Pia Guanio gives birth to healthy baby girl

Pia Guanio is now a proud mother to daughter Scarlet Jenine (not in photo), who is 7.8 pounds heavy and 20 inches tall at birth.


Nanganak na ang TV host na si Pia Guanio via Caesarean section (C/S) kaninang madaling-araw, August 31.

Sa kanyang Twitter post ngayong umaga, masayang inanunsiyo ni Pia ang pagdating ng “little angel” nila ng asawang si Steve Mago.

Scarlet Jenine ang pangalan ng kanilang baby girl.

“At 1255am today, Scarlet Jenine was born. Heavy at 7.8pounds and tall at 20 inches! Thank you Lord for the wonderful gift in our lives!" ani Pia sa kanyang tweet.

Saktong-sakto na nasa 39th week ng kanyang pagbubuntis si Pia nang manganak siya.

Ayon sa online resource website na March Of Dimes, ideal para sa isang ina na manganak sa ikanyang 39th week dahil “well-developed” na sa panahong ito ang mga importanteng organs ng bata, gaya ng utak, baga, at atay.

Mas maliit din daw ang tsansang magkaroon ng problema sa paningin at pandinig ang batang ipinapanganak at 39 weeks.

Nakasaad din sa website na, “[Babies] can suck and swallow and stay awake long enough to eat after he’s born. Babies born early sometimes can’t do these things.”

Kagabi, Agosto 29, ay nakapag-post pa si Pia ng mensahe sa Twitter:

"Scarlet and I will be going to the hospital soon. Help us pray it will be quick, normal and free of complications!"

Agad namang nagpaabot kay Pia ng pagbati ang ilang malalapit na kaibigan niya sa showbiz, gaya nina Isabelle Daza, Iza Calzado, at dating co-host sa Showbiz Central na si John “Sweet” Lapus.

Nagpasalamat naman si Pia sa lahat ng mga taong nagdasal para sa kanilang mag-ina.

“And thanks to everyone else who tweeted their good intentions, wishes and prayers! God bless you too!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN