Singer Richard Poon finally admits relationship with actress Maricar Reyes

Richard Poon and Maricar Reyes have been together officially since July 1, but did not reveal this to the public until last Wednesday, August 29, on Kris TV.


Inamin na rin sa wakas ni Richard Poon ang relasyon nila ni Maricar Reyes sa morning show na Kris TV noong Miyerkules, August 29.

Nag-guest si Richard sa programa ni Kris Aquino noong araw na iyon.

Pagkatapos kantahin ang awiting “Beauty and Madness,” na may lyrics na Who will be there to catch you if you fall?, tinanong ni Kris si Richard.

Kris: “Richard, sinong sasaluhin mo pag nalaglag? Meron na ba, meron ka nang gustong saluhin?”

Richard: "Oo."

Kris: "Starts with a letter M?"

Richard: "Yes."

Kris: "Kayo na ni Maricar? Sorry, ha, didiretsuhin ko na."

Richard: "Oo, just last July."

Napatili naman nang malakas sa excitement si Kris.

Kris: "July when?"

Richard: "I think, July 1st."

Ikinuwento rin ni Richard kay Kris kung paano sila nagkakilala ni Maricar.

Aniya, “I met her… siya yung girl na kinuha sa music video ng ’You And I.’ That’s a video of ’You and I.’”

Ang tinutukoy ni Richard ay ang single mula sa kanyang record album.

Ano naman ang kanta nila para sa isa’t isa?

“Wala pa kaming… people say it’s ’You And I’ kasi dun kami nag-meet.

“Pero honestly, nung we became good friends, iba yung music taste niya, e. Hindi niya trip yung music taste ko.

“So we have different music tastes.”

Pagkatapos naman nito ay pinakanta sa kanya ni Kris ang "You And I."



ON HOLD. Mahigit isang buwan bago pa ang pag-aming ito ni Richard sa national television, nauna nang inamin ng crooner sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sila na nga ni Maricar.

Inamin niya ito sa PEP sa launching ng kanyang album na The Crooner’s Songbook noong July 20, 2012, sa Mesa restaurant sa Tomas Morato, Quezon City,

Dumating si Maricar doon nang halos patapos na ang interview at sinabayan si Richard na kumain ng lunch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang usisain ng PEP kung may namamagitan na kanila ng aktres ay umamin naman ang singer.

Pero nakiusap si Richard na huwag na munang ibunyag ang kanilang relasyon dahil ayaw raw niya itong “magamit.”

Pinagbigyan naman namin ang kahilingang ito ng singer.

Sabi pa niya noon sa PEP, sa September na lamang ilabas ang balita dahil binabalak ni Richard na sa Star Magic Ball niya ihayag sa publiko ang kanilang relasyon.

Mamayang gabi, September 1, gaganapin ang Star Magic Ball sa Shangri-La Makati.

Ngunit ilang araw bago ang event na iyon, ini-reveal na ni Richard ang tungkol sa relasyon nila ni Maricar sa Kris TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN