ng kaibigan.

“I’m very thankful kasi nararamdaman ng mga manonood yun.

“Saka I’d like to especially thank yung nasa buong mundo sa TFC [The Filipino Channel] dahil sobrang sinusuportahan nila kami, kaya nandito pa rin kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN