Amy Perez’s only wish on her 43rd birthday: "Annulment na lang talaga."

Hindi pa rin lubos-maisip ni Amy Perez kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin maaprubahan ang kahilingan niyang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Brix Ferraris. Saad ni Amy, “E, kasi kami naman talaga, nung nagbigay na sila ng final na… final decision sa court… So we are looking for other means and ways na maayos siya. So, ang hirap.”


Naging emosyunal si Amy Perez sa advance birthday celebration nito kanina, September 1, sa showbiz talk show ng TV5 na Ang Latest: Update.

Sa September 5 pa talaga ang 43rd birthday ng naka-leave na host ng Face To Face, pero sinorpresa na siya ng kanyang mga co-hosts sa Ang Latest.



ULTIMATE WISH. Pakiramdam ni Amy, wala na siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan kundi ang tuluyan nang ma-annul ang kasal nila ng ex-husband niya—ang dating bokalista ng bandang South Border na si Brix Ferraris.

Saad niya, “Siguro wala na akong hihilingin pa sa buhay lahat-lahat.

“Kumbaga, nakaikot na yung buhay ko—annulment na lang talaga.”

Matatandaang ilang beses nang na-deny ang petition sa korte ni Amy para tuluyan nang mapawalang-bisa ang kanyang kasal kay Brix.

At noong July 17, 2006, dinesisyunan na ng Supreme Court “with finality” na huwag pahintulutan ang kahilingan ni Amy na ipawalang-bisa ang kasal nila ni Brix sa basehan na psychological incapacity sa parte ni Brix.

Ayon sa Supreme Court, "Amy’s expert witness, a psychologist, failed to prove that Brix was suffering from a psychological incapacity that rendered him unable to fulfill the essential marital obligations."

Nang tanungin kung iniinda pa rin ni Amy ang kasong annulment ay napaiyak na ito bago sumagot.

Sabi nito, “Ayokong maiyak. Pag naiisip ko lang kasi…”

At dito na tuluyang nangilid ang luha ng Kapatid TV host.

“Kapag nag-uusap kami ni Carlo [Castillo, her live-in partner], yun nga, parang sabi niya, sana bago man lang kami mag-sixty ay maikasal tayo para rin sa mga bata.”

Magiging dalawa na ang anak ni Amy sa broadcaster na si Carlo Castillo dahil kasalukuyang buntis ang TV host sa ikalawang anak nila.

May isa naman silang anak ni Brix, si Adi.

Patuloy ni Amy, “Kasi maayos na lahat—yun [annulment] na lang talaga.

“Na parang, for me, kinukuwestiyon ko rin yung nangyari na parang, ewan ko, na minsan…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko, parang tinuturuan pa ako ng Diyos na maging mas mahaba pa yung pasensiya ko, so ganun na lang.”

THE ANNULMENT. Hindi pa rin lubos-maisip ni Amy kung bakit hanggang ngayon ay hindi maaprubahan ng korte ang kanyang isinampang kaso.

“E, kasi kami naman talaga, nung nagbigay na sila ng final na… final decision sa court… So we are looking for other means and ways na maayos siya.

“So, ang hirap.”

Si Carlo ba ay naaapektuhan pag naririnig nito ang pangalang Brix Ferraris?

Sabi ni Amy, “Hind naman na, okay na kami dun.

“Tanggap na namin yun, na talagang lahat na naman din, ginawan na namin ng paraan para makikipag-communicate sa kanya [Brix] because of Adi, dahil meron kaming koneksiyon na dalawa, e.

"E, mukhang hindi na naman siya interesado.

“Kaya kami ni Carlo, kaming dalawa, kinuha na namin yung full responsibility in taking care of Adi, lahat-lahat.

“Talagang in-explain everything kay Adi, so, siyempre, kami lang din.

“Si Adi ay nasa punto na binata na rin, may mga bagay na meron siyang tinatanong na.

“Sabi ko, ‘Eventually your father will explain all of that sa iyo.’

“Hindi ko na nga din alam kung kalian.”


ANOTHER BOY. Super blessed naman daw si Amy kahit naging balakid sa buhay niya ang annulment.

Gaya ng nabanggit, kasalukuyang apat na buwang buntis si Amy sa pangalawa nilang anak ni Carlo.

Ang panganay nila na si Sean Kyle ay tatlong taong gulang na ngayon.

Saad ni Amy, “Oo naman din, sobra-sobra, kaya naman wala na akong mahihiling pa kasi I’m blessed with a good family.

“Salamat sa lahat ng suporta nila, maayos ang trabaho ko, talagang walang-wala—wala nang kulang.

“Yun [annulment] na lamang talaga ang inaantay namin.

"At alam kong kahit mga kamag-anak din namin, at mga kamag-anak na nasa side ni Carlo, ay yun din naman ang inaabangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, kung mangyari yun, sila pa ang mauunang maging masaya para sa amin.”

May magandang balita rin si Amy tungkol sa ipinagbubuntis niya.

“Medyo may nakita sila, pero medyo may uulitin pa kasing ultrasound by September 26.

“Pero may nakikita na silang parang meron, so lalaki ito.”

Natatawa pang pahayag ni Amy, “So lalaki na naman, so may balak akong magtayo ng basketball team.

“Sabi nung nag-ultrasound sa akin, ‘Naku, napakasuwerte niyo naman, Ma’am Amy, kung boy ulit, andaming mag-aalaga sa ‘yo pagtanda mo.’

“Sabi ko, ‘Oo nga, puro lalaki.’”

Dahil magiging tatlo na ang kanyang anak na lalaki, posible kayang pagkatapos niyang manganak ay masundan agad ang kanyang pagbubuntis para makabuo naman ng baby girl?

“Ay naku, sarado na ang tindahan!” pabirong sagot ni Amy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN