Carla Abellana and Geoff Eigenmann now in Las Vegas to get some R&R—not to get hitched

Itinuturing ni Carla Abellana na isang pangarap niyang natupad ang pagbabakasyon nila sa Las Vegas ngayon ng kasintahang si Geoff Eigenmann.


Kapag ang dalawang artista na may relasyon ay nagpupunta ng Las Vegas, U.S.A., madalas ay naiintriga na malamang nagpakasal na ang mga ito.

Ang Kapuso stars at magkasintahang sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana ay kasalukuyang nasa Las Vegas.

Pero bago isipin pa ng iba ang kung anupaman, hindi nila itinago sa publiko ang pagsasama at pagbabakasyon nilang ito.

Katunayan, kahapon, August 31, nag-post si Carla sa kanyang Instagram account ng dalawang larawan na kuha nila ni Geoff mula sa Las Vegas.

Sa unang picture, may nakalagay sa caption si Carla na, “Out of my bucket list Smile

Ibig sabihin ni Carla, ang pangarap niyang makapagbakasyon sila ni Geoff sa Las Vegas ay natupad na.

Ang "bucket list" ay ang listahan ng mga tao na, sa salitang Ingles, ay about to hit the bucket. Ibig sabihin, malapit nang pumanaw. Ginawa pang pelikula nina Morgan Freeman at Jack Nicholson ang The Bucket List.



SECOND YEAR ANNIVERSARY. Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na noong August 21 pa umalis ng Pilipinas si Geoff papuntang Las Vegas para i-renew ang kanyang green card.

Dinalaw rin ni Geoff ang nakababatang kapatid na si AJ Eigenmann, na sa Las Vegas nakatira at nagtapos ng kursong Veterinary Medicine.

Si Carla naman ay tinapos pa ang taping ng primetime series na Makapiling Kang Muli, kaya nitong August 28 lamang nakasunod kay Geoff sa Las Vegas.

Sa Amerika na rin ise-celebrate nina Geoff at Carla ang kanilang second anniversary bilang magkasintahan sa Linggo, September 2.

Nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan nang ipareha sila sa Pinoy remake ng Mexican novela na Rosalinda noong 2009.

Makalipas ang isang taon ay naging sila na.

Pagkatapos ng pagtatambal nila sa Rosalinda, nasundan pa ito ng mga sumusunod na programa: The Last Prince, Basahang Ginto, at ang pinakahuli ay ang Magic Palayok.

Pansamantala silang pinaghiwalay onscreen at ipinareha sa iba. Pero off-cam ay nanatili ang kanilang magandang samahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa September 8 nakatakdang umuwi ng Pilipinas sina Geoff at Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN